I laughed it off but truth was, there was a lot of layers underneath what she said. Lumaki kami sa Timog ng La Fortuna, ang lugar para sa mga taong hindi pinalad na magkaroon ng pribileheyo o pera. Marami nang masasamang salita ang natanggap namin mula sa mga taong-bayan pero ano bang alam nila?

May choice sila. Kami wala.

Matapos mag-ayos at masigurong ayos lang siya'y iniwan ko siya roon at lumabas upang maghintay ng taxi. As I walked along the country road lined with serene trees and basked by the 8 PM moonlight, the only thought I had was how would I fucking get money for Minerva's kidney transplant.

Kung pwede ko lang na ibigay sa kaniya 'tong akin, matagal ko nang ginawa. 'Yon nga lang, hindi pareho ang type namin. Natawa ako sa isipan ko. Kahit sa lalaki, hindi kami pareho ng tipo. Gusto niya 'yong mga mayayamang barumbado. Meanwhile, I was a sucker for good boys.

"You're late!" singhal ni Karylle nang makarating ako sa locker room ng luxury club na pinagtatrabahuhan ko.

Nagmamadali akong tumungo sa locker ko upang kunin ang uniporme ko roon. They were already in our skimpy and glittery black sequined dress while I was still in my casual clothes.

I smiled apologetically. "Pasensya na. Mauna nalang kayo do'n, Kars. Sasabihin ko nalang kay Laurel na na-late ako."

"Magagalit 'yun sa 'yo. Wala ka na namang portion sa overall tip mamaya." Tinaasan niya ako ng kilay. "Ba't kasi na-late ka?"

"Natagalan kasi ako sa taxi driver kanina, e," sabi ko at saka bumuntong-hininga.

She scoffed but then plastered a concerned look. "Let me guess, humingi ka na naman ng tawad sa pamasahe?"

"Ganiyan talaga ang buhay."

Kalaunan ay nakalabas na ang lahat ng kapwa ko waitress samantalang naroon pa rin ako at nag-aayos. Katatapos ko lang magretouch nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang pangalan ni Mine ang rumehistro sa caller ID.

"Diyos ko Lord, Sunny! Si Aling Marie 'to ng katabi niyong apartment!" bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Sinugod si Minerva sa hospital kani-kanina lang. Nandito ako ngayon at kausap ang doktor. Dios mio! Ako ang mamatay sa kaba nito, e!"

"Saang hospital?" And I hated how I asked about that first. I sighed. "Kamusta na po siya?"

Narinig kong kinausap siya ng doktor kaya nasapo ko ang noo ko. God, please not that newly established hospital!

"Pasensya na, may sinabi lang ang doktor," balik niya sa 'kin. "Ah, nasa Benavidos Medical Cent—"

"Ano? Ilipat mo siya sa provincial hospital!"

Halos mag deliriyo na ako sa pinaghalong pag-aalala at kaba. BMC was a private institute. Kahit isangla ko pa ang kaluluwa ko'y hindi ko mababayaran ang bills namin do'n! And what would they do to poor patients like my sister? They'd let her die, of course!

Nagpatuloy lamang si Aling Marie. "Maayos na si Minerva ngayon pero kailangan niya nang maoperahan sa lalong madaling panahon. Pwede naman daw nila siyang ilagay sa top list ng kidney transplant pero pinapatanong muna sa 'yo kung may insurance ba 'tong Ate mo?"

"Insurance?" punong-puno ng sarkasmo ang boses ko. "Aling Marie naman, ni wala nga kaming pambayad sa apartment, e!"

Eksaherada siyang bumuntong-hininga. "Kung hindi mo kaagad 'to mahahanapan ng paraan, Sunny, mawawala sa 'yo ang Ate mo. Gusto ko rin sanang tumulong pero kinakapos din ako. Alam mo namang magc-college na si Biboy."

The call ended there. Hinihilot ko ang sentido ko habang nakahilig sa locker nang biglang bumukas ang pinto. Nang iluwa no'n si Laurel ay napaayos ako ng tayo.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon