CHAPTER 26:

316 13 2
                                    

"SI Namjoon ang naging King of the night. Akala ko ako eh!" Natawa silang lahat dahil sa sinabi ni Jin habang nakaupo sa sahig.

"World wide handsome daw pero di naman na King! Mukha mo!" Sabi ni Hobi habang kumakain ng tira nilang dalawa ni Jungkook kanina.

Kanina ay muntikan na silang makita ni Jungkook na naghahalikan kaya mabilis n'yang tinulak si Jungkook. Ngayon, nakangiwi s'ya habang hawak-hawak ang likod neto. Napatawa s'ya sa kaloob-looban.

"Hindi maganda ang prom dahil di ako ang pinili na maging King. What the fvck ever!" Natawa sila lalo dahil 'yun lang ay stress na si Jin. Napailing si Namjoon at pinasuot dito ang sash.

"Stop whining. Here, wear this you deserve it Mr. WWH." Napangisi si Jin at sinuot 'yun kasama ang fake crown. Napailing na lang s'ya.

"Thank you for this!" Tinignan n'ya si Jungkook na nakangiwi pa din.

"Ayos ka lang ba? Pasensya na talaga!" Mahinang sabi n'ya kay Jungkook habang nakangiwi din.

"It's okay. They're fvcking annoying!" Sabi neto habang tinitignan ng masama ang kaibigan isa-isa.

"Woah. Easy there! Ano kasalanan namin?" Nagtatakang tanong ni Jimin habang nakataas ang kamay.

"Fvck you all!" Natawa s'ya du'n. Galit ito dahil nabitin sa halikan nila kanina.

"Whatever Dude." Sabi ni Jimin. Umiinom lang silang lahat. Huminga s'ya ng malalim.

"May sasabihin kami." Sabi ni Yoongi na nagpabasag sa katahimikan."Sinabi namin sa magulang namin na kami na ni Jimin."

"Oh?! Ano naman ang sabi ng magulang ninyo?" Tanong ni Jin. Huminga ng malalim si Yoongi at ngumiti.

"Ayos lang sa kanila. Wala naman daw problema at kapag may marinig kami wag lang magpapadala." Sabi ni Yoongi habang hinahawakan ang kamay ni Jimin. Tumango naman si Jimin.

"We will come out in public soon. Handa naman na kami." Nagpalakpakan silang lahat dahil masaya sila para sa kaibigan nila.

"Woah! Ayos ah! Sa tingin ko kayong dalawa ay magpapakasal na kaagad!" Natawa silang lahat dahil sa sinabi ni Namjoon.

"Kayo ba V?" Tanong ni Jin sa kanya. Ngumiti s'ya at tinignan si Jungkook.

"We won't risk it for now. Sa ngayon iisipin muna namin ang namamagitan sa aming dalawa, tsaka na kami lalabas sa mundo kapag nasabi na namin sa pamilya naming dalawa." He said. Jungkook agree."My father is a strict man. Hindi pa ako handa sa kung ano man ang sasabihin n'ya."

"Hindi naman kami nagmamadali dahil may tama namang panahon doon. We will just enjoy this relationship, but whatever happens we are ready to face it." Tumango s'ya at tinignan ang mga kaibigan.

"I didn't expect this that Jungkook will talk like a mature man." Sabi ni Namjoon na nakatingin sa kanilang dalawa."You talk like you understand some things."

"Ngayon ko lang kasi narealize na iba ang relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Eto kasi mas mahirap." Sumang-ayon ang mga kaibigan."Kaya kailangan kong intindihin pero di ko din namang maiwasang magselos."

"Parte 'yan ng relasyon kaya masanay ka na sa ganyang pakiramdam." Sabi ni Yoongi na napatawa sa kanila.

Kapag magkakasama silang magbabarkada ay masaya sila. Walang iniisip kundi ang mga bagay bagay at ang pagkakaibigan nila. Lahat naman sila ay may tinatagong problema pero nandyan lang naman ang isa't-isa.

"Sa'n naman kaya ako makakahanap ng matinong relasyon? Tangina." Sabi ni Hobi sa kanila. Tumawa naman sila dahil parang stress ito.

"Wag ka munang mangarap na magkaroon ng jowa kasi sasakit lang ulo mo!" Sabi ni Namjoon. Napailing na lang sila.

A LOVE TO REMEMBER [COMPLETED]Where stories live. Discover now