Gabi (3)

11 0 0
                                    

Sa gitna ng gabi
Sa ilalim ng maliwanag na buwan
May matang nakatulala
Utak na naglalakbay at nakakarating sa iba't-ibang dimensyon

Sa paglipas ng ilang minuto
Mukha nyang nakatungo
Di mo alam kung saan patungo
Isip nyang pabago-bago

Inaalala ang nakaraan
Nakaraan na hindi madaling kalimutan
Paulit-ulit na binabalikan
Kahit yun ang dahilan kung bakit sya nasasaktan

At sa kanyang silid
Tahimik, ni isang ingay wala kang maririnig
Na kabaliktaran sa kanyang isip
Hindi matahimik sapagkat iyon ay sakop ng sari-saring tinig
Mga salitang paulit-ulit.
Na kahit sya mismo hindi alam kung anong nais ipahiwatig

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poems and Thoughts Where stories live. Discover now