Simula

38.9K 767 158
                                    

Simula

Do you ever feel locked into a tradition? When did you feel your life is suck and to live is useless. You just want to escape on the chains to be free and feel the wind but even it can't heal your broken soul.

"I'll give you the clues of every station of the problems you're going to solve. May mga teachers na nakatayo sa station na iyon kapag nahanap niyo na kung saang spot. Magkakaiba ang clues na ibibigay ko kaya iba-iba rin kung saan kayo magsisimula. Kapag nakapunta kayo sa first station at natapos kayong magsagot ay ibibigay ng nakaassign na guro ang susunod na clue. It depends on you how fast you are to solve the equations." nakikinig akong mabuti sa sasabihin ni Mr. Salceda para sa Math Trails na gagawin namin ngayon.

Isa ako sa mga napili sa aking seksiyon para lumahok sa ganitong aktibidad. I really am a fan of Math and I enjoy solving equations. The thrill of it is pleasing the blood in my veins. Itong taon na ito ay isa lang sa mga taon na nakalahok ako para sa paligsahan na konektado sa paborito kong asignatura.

"Nakalagay ang last station sa clue na ibibigay sa inyo at doon niyo na rin ipapasa ang binigay kong card para malaman na tapos na kayo." pagpapatuloy ni Mrs. Salceda sa pagpapaliwanag. Lima kaming represintatib ng bawat isa sa limang seksiyon

Nilibot ko ang paligid at nakita ang makakalaban namin sa paligsahan na ito. Mga ka eskwela ko lang ang makakalaban ko rito. Kung sino ang mananalo ay ang magiging representatib ng aming eskwela para sa aming distrito. I didn't skip years of being a representative of every Math contest.

Kaya naiintindihan ko ang binibigay na kinakabahang tingin sa akin ng mga kaeskwela ko. Inakbayan ako ni Shayne. Iyong kaklase ko na kakampi ko rin rito.

"Matik na tayo na ang mananalo rito, Hyacinth. Huwag mo nang masyadong takutin ang mga kalaban. Baka hindi iyan makatakbo mamaya." bulong niya sa akin na bahagyang natatawa.

"Hindi ko sila tinatakot." simple kong sagot pero tumaas lang ang kilay niya sa akin.

"Hindi? Kaya pala kulang ng isang myembro iyong second section. Umatras yata ayo."

"Wala akong kinalaman kung bakit hindi siya sumipot rito."

"Your stare is intimidating. That's enough to scare them."

"Kung ganoon ay hindi ko kasalanan kung bakit sila natatakot. Natural na akong ganito." sagot ko sa kanya at nagkibit balikat lang siya. Nakangisi pa rin.

"Darating ba ang huli niyong myembro, Betty? Limang minuto na lang at magsisimula na tayo. You'll be disqualified if your last member won't be here in the allotted time." sabi ni Mrs. Salceda at kumibot ang labi ni Shayne.

"Parating n-na daw po siya---Ay ayan na po!" nabuhayan ang tono niya ng mapatingin sa pinto. Sabay sabay naman kaming napalingon roon at natigilan ako ng makita ang pinakaayaw kong tao.

"Arianne!" tawag ng mga kasamahan niya at kumuyom ang kamao ko.

"I'm sorry Ma'am. May inasikaso lang po ako kaya natagalan." nawala ang ngisi ni Shayne sa tabi ko. Nabuhayan naman ang mga second section nang humakbang siya sa silid. Dumaan siya sa harap ko at ngumiti siya sa akin. Nagtiim bagang agad si Shayne.

"Asus, plastik!" singhal ni Shayne na binulong lang sa akin. Siniguradong ako lang ang makakarinig.

"Good thing you came Arianne or I don't have a choice to disqualified your team." si Mrs. Salceda at bahagyang nawala ang kasabikan ko sa magsisimulang laro dahil sa sumagi sa isip ko.

"Pasensiya na po Ma'am." bumaling siya kay Mrs. Salceda at nagpapaumanhin na tumingin roon. Humigpit naman ang hawak sa akin ni Shayne.

"Huwag kang mag-aalala Hyacinth. Magaling man sa Math iyang pinsan mo, mas magaling ka pa rin. You're a math prodigy for years. You won a lot of contest. You're better than her. Lalampasuhin din natin iyang peke niyang ngiti sa labi." pampalubag loob sa akin ni Shayne.

Wind of Broken Souls (Isla Vagues Series #2)Where stories live. Discover now