Napa-irap ako dahil nagiging bossy siya kaya't sumagot ako. "Wait for a week, then we'll talk." gaya ko sa tono na ginamit niya sakin.
"Fvck! Irina, I can't wait for a week!" ani nito sakin.
Nang makita ako ni Ina na may kausap ay nagskate siya papunta sakin. Huminto siya sa harap ko at tinuro ang phone ko. Itinapat ko na lang sa labi ko ang hintuturo ko bago ko sinagot si Chase na nagmumura na naman sa kabilang linya.
"Magtiis ka." sagot ko at pinatay ang tawag.
Pinatay ko ang cellphone ko saka tinago sa bulsa bago ko hinarap nang may ngiti sa labi si Ina. Tinulak ko siya ng marahan para makatungtong ako sa yelo. Tinitigan niya lang ako na parang tinatanong pa rin kung sino ang kausap ko kanina. "It's just Chase." sagot ko sa kanya.
"P-pero si---" pinutol ko ang sinasabi niya.
"Pumayag si Kurt. Nairita sa paulit-ulit na pagtawag ni Chase sa phone ko." ani ko sabay kibit balikat na tinanguan ni Ina.
Lumapit kami kay Kurt na kausap ang trainer ni Ina. Nakita kami nito na papalapit sa kanya at nang muntik na kong ma-out of balance ay parehas sila ni Ina na humawak sa braso ko. "I'm okay." sagot ko at nginitian sila.
Nagpaalam saglit ang coach at trainer ni Ina kaya't naiwan kaming tatlo. Inakbayan ako ni Kurt saka ako hinalikan sa sentido. Ngumiti si Ina sa nakita kaya ngumiti na lang din ako. Humalukipkip si Ina nang matahimik siya saglit. Bumaling siya ulit sakin at nagsalita.
"Si Anica," simula ni Ina na nagpa-agaw ng atensyon ko. "She was being bullied by Kendra and Eris." aniya.
"K-kelan? Anong dahilan?" tanong ko. The nerve of the two bitches. Simula nang umaligid si Jin at Zach kay Anica mas naging gaga si Eris. I accept Kendra's attitude. She was a bitch in the first place although si Eris, she's a devil behind an angelic face.
"Just now. Zach broke up with Kendra and cancelled the arrangement his father made for them." sagot ni Zach.
Finally! He stood up on his own. I'm sure naman kasi sa tuwing titignan ni Zach si Anica na nahulog na siya doon. She's a Perez for Christ's sake at imposibleng walang mahulog doon but Zach? It was a crazy miracle dahil wala naman talagang pakielam si Zach sa mga babae noon tulad ni Chase but now he's fighting for his feelings.
"Okay na raw ba si Anica?" tanong ko kay Ina.
"Hindi pa siguro. Nawala raw kasi bigla." sagot niya.
Inaya ko si Ina na mag-skates kami saglit paikot sa rink at pumayag naman siya. Umupo saglit si Kurt sa may bench sa labas kung saan kami nakatambay kanina. Habang umiikot kami ni Ina at siya ay nagpapractice ng mga ikot at talon niya ay nagsalita siya.
"Kanina kambal tinamaan ako ng pinto." aniya.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 13
Start from the beginning
