Kinausap kasi ako nung isa sa mga teachers namin kaninang uwian.

Bagsak na naman daw si Gino.

Nagtataka daw sila kung bakit sa isang araw, na-perfect niya lahat tapos kinabukasan nung araw na yun, bagsak naman lahat.

Napaisip tuloy ako.

Dahil kaya umuwi ako kaagad?

May ilang hours pa kaming dalawa para turuan ko siya pero umuwi ako.

Tapos nag-away pa kami.

“Ano naman ngayon kung bagsak ako?”

Nagulat ako sa sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

“Pero diba? Hindi pa naibabalik sayo ni Tita yung car mo. Tapos ititigil ng papa mo ang pagaaral mo kapag bumagsak ka this sem. Di ka ba nagwo-worry?”

“Psh. Ang plastic mo” Sabay tumayo siya at tumingin ng masama sakin.

Syempre, napatayo din ako at inayos ko yung glasses ko.

“Ano? Ako? Plastic? Ano na naman ba ginawa ko sayo? Bakit ba ang init ng ulo mo?”



“Tsss. Mikay, wag ka na nga mag-pretend as if ang bait-bait mo! Ang plastic mo! You’re acting like you care for me pero ang totoo, ayaw mo na rin naman talaga ako turuan! Di ba? Napipilitan ka lang naman diba?”

Nung una, oo.

Aaminin ko, napilitan lang ako.

Pero nung nakailang-araw na kaming magkasama at mas nakikilala ko siya at minsan, KAHIT MINSAN LANG, masaya naman siyang kasama, hindi na ko ganoong napipilitan turuan siya.

“Gino, wag ka na nga magalit sakin. Sorry na kung sa tingin mo, pinalalayas kita or pinagtutulukan palayo. Eh kasi naman----”

“Yan na naman yung KASI mo! You know what? You don’t like me and I hate you. Siguro dapat itigil na natin yung lokohan natin noh? I’ll talk to my mom. Sasabihin ko na palitan na lang nila yung tutor ko because obviously, hindi mo na ko natuturuan ng maayos”

Dun na ko napa-frown.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon