Napanguso ako. "Uy, takot mamatay! Manghahalik kasi ng iba" pangaasar ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napatawa.

"You're really are something baby..." halakhak niya. Napaawang nanaman ang bibig ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby. Hay naku naman, bakit ba ako nanghihina pag ganuon?

Pinanuod ko siya, hanggang sa huminahon siya. Napabuntong hininga siya. "Ang hirap iwanan ng bulacan" sabi niya sa akin. Nakaramdam din ako ng lungkot.

Hindi ako nakaimik. Muling bumalik sa akin ang katotohanan na malungkot ako ngayon dahil bukas ay aalis na siya. "Maganda po kasi dito at tahimik" pagsangayon ko sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko ay itinaas ang ulo ko para magkatapat ang mukha naming dalawa. "It's not just about the place. It's you..." marahang sabi niya sa akin. Muling nangilid ang luha ko.

"Hindi naman po ako ang bulacan..." naiiyak na sabi ko sa kanya. Napangisi siya.

"Nandito ka. Kaya palaging magiging special ang bulacan para sa akin" sabi niya sa akin kaya naman bahagya akong napatango.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa muli niya akong nilingon. "You'll be here tomorrow morning, right?" marahang tanong niya sa akin.

Nagulat ako. "Mageenrol kami bukas" malungkot na sabi ko. Nakakainis, gusto ko din na nandito ako bukas para naman kahit masakit ay makita ko siyang umalis. Kahit masakit.

"Sasamahan kitang mag enrol kung ganun" pagprepresinta niya. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Talaga po?" excited na tanong ko kaya naman napatango siya. Napapalakpak ako.

Nagtaas siya ng kilay. "Para alam ko din kung saan ka susugurin pag may nabalitaan ako" pangaasar niya sa akin kaya naman napatawa na lamang ako.

Gustuhin man naming magstay duon ng mas matagal ay hindi pwede. Mag party sa loob at para iyon sa kanya. Hindi siya pwedeng mawala duon.

"Let's go" yaya niya sa akin kaya naman napatango ako. Una siyang tumayo mula sa duyan kaya naman tinulungan niya pa akong tumayo mula roon. Napatawa kaming dalawa ng walang kahirap hirap niya akong naingat duon.

"Gusto ko sa susunod na kita natin, malaman ka na" pangaasar niya sa akin pero imbes na matawa ay mas lalo lang akong nalungkot na para bang ramdam kong masyadong matagal ang susunod naming pagkikita.

Humiwalay ako sa kanya pagkadating sa may front door. Lalo na ng sinalubong siya ng mga taong mukhang kanina pa naghahanap sa kanya. Hinayaan ko na lamang at tsaka ako dumiretso sa may kitchen. Kagat kagat ko pa ang labi ko, ramdam ko pa din ang halik ni Senyorito baby duon.

Napawi ang ngiti ko ng makita ko ang nakabusangot at ang matalim na tingin ni Senyorita Lumi sa akin. Napanguso ako, gusto ko sanang pumihit pabalik na lang sa may sala pero hindi ko na magawa dahil nakita na niya ako.

"May kailangan po kayo?" magalang na tanong ko sa kanya. Baka may iuutos lang.

Hindi siya kaagad sumagot sa akin pero kita ko ang galit at pagkainis niya bakit kaya?

"Senyorita?" pagtawag ko sa kanya.

Nagulat ako ng haklitin niya ang braso ko at padarag akong hinila patungo sa may kusina. "Senyorita, aray ko po..." daing ko sa kanya pero hindi siya natinag.

Buong akala ko ay titigil na kami sa loob nv kusina pero nagkamali ako, idiniretso niya ako sa mag garden. At halos mapahiyaw ako ng padarag niya akong binitawan sa may lupa.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora