Natigilan ako dahil sa biglaang tawa ko. Napaupo ako sa yelo sa kakatawa at nakita ko pa si Kurt na nagpanic dahil bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Itinaas ko ang kamay ko para sabihin sa kanyang okay lang ako at si Ina na ang tumulong sakin sa pagtayo.
"Ba't ka naman tinamaan ng pinto?" tanong ko rito at huminto kami saglit dahil tawang tawa pa ko.
"Papasok na kasi ako dito eh dumaan ako doon sa kotse. Eh biglang bumukas, tinamaan ako. Hindi pa humingi ng sorry yung lalaki. Kainis." aniya at humalukipkip habang nagpatuloy naman ako sa pagtawa ko.
"God, Ina!" ani ko bago pinunasan ang parehas kong mata gamit ang likod ng palad ko dahil sa pagkaluha ko sa kakatawa. My sister really looks pissed dahil sa pagkatama niya sa pinto. A real jerk the guy is.
Huminto kami ni Ina sa gitna ng rink habang si Kurt naman ay sinamahan na ulit kami. Bumalik na ang coach at ang trainer ni Ina at may kasama itong lalaki na may blades rin na nakasabit sa balikat. Lumapit sakin si Kurt at inilagay ang kamay sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Nanatiling nakatuon ang tingin ni Kurt at Ina sa lalaking kasama ng coach kaya't napatingin rin ako.
Nang pumasok ang coach kasama ang lalaki ay narinig ko na lang ang sigaw ni Ina na umecho sa loob ng rink.
"Ikaw?!" sigaw niya sa nakangising si Zane.
Mabilis nagskate si Ina palapit kay Zane pero mas mabilis kami kumilos ni Kurt. Akmang susugurin na ni Ina si Zane pero naitulak ko si Zane ng mahina habang si Kurt naman ay hinarangan ang daanan ni Ina. Malaking bagabag pa rin sa isip ko kung bakit hindi maalala ni Ina si Zane samantalang halos kababata na rin namin to si Zane.
Nagbigay ng isang makahulugang tingin si Zane sakin as if he's telling me to shut my mouth about who he really is. Okay fine, di naman talaga ako magsasalita. Problema nilang dalawa ni Ina yan.
"Hey!" tawag atensyon ni Kurt kaya napatingin ako sa kanya.
"Yeah?" ani ko nang nakangiti.
"Stop staring back at him." aniya at tinignan si Zane. "She's mine." aniya pa kay Zane.
Gusto kong matawa sa nakikita kong reaksyon ni Kurt pero iniwasan ko ito. Lumapit ako sa kanya saka humawak sa braso nito. Napairap na lang si Zane saka inignora si Ina. Kinausap ni Zane ang coach ni Ina at ang trainer nito. Nagulat pa ko nang biglang sumigaw ng 'Ano?!' si Ina.
"Peste!" sigaw niya bago lumapit sa amin ni Kurt. She looks like a mess. Laki ng epekto ni Zane rito ah?
Inabot sakin ni Ina ang phone kaya agad kong kinuha ito. "Hello?" sagot ko rito.
"Irina, where the hell are you? We need your help and your twin sister sounds fucked up today so I need your help instead." bungad ni Zach sa phone.
"Next week pa ko makaka-uwi, Zach eh." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 13
Magsimula sa umpisa
