Nasaktan? Bakit naman? Saan?

Napailing nalang ako at bumalik ulit sa pag libot.

Panay naman ang sulyap ko kay Bea na kasama ngayon sina maddie.

Naiinis ako!

Langyang De Leon yan! Ang landi landi talaga.

Ughh bahala ka dyan!

Nakakainis talagang damulag to

Nakakabwiset!

Nakakawalang gana na maglibot.

Hinintay ko nalang sina ate ella makarating kung asan ako.

Dun nalang ako sumama.

Nakikinig lang ako sa mga kwentuhan nila at kung minsan ay tatawa kapag nakakatawa at magsasalita kapag kinakausap.

Yung isip ko nandun kay Beatriz at kay Maddie na naghaharutan.

Hindi ko naman mapigilang masaktan sa nakikita ko.

Ang saya niya kapag kasama niya si Maddie.

Tuwang tuwa siya.

Ang sweet sweet pa nila.

"Kasi naman eh nasaktan mo ayan tuloy sa iba ginagawa ang dapat sa'yo. Ikaw din kasi may mali eh" biglang sabi ni ate ella kaya napatingin ako sakanya.

"Ako? Bakit ako?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

Natawa naman sina jia

"Kasi naman naglalambing lang sa'yo yung tao tapos ginanun mo na. Siyempre nasaktan naman yung ego nung tao. Pero okay lang yan di ka naman mahal ni Bea kaya hayaan mo na. Iyak ka nalang. Bagay naman sila ni Maddie eh" sabi pa ni ate ella at nagtawanan sila nila Jia.

Mas lalo tuloy akong nainis.

Alam ko naman na naglalambing siya pero kasi nahihiya ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao.

So nahihiya kan ganun si bea sa'yo?

Hindi nsmsn pero ayoko lang may sabihin sila.

Ahh takot ka sa mga iisipin at sasabihin nila sainyo.

Napailing nalang ako dahil sa mga iniisip ko.

Oo alam ko mali ako dun pero kasi naman eh.

Hays.

Ewan ko na.

Nagseselos ako  ngayon!

Nagseselos ako kasi ang sweet nila ni Maddie.

Dati niyang gusto si Maddie eh.

Nasabi niya noon sakin.

Pano kung nagbalik yung feelings niya kay Maddie?

Paano kung may gusto din si Maddie kay Bea?!

Anuna pano na ako?!

Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip ko.

"Hala siya nabaliw na. Parang ayaw ko nalang din mainlove kung ganun lang naman" sabi ni ate ells kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kalma bes. Kausapin mo nalang mamaya. Marupok naman yan si Bea pagdating sa'yo eh" sabi ni jia at nginitian ako.

Hinawakan naman ni Mich ang kamay ko.

"Wag kana malungkot marag. Andito tayo para mag enjoy" sabi ni mich kaya tumango ako.

Di ko muna iisipin ang pagseselos ko kina bea.

Ieenjoy ko nalang muna ang araw nato.

Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Huling Sandali (Jhobea)Where stories live. Discover now