Biglang tinaas ni Ronald ang kanyang isang kamay at akma na sana niyang akbayan ako. Pero..

"Aray! What the?" Biglang may kung anong tumama sa kanyang noo.

"Sinong nagbato sakin ng popcorn?" naiirita niyang sambit. Eh? May nagbato ng popcorn?

Tumalikod ako at wala namang nakakahalatang tao na pwedeng nagbato sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Yeah.. ugh." umiling siya at hindi na niya tinuloy yung pag-akbay niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at kumain ulit ng popcorn. That was weird.

Nang nasa interesting part na ng movie ay naramdaman ko bigla na tinabihan ni Ronald ang kamay ko. Napakagat ako ng labi. I know what he's about to do.

Hahawakan na sana niya ang kamay ko. Pero..

"Fuck! Ugh!" Napamura si Ronald.

"Sino ba yang bumabato ng popcorn?!" frustrated niyang tanong habang tinitingnan ang mga pwedeng suspek sa likuran.

At ayun nga po.. For the whole duration ng movie, tuwing lumalapit sa akin si Ronald o akmang hawakan ako, ay bigla lang talagang may magically na lilipad na popcorn patungo kay Ronald. Kaya tumigil narin siya sa mga da moves niya sana sa akin. =___=

****

"Anong order mo?" nasa isang restaurant naman kami ngayon. Tapos na kasi yung movie at bandang alas otso na ata, uuwi narin siguro ako kaagad pagkatapos nito.

Sa totoo lang, wala talagang sparks itong date na ito. Pero nirerespeto ko ang damdamin ni Ronald kaya okay na lang sakin ang sumama sa kanya, atsaka minsan lang kasi talaga akong nagkakaroon ng date dahil hindi lahat ay handang humarap sa mga kuya ko at ng mga barkada nila.

Nag-order lang ako ng pasta at yun din ang kay Ronald. Naghihintay na lang kami ngayon na dumating ang orders namin.

Luminga linga muna ang mga mata ko sa paligid ng restaurant. Pero napakunot ulit ang noo ko nang nakita ko ulit yung lalakeng nakasuot ng ball cap at facemask na nakaupo mag isa sa isang table.

Siya na naman?!

Nang tiningnan ko siya ay agad niyang tinakpan ang mukha niya ng menu. Nanliit ang mga mata ko. What the?

"So.." biglang nagsalita si Ronald. Humarap ako kaagad sa kanya at binigyan siya ng ngiti kahit na medyo disturbed ako dun sa mysteryosong lalake na naka ball cap.

"So... what?" Tanong ko, nakangiti.

"Nothing. I'm just glad. Hindi ko kailanman naisip na balang araw ay madedate rin kita Athalia.. The Athalia Hanani Rectazo." tumawa siya ng bahagya.

"Eh ano namang meron sakin?" Tanong ko habang natawa rin. Pero kinabahan ako nang tiningnan niya ako mula ulo pababa. Kinagat pa niya ang labi niya.

"You're always damn beautiful." aniya. Uminit kaagad ang mga pisngi ko at natigilan ako.

"Ahh.. Uhh.. T-Thanks." naiilang kong sinabi at tiningnan ko na lang ang mga tissue sa table.

Biglang nagring ang cellphone ni Ronald.

"Uhh.. May tumatawag. Sasagutin ko muna Athalia. Excuse me." ngumiti siya at tumayo. Hindi na siya naghintay na tumango ako, dumeretso lang siya sa may cr.

Nagbuntong hininga ako. Sino kaya ang tumatawag sa kanya? Hay..

Matagal tagal rin si Ronald dun sa cr. Dumating na nga ang mga order namin at wala pa siya. Ano ba yan. Nagugutom na ako eh -__-

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon