silip sa takipsilim

266 1 0
                                    

bakit kaya hinahayaan ng Diyos na tayo'y matulog pa?

pwede naman abangan na lang natin ang pagdating ng umaga...

para hindi tayo natatakot  na hindi na magising pa..!

napakadilim ng paligid! wla ako natatanaw ni gatuldok na liwanag.

pumikit ako muli, at sa pagdilat q muli unti unti ko nasilayan ang paligid.

kasama ko ang pinahiram NIYA sa akin upang maging gabay ko sa pagtuklas ng buhay!

ang aking ama, nakaupo sa racking chair, malamlam ang mga mata at halata ang kulubot niyang balat tanda ng edad. sa tabi ko ang aking ina na naghihiwa ng mga gulay, kapansin pansin din ang mga ugat sa kanyang kamay dala ng katandaan..

tahimik.. maliban sa mahinang usapan sa labas ng bahay.

nagtanong ako upang basagin ang katahimikan, "Nay, bakit po ang dami nyo iluluto?"

si tatay ang nagsalita,"tiyak madmi ang darating na tao."

Katahimikan muli ang nangibabaw. 

hindi ko alam kung bakit lumabas sa mga labi ko ang isang tanong na marahil ay para mawala ang panglaw sa paligid ko...

"Kung mamamatay kaya ako saan ako dadalhin ng ating Lumikha?"tanong ko.

walang sumagot, bagkus pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.. "sapat na po kaya na nagmalasakit ako sa kapwa para isama Nya ako sa kaharian, o nabulag ako sa materyal sa paligid kung kaya't marami akong nalimutang masmahalaga, ang magpatawad,humingi ng tawad at pahalagahan ang biyaya Nya?"

"sino ba ang my gustong mawalan ng anak?" ang narinig ko tinig mula sa aking ina.

hanggang sa my tumawag sa labas ng bahay. "nanay my mga tao po naghahanap sa inyo."

dalidali lumabas ang aking ina mula sa kusina kasunod ako. tanaw ko sa hnd kalayuan ang mga malalapit na kamag-anak.. ano kaya ang okasyon?naitanong ko sa sarili..

Nagtungo ako sa mga kapatid ko na magkakasasama,makikisaya sana subalit bakit ganito.? wala ang halakhak na dati nangingibabaw tuwing magkakasama kami... walang asaran, harutan at sigawan..umupo ako sa tabi ng aming panganay, at sa wakas my nagsalita.

"parang kanina lang kasama natin sya.".

"Ano ba ang problema?" tanong ko.

nagsimula mahulog ang luha ng bawat isa na sa pagkakaunawa ko ay tugon sa aking tanong.wala na muling nagsalita, bagkus tumayo sila at nagtungo sa loob ng bahay.

hindi ako natinag,sinubukan kung hawakan sila upang makakuha ng sagot subalit... wla akong naramdaman,hindi ko magawang hawakan sila.

tama ba ang iniisip ko? hindi nila ako nkikita ni naririnig?sumigaw ako at humabol ng yakap subalit balewla..

hanggang sa unti unti nahulog ang mga luha ko...

tuluyan akong nanghina nang nakita ko ang nilapitan nila.. ang tinitingnan ng lahat ang sentro ng akala ko ay isang malaking okasyon.

kung my pagkakataon pa sana bago natapos ang misyon ko sa mundo... hanggang sa my narinig ako tinig.! subalit nasaan...?

unti unting nawawala ang lahat... natakot ako.. naguluhan... pag tawag sa Kanya ang tanging nagawa.. anong mangyayari saken? ano ang gagawin ko?napapikit ako upang hindi makita ang mangyayari..takot pa rin ang nangingibabaw sa akin..

...sinubukan kong imulat ang mga mata ko na luhaan p rin..

nakarinig ako ng tilaok ng manok.. at mula sa bahagyang nakabukas na bintana nasilayan ko ang mapang akit na pagsikat ng bagong umaga....

napabaligwas ako kasabay ng pagtawag sa akin upang gisingin ako...

marahil sadyang niloob Niyang ilihim muna kung paano Niya iguguhit ang isang magandang umaga, para hanapin natin Siya at sabihing...

"Salamat po" at binigyan Ninyo ako ng panibagong buhay at pag asa..!

--Walang basagan ng trip!

silip sa takipsilimWhere stories live. Discover now