SIMULA

350 9 5
                                    

Nahihilo at masakit pa ang ulo ko nang bumangon ako mula sa kama. Mabilis kong naramdaman ang lamig nang mapagtanto ko na wala akong suot na kahit ano maliban sa wrist watch ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpakalasing nang gabing iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakarating sa condo na ito, gayo'ng ako lang naman ang mag-isa at wala akong kasama sa night club.

Narinig ko na tumulo ang gripo sa CR pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nakita ko rin na masyadong magulo ang paligid ng kwarto, parang may kung anong bagyo ang dumaan dito kagabi.

Tumayo ako at medyo nawalan pa ng balanse dahil sa hang-over. Sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko, parang gusto ko na lang humiga at matulog buong araw.

Ano ba talagang nangyari kagabi?

Napahawak ako sa hamba ng pintuan dahil sa matinding hilo. Pinihit ko ang doorknob ng CR at laking gulat ko nang kusa na lang itong bumukas at niluwa ang isang lalaki na nakahubad.

"AHHHH!" Kapwa kami nagulat sa isat-isa. Ang malakas na sigaw ko ay um-echo sa apat na sulok ng kwarto.

"Who the f*ck are you? Anong ginagawa mo sa condo ko?!" tanong niya na parang walang alam sa lahat ng nangyari. Magkahalong gulat at pagtataka ang rumihistro sa muka niya.

Nang napagtanto ko na parehas kaming nakahubad ay mabilis na hinila ko ang kumot na nasa kama at itinakip sa katawan ko. Lalong sumakit ang ulo ko nang pilit kong inalala ang nangyari kagabi.

"Anong ginawa mo sa akin! Pinagsamantalahan mo ba ako?!" Nanginginig ang katawan ko. Feeling ko may ginawa siyang mali sa akin dahil ang sakit ng mga kalamnan ko.

"I don't know, I don't know anything. I remembered drinking with the girl I payed for. I don't understand why I woke up with another guy inside the room!"

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, wala rin siyang alam na lalaki ang kasiping niya nang gabing iyon? Ibig sabihin ba nito may nangyari sa amin?

"Sagutin mo ang tanong ko! Anong ginawa mo sa akin?!" Halos pumutok ang ugat ko sa noo sa lakas ng sigaw ko.

Ilang beses siyang umiling bago humakbang palapit sa akin. Nakita nang dalawang mata ko ang pag-galaw ng mga muscles n'ya sa katawan. Umatras ako sa kanya at nagbanta na huwag akong lalapitan.

"F*ck!" Napasabunot siya sa sarili. "It's just a f*cking mistake I don't know that you are a man."

So, totoo ngang may nangyari sa amin dahil ang buong akala niya ay babae ako?

"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Ipapakulong kita sa mga pulis!" Mabilis kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig, nagbihis ako at inayos ang sarili.

Bakit ba ako na lagay sa ganitong sitwasyon? Gusto ko lang naman mapag-isa at kalimutan ang problema ko sa pamilya at financial needs ko para sa pag-aaral. Hindi ko alam na maslalo pa palang lumala ang problema ko.

"Sandali lang." Hinawakan niya ang braso ko kaya naramdaman ko na may dumaloy na kuryente sa aking balat. Agad kong kinalas ang pagkahawak niya sa akin.

"Bitiwan mo ako!" agsik ko sa kanya at bahagya siyang tinulak. Sinisigurado ko na sa katawan n'ya lang ako nakatingin. Hindi ko kasi masikmura na makita ang muka ng lalaking kumuha ng virginity ko.

"Huwag mo na akong idemanda. Parehas lang tayong naging biktima nang gabing iyon. I'm out of my mind and you're to drunk kaya tayo nagkasala," aniya at sa wakas ay naisipan niya ng takluban ang kanyang maselan na katawan.

"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo! Kinuha mo sa akin ang pinaka-iniingatan ko! This is for the girl I love and you steal it in just a one snap."

Kahit wala pa naman talaga akong girlfriend dahil hindi pa ako handang humawak ng relasyon.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Are you a gay?" Umiling ako sa kanya kaya napangisi siya. "Eh bakit takot kang mawala ang virginity mo? It's just a normal thing for all men."

Kung para sa kanila isa lang itong laro, sa akin hindi. Sagrado ito at ginagawa lang ng mga mag-asawa.

"Hindi naman kasi ako hayok sa laman katulad n'yo!" Tinabig ko siya para makadaan ako. Lumabas ako ng kwarto at iniwan siyang sumisigaw sa loob.

"Sige, umalis ka! Kakainin mo rin lahat ng sinabi mo at babalik ka sa akin para punan 'yang pananabik mo. Darating rin ang araw na hahanaphanapin mo 'to!"

He is a freaking insane! Wala akong alam sa sinasabi n'ya at lalong wala akong balak hanapin at ulitin ang pagkakamali namin. Nakakadiri s'yang lalaki, Isa akong edukado at ayaw kong malason ng utak ng mga taong walang magawa sa sarili.

Lumabas ako ng condo at tarantang lumayo sa gusali na iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kahihiyang ginawa ko. Ayaw ko nang maalala ang lahat lalo na ang pagmumuka n'ya! Sumakay ako sa taxi at pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko.

Bakit parang na talo ako sa isang labanan? Bakit parang ako ang nawalan?

Noong gabing iyon sinabi ko sa sarili ko na itutuwid ko ang pagkakamali ko at hindi magpapadala sa lahat ng sinabi niya, pero nagkamali ata ako. Totoo ata ang lahat ng sinabi niya dahil nagsisimula ko nang question-nin ang sariling pagkatao ko.

Isa lamang iyong one night stand sa kapwa ko lalaki at hindi ko aasahan na 'yung pagkakamali na iyon ang babago sa takbo ng buhay ko.

Lalaki ba talaga ako?

Tangled Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon