“So, I’ve heard na nililigawan ka ni Luke ah.” Just to bring up my mood. OO SARCASTIC AKO. 

“Uhmm, yup.” Sabi niya ng walang alinlangan and nagsmile pero hindi sakin nakatingin.

“Sasagutin mo na ba?”

“Hmm, mabait siya, gwapo, mayaman, mabait pero he’s just not my type. Wala, as in wala akong balak sagutin siya.”

Makalaglag panga yung sinabi nya. Mapapahiya lang si Luke pag ginawa nya yun. I need to do something, fast! Kung itext ko kaya? Wag! Para naman maniniwala yun sakin. Hmm, isip-isip! AHA!

PLAN A:

“Aaaah! Ansakit ng puson ko! Nina, wag na lang kaya tayo tumuloy? Alam mo na. Baka kasi matagusan pa ako. Wala akong dala ih.” Sana bumenta, sana bumenta.

“Don’t worry, girl scout ata ‘tong bestfriend mo. Meron ako dito. Dun ka nalang maglagay sa likod. May curtain dyan. Don’t worry, hindi kita sisilipan. HAHA.” Ughhh. FAIL!

PLAN B:

“Ang tiyan ko naman ang masakit ngayon! Iniimpatso ako!”

“Oh, diatabs. Kuha ka na lang ng tubig sa bar side.”

 

PLAN C:

“Hachiiing! Inaallergy ako. Nakakain ako ng hipon kanina!”

“Oh decolgen.”

 

Arghhhh!

PLAN D:

“Oyyy, yung aso ko daw namatay! Balik tayo bilis! Hindi nya ako pweden iwanan! T-T”

“Teka, diba wala kang aso?”

Ughh. I give up. Tutal, nandito narin naman kami sa venue. Bahala na si batman. Tatawagan ko pa ba si Luke? Wag na lang.

“ Bes, wear your mask, it’s party time!”sabi ni Nina.

Sinuot ko na yung mask ko. Party time na nga ba? Hindi, kailangan kong iligtas sa kahihiyan ko ang bestfriend ko, ang mahal ko.

Kaso mukhang late na ako.

“Ehem.. Mic check.. Mic check. 123.” Si Luke, nasa stage….. At may kasamang babae na may blue dress and red na mask. </3. I need to take action.

“Uhmm, good evening po sa inyong lahat. Ako po si Lucas Gerard Urdaneta. Galing po sa IV-Integrity.”

WAAAH! Think, Aileen, think. AHA. What is that I see? Chocolate fountain yun diba? Whoo. Hope this plan works. Sorry, Luke at Nina! Sorry!

“At ito pong babae sa harap ko ay si Nina Veronica Zulueta. Maniwala ma po kayo o sa hindi, siya ang kaisa-isahang babaeng mamahalin ko, panghabang buhay.”

 

“Huh? Luke, hindi kasi ako si – KYAAAAH!” Oh my gosh. Pagsisisihan ko talaga ‘to pang habang buhay.

 

“Uyy, sino yun? A-Aileen? Bat mo siya sinabuyan ng chocolate.”

 

“Ahhh, ehh. Sorry, Luke. N-napindot k-ko k-kasi eh.”

 

“Akala ko ba magkatulong tayo dito? Aileen naman! Pinahiya mo ako! Sa mismong Prom pa?!” Gusto kong sabihin ang totoo. Yung lahat ng nalalaman ko. Na mas mapapahiya siya kung hindi ko yun nagawa.

“Sige! Sasabihin ko na yung totoo!”  Sasabihin ko na nga ba? Lahat ng tao samin nakatingin. Yung advisers, nakatitig lang rin samin.

“Ano?! Sabihin mo!”

 

“E-eh kasi mahal kita! Yun, yun! Ano masaya ka na, ha? Nasagot ba lahat ng mga tanong mo? Mahal na mahal kita! At nagseselos ako sa tuwing may kinekwento ka tungkol sa panliligaw mo kay Nina! Di ba siya naman ang mahal mo? Pero tingnan mo, di ba andito parin ako para sayo? Ako pa rin yung sinasabihan mo kahit ang sakit sakit na.” Ramdam ko namumula na ako sa hiya, pero mas nagibabawang galit, pangamba at selos. “Mahirap lumugar, dre, sa sitwasyong ‘to. Hindi ko ba alam kung bestfriend mo ba talaga ako, o ginamit mo lang para makuha mo yang si Nina. Pero okay lang, tanggap ko naman eh. Tanggap ko naman na hanggang dun na lang tayo. Masaya na ako sa ganung estado. Atleast nakakasama kita, naiiyakan mo ko, nasasabihan mo ng corny mong pick-up at joke. Pero ngayong alam mo  na, ano? Di ba mas madali nung hindi mo na lang tinanong?” Umiiyak na ako hanggang sa may nahagip yung mata ko sa mga nakatitig sakin. Hindi ako makapaniwala. Tama ako, yun nga siya, pero bakit? Di ba yun si….. Nina? So kung si Nina yun, sino yung nasabuyan ko ng chocolate?

“Aileen, m-mahal rin kita, pero hanggang kaibigan lang. Pasensya na.” 

“L-luke?” Sht. Si Nina nga yun. Ngayon, mas nagibabawang pagtataka.

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng biglag pumara yung jeep.  Aray, ano ba naman.  Napadausdos tuloy ako sa katabi ko. Nakakahiya. So there, balita ko naging si Nina at Luke, kasinarealize daw ni Nina na mahal pala daw talaga ni Luke. Tanga lang ‘no? Tapos yung babaeng nasabuyan pala ay si Aena Antares. 4th year din. Hindi ko lang kilala. Wala na akong nabalitaan sa kanilang dalawa, bukod sa hindi ko na sila kinokontact, eh lumipat na rin ako ng school. Perokalapit lang ng Ridgemont High, school ko dati.

Tss. Kaya pala tumigil, may sumakay kasi na magsyota. Uyyy, holding hands pa, kaderder. (Sorry nagpapakabitter.) Mukhang masayang-masaya sila. Tapos tiningnan ko silang mabuti. At hindi ako nagkakamali. Sila nga yun. Ewan ko ba, nasisikipan ako. Hindi ako makahinga. Siguro hanggang ngayon, nadadala pa rin ako ng SELOS. Kailangan isa samin ang lumabas. Isa samin ang magsakripisyo.

Since nasa tapat ko lang sila, bigla kong hinawakan ang kamay ni Nina at pinatong sa may kaliawng dibdib ni Luke. Kitang-kita ko na nabigla sila.

“Bes" "Aileen.”  Sabay nilang sabi. Nginitian ko lang sila.

“Nina, ingatan mo puso ng bestfriend ko ha. MAHAL NA MAHAL KO YAN. Ngiti.  Pekeng ngiti. “Manong,  para!”

Manong, para!Where stories live. Discover now