I - 5

146 4 3
                                    

Rebbecca's POV

*Kriiiiiiing!! Kriiiiiiiing!!*

*Kriiiii---*

Pinatay ko na ang kanina ko pang naghihysterical na Alarm. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. "Mmpp!" Napainda ako ng tumama ang sinag ng araw sa mata ko , agad akong nagtalukbong ng unan sa muka.

*Tok Tok Tok Tok*

"Rebbecca!! Bumangon kana! Nakahain na sa baba yung agahan mo! Mag aalas syete na!" Narinig kong sigaw ni mama sa labas ng pinto. "Oo Ma! Susunod ako! 5 minutes!" .Tinanggal ko na ang unan na nakatalukbong saken at agad na tumayo ,naginat muna ako at humiga ulit.

(tsk! Gusto ko pang matuloooog!!).

(eto na talaga , babangon na ko!)

Umupo na ko sa pagkakahiga . Pero sadyang matigas ang ulo ng katawan ko, kaya ayun!! Humiga ulit.

*Tok tok tok tok*

"Rebbecca!!!! Ano ba!!! Lalamig na yung pagkain mo!! Bumangon kana!!!!" Okay ngayon mas malakas na ang sigaw ni mama kumpara kanina. Kailangan ko na talagang bumangon LECHUGAS !! .

~~~

Pagbaba ko agad na kong kumain.

"Hay Salamat naman bumangon kana!" Sabi ni mama habang nililipat ang channel ng t.v

"Ma! Gaano ba ko kahirap gisingin?"

nagtataka kasi ako ,maaga naman akong natulog kagabi pero para padin akong puyat na puyat.

"Hay nako! Rebbecca! Ang Paggising ko sayo Ay Kasing HIRAP ng Math!!!" Talagang inemphasize pa ni mama ang salitang Hirap ha.

"Napaayos ko na nga pala yung susuotin mo sa Prom nyo sa Makalawa"

"WOW! Talaga Ma!!??" Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni mama, grabe naeexcite na ko sa prom namin! Di ko inakalang mapapaayos na pala ni mama ang susuotin ko , ang buong akala ko kasi hindi nanaman nya maaasikaso.

"Ay Hinde! Nagbibiro lang ako! Sus! Paulit ulit lang? Kakasabi lang diba" ..speaking of sarcasm! .. I just   rolled my eyes , ang importante ngayon ay ang prom! Masyado akong good mood para patulan ang pagiging sarcastic ni madeer. Basta para saken, ang importante ngayon ay ang nalalapit na Prom night. Sana yayain ako ni Carl Austin.

~~~~~

Nalalanghap ko na ang simoy ng Wriley Northeast High School ng biglang..

"MARCOO!! ARAAAY! ANO BAAA!!" Napasigaw ako ng biglang sunggaban ni Marco ang leeg ko gamit ang braso nya "Shh! Ang Aga-aga sumisigaw ka! Manok ka ba? " Ginulo nya ang buhok ko na parang isang bata.

"Tsk! Itigil mo nga yan! At ang sakit kaya ng ginawa mo! Ikaw kaya ang sunggaban ko ang leeg dyan gamit ang braso ko!" nakasimangot kong sabi sakanya

"Okay Lang! Sus Para Yun lang eh!" -Marco

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi ka babae! Iba kasi ang lakas ng lalake sa lakas ng mga baba-- ARAAAAAY!" kinurot nya ang pisngi ko ng sobrang diin..

"Dami pang Satsat eh! Tara na! Malelate na tayo!" .Binatok-batukan ko naman sya habang naglalakad kami papasok ng gate ng WNEHS, Ang sakit naman kasi ng ginawa nyang pagkurot! Di ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko tong gung-gong na to eh.

Pinagtitinginan kami ng ibang students pero wala kaming pakeelam ang alam lang namin ay tawanan kami ng tawanan dahil sa mga kalokohan namin.

~~~~

Lunch Break.

"So... Sinong date mo sa prom soy?" tanong ni Marco habang ngumunguya ng paborito nyang Marshmallows

"Kadiri ka! Lunukin mo nga muna yang Laman ng bibig mo!" sabay irap ko sakanya

"Ow!? Arte Mo! Wala ka lang kasing maisagot kasi wala ka naman talagang date sa prom!" nandila pa ang loko!

"Alam mo soy! I was born beautiful kaya imposibleng walang mangyayaya sakin sa prom! Pasok na pasok ako sa Standards ni Carl Austin! I know that!" papikit-pikit pa ko habang sinasabi yon at tila mukang nag deDaydream..

"HAHAHAHA! Grabe soy ha! Mapagbiro ka talaga! Maganda!?? Maganda ba kamo!!?? San? Saan soy!?" Tiningnan nya yung muka ko with nakakaloko look

"Siraulo!! Doon kana nga! Di mo man lang ako purihin kahit isang beses!" nag-pout pa ko

"Wow! Nagdrama ang nagiisang Rebbecca Mandy Perez! Bagay ka na mag artista sooy! Congrats!" Sinabunutan ko sya sa sobrang inis ko! Mapangasar talaga tong bwisit na to! Habang ako gigil na gigil sya naman ay todo sa pagtawa

"Hahahaha! Oh! T-teka! Easy ka lang soy!... " pagpigil nito sa braso ko ,tinitigan nya ko sa muka, seryoso syang nakatingin sakin

"Ganto lang ako soy! Pero once na may ibang nangasar, nanglait o nanakit sayo ,Aba! Hah! Humanda na sila! Dahil siguradong babakat sa mga muka nila ang signature ng kamao ko!" . Napangiti naman ako sa sinabing yon ni Marco, Although may pagkasadista, baliw at loko-loko to ,Alam kong sya padin ang taong maaasahan at mapagkakatiwalaan ko. Sya Padin ang Bestfriend ko.

"Drama mo din soy eh! Tara na nga! Matatapos na yung Lunch break! We need to go back" Hinila ko na yung kamay nya at mabilis na tumakbo pabalik ng Classroom.


_____

End Of Chapter I.

Eleven Fifty NineWhere stories live. Discover now