Pero nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko na siyang lumabas ng men's cr. Kumaway pa siya sakin at naglakad na patungo sa aming table.

Pero nanlaki ang mga mata ako nang nakita ko yung.. yung mysteryosong lalake na naka ball cap at face mask na lumabas rin galing sa men's cr.

Siya na naman!

Masyadong mabilis ang nangyari at...

"What the-!!" padabog dabog at mabilis na sinundan ng mysteryosong lalake si Ronald at kinwelyuhan niya ito.

"Fuck you! Gago ka!" Sumigaw yung lalakeng naka-ball cap. Inalis niya ang kanyang face mask. Napaawang ang bibig ko. I know that voice. I.. I know that face!!

"Eleven!" napatayo ako nang sinuntok ni Eleven si Ronald at nagkakagulo na sa loob ng restaurant.

"Gusto mo lang pala siyang dalhin sa kama ah? Seriously!? Gusto mo sirain ko yang mukha mo?" Sigaw ni Eleven. What the? W-What's he talking about?!

"Eleven ano ba!?!" Lumapit na sana ako kay Ronald para tulungan siyang makatayo pero bigla akong hinawakan ni Eleven sa braso.

"You are coming with me." seryoso niyang sinabi, nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

"B-Bitawan mo ako!" Pero masyado siyang malakas. Kinaladkad niya ako palabas ng restaurant hanggang sa napunta kami sa parking lot.

Nang nakita ko ang kanyang kotse, agad kong niyugyog ang kamay ko ng malakas at sa wakas ay nabitawan na niya ako.

"Why the hell did you follow me Eleven?!" Sigaw ko.

"Face mask? Ball cap?! Seriously?! Ano bang problema mo? At bakit mo ba sinuntok si Ronald?! Walang ginagawa yun tao!!" sigaw ko.

"Hah. Walang ginagawa? Tangina. Wala pa Athalia. Wala pa siyang ginagawa dahil hindi pa niya nagawa ang plano niya!" nakapameywang niyang sinabi sa akin.

Ano bang pinagsasabi niya?

"I heard him talking to the phone sa cr kanina. Narinig ko ang conversation niya at ng mga letseng kabarkada niya sa cellphone! He was freakin' laughing because he thinks he has the chance to screw you in bed Athalia!" Sigaw niya.

Natigilan ako.

"Ano?"

"Bakit ba kasi sinigaw mo pa sa cafeteria na virgin ka pa? Do you know how fucked up guys are to nail the virgins?! That's why I don't trust you to go out on a date Athalia! Masyado kang nagtitiwala! You're too innocent!" sigaw niya at napahilamos siya ng kanyang mukha.

Kumunot lang ang noo ko at hindi ko alam kung anong sasabihin. I.. I can't believe yun pala ang habol ni Ronald sakin.

"Get in the car." binuksan niya ang pinto at mukhang galit na galit.

"Uhh--"

"Get in the freakin car Athalia." hinawakan niya ang kamay ko at pinapasok niya ako sa front seat ng kanyang Montero.

Natahimik lang ako sa upuan ko, trying to sink it in to me na nakikipagdate lang pala sa akin si Ronald para sa nakakadiring dahilan na yun.

Pumasok narin si Eleven sa kotse at umupo sa driver's seat.

Nagbuntong hininga siya.

"Ano na lang kaya kung hindi ako pumunta? Tch. That asshole. Narinig ko pang sinabi niyang idederetso ka raw niya sa kanyang condo para painumin ka ng alcohol. He was planning to get you drunk and you know what he'd be planning after that." nag-igting ang panga niya.

Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko talaga na naiinis siya. Sobra.

"I'm so gonna break his neck tomorrow." sinuntok niya ang steering wheel.

Tumingin siya sakin at napalunok ako.

"Eleven.. I.. Uhh." gusto kong magthank you pero halo halo ang emosyon ko. Natatakot ako, naguguluhan, naiinis din. Pero I'm really relieved dahil kay Eleven.

First time ko pa itong nakaramdam ng ganito sa kanya. It feels different and awkward and weird. Alam ko namang overprotective siya sakin, and I hate it when he does. Pero hindi ko inakalang kaya pala niyang gawin ito. I hate him, but why is he doing this?

"Any guy who'll freakin chase after you just because you're still a virgin, Athalia.. I'll freakin tear all their fuckin' skin off. Tch. Jerks."

Tahimik ako ng ilang segundo pero nagsalita narin ako.

"E-eh ganun ka rin naman sa ibang babae ah? Devirginizer ka. You're a jerk too, Eleven." panay ang kunot ng noo ko.

"I'm like that to those girls. I'm a jerk to those girls. You're a different story Athalia." Kinilabutan ako nang tiningnan niya ako ng matalim kaya umiwas ako kaagad.

What the hell kind of logic is that??

"You hate it tuwing lagi akong nangingi-alam sayo. But understand that I care, Athalia. May paki-alam ako sayo, and I don't give a damn kahit wala ka ring paki-alam sa akin."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now