jennie

1 0 0
                                        

All this time, hindi ko maiintindihan yung sarili ko, marami naman yung nagpaparamdam sa akin na mga lalaki ngunit kahit isa nila ih hindi ko man lang magustuhan . May mga crush naman ako pero hanggang doon lang . Crush and that's it period , no more rainbows and butterflies in stomach . I guess tomboy siguro ako , pero wala naman akong nararamdam sa same gender ko . It always confused me .

"JENNNNNNNNNNNNNNNNN"- pambihira naman to si mama panira  eh, parang nakalunok lang ng isang batallion na megaphone.

"Oh! Ma, heto na papunta  na."
Hindi rin ako papatalo noh , kung si mama ay nakalunok ng megaphone , ako naman ay parang nakakain ng basag na speaker . Kasalukuyan nga pala akong naglilinis sa labas ng bahay tas ewan ko kay mama ako pa yung ginambala para kunin yung ulam na binibigay ni nanang Precing  eh kesyo daw mas madali daw akong utusan, abah yung mga kapatid ko naman mga tamad-tamad maglakad heyssss , nga pala ganito na yung routine ko tuwing sumasapit ang araw ng sabado at linggo kung hindi ako busy sa mga school paper works, kahit single ako ay hindi naman ako katulad ng iba dyan eh always nakatunganga sa social media or should I say addict masyado na minsan nga inuumaga ng matulog nako kayong mga bata pa kayo , ehem ako rin pala minsan but don't me! sa sa Chinisedrama/ Kdrama lang ako na  addict hindi sa iba ..di katulad niyo na addict sa kaniya pero sa ML cya na addict owss baka naman sa ka naman sa ibang babae , ngeek hehehe waley yung banat ko at  oo alam ko pero proud naman ako kasi niniwala ako yung mga banat ko ih may natatamaan diyan sige lang ok lang yan inday  bwahahaha bleee

"Magandang umaga ho!" Kahit kailan talaga hindi kumukupas ang kagandandahan ni nanang Priceng nasa middle 50's na yung katandaan niya at hindi na binayayaan ng anak , siguro kung ka-edad ko ito ngayon habulin ito ng lalaki.

"Ang inaanak kong maganda, na  pang foreigner yung beauty, nakunaku na miss kita , bakit kasi bihira ka lang napapadpad dito " miss ko rin itong bunganga nih nanang ih walang ka preno kung magsalita tungkol sakin pang kano daw yung beauty ko naku ewan ko kung totoo yun hehehe  baka nga diba benta na benta yung beauty ko hhaha pero No way! High way! May inaalagaan akong pangako at dignidad.

"nanang Precing naman parang ibinibinta niyo yung beauty ko sa mga kano at saka po ih parati naman po kitang dinadalaw ih kaso bc lang po ako nitong nakaraang araw subsub rin po sa trabaho sa farm " ito naman si nanang Precing ang oa feel teenager kahit kailan -_' parang hindi kami nagkita ng ilang taon hahaha siguro ganito ako kagandang bulate ...ngeek

"Teka lang inday kukunin ko lang yung ulam at saka pandesal" lumakad na ito patungo sa kanilang kusina , kahit na may edad na ito kita parin ang curve ng kaniyang katawan parang model na iniingatan yung katawan noon sabi nih mama marami daw ito mga suitor noon pero si tatang lang daw ang tumagal abah sino naman ang hindi magtatagal kung ama nito ay hahabulin ka ng itak.

" Inday jen!" Ito naman si tatang Amado ay may angkin rin na pagka-mistiso isa syang staff ng kilalang station ng radio

"tatang! magandang umaga ho , abah napakarami naman dala niyong dahon" tangkay tangkay ni tatang ang sari-saring dahon ng atis , guyabano at saka miracle fruit.

"Ah ito pabubukalin ko ito ng tubig at gagawin kung pang inom , alam mo na inaanak mas maigi na gumawa ng herbal na galing sa bakuran mas maraming nutrients kang makukuha" tumuloy na ito sa loob ng bahay upang ilagay iyun sa isang lalagyan.

"Inday! heto oh, mainit-init pa yang sinigang at saka balik ka rito pag di kana masyadong bc" naku matutuwa sila mama nito amoy palang ang sarap nah

"Salamat dito tatang /nanang " hayss kailangan ko nang bumalik sa amin sigurado kong kumukulo na yung tiyan ng mga tamad kung kapatid

"Ma! Oh heto na po, sinigang pala yan at may pandesal din po rito"  ganito kami parati kapag umuuwi ang asawa nih Aleng Precing at ito na rin yung nakaugalian na sa tuwing may mga masasarap na pagkain ...arat lafangzzz na...

Pagkatapos kong kumain ng umagahan ay pumunta na ako sa farm at doon ko na ginugugul ang buong maghapon .

-Jennie Dan, isang pure pilipina at simpleng babae ,walang halong kaartehan maliban lang sa lalaki dahil may allergic siya sa mga ito. Certified NBSB kung ituring , nasa 5'4 ang height at masasabi mong isa siyang endorser ng isang sabon dahil sa angkin kutis na taglay sa unang kita mo lang pero hindi mo aakalain na isa syang  mambubukid at isa rin itong license teacher na nagtuturo sa secondarya malapit sa kanilang bayan

MILES AWAY FROM YoU My SweatheartStories to obsess over. Discover now