Manong, para!

2.7K 113 45
                                        

“PARA!” sigaw ko kay manong driver.

Actually, pasakay pa lang ako ng jeep. Dyahe. Umulan pa kasi eh. Yan, nakapagcommute ng wala sa oras. Malapit lang naman yung bahay namin eh, talagang malakas lang ang ulan at wala akong dalang payong o jacket man lang. Badtrip. Sumakay na ako sa jeep. Pagkaupong-pagkaupo ko nangalwat na agad ako ng bag, nagbabakasakaling may makuhang pangbayad. Kasi kung wala, uso naman ang 1-2-3. Sanay na rin naman na mag-isa ako bumyahe.

Naalala ko tuloy dati. Kapag nagbyabyahe ako lagi akong may kasama, karamay at kausap. Hindi tulad ngayon iniwan ako ng buong mundo. Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Gragraduate na ako, ngayon pa nagkaleche-leche buhay ko. Deputa nga naman ang tadhana, oh. Sana mabalik ko yung dati. Dahil lang sa SELOS. Nag-away kami. Selos? Bakit, kami ba?

“Bayad po. Isa pong Jollibee. Estudyante po.”

“Waw! Anggaling mo dude! Nagawa mo yun para kay Nina? Ibang klase ka, Luke!”

“Oo naman. Haaay, Aileen,  sana sagutin na ako ni Nina ‘no?

“Tiwala lang sa sarili! Kakayanin mo yan! Sasagutin ka rin ni bes.”

Ako na siguro ang pinakaplastik sa buong mundo. Ang galing kong magsinungaling oh. Nagpapakaoptimistic ako. Sorry na. Inlove kasi ako ka Luke. Oo. Ang malas ko kasi nainlove ako sa bestfriend ko. Sa lahat ng nakakaiyamot si tadhana yun. Traydor yan eh. Kasalukuyang nanliligaw si Luke kay Nina. Alam mo kung ano mas masaklap? Bestfriend ko rin si Nina. Ang hirap pag yung dalawang mong bestfriend ay nagkakainlababuhan. Teka, let me scratch that. Mahirap LUMUGAR kapag yung dalawa mong bestfriend ay nagkakainlababuhan, lalo na kung yung isa sa kanila, mahal mo hindi lang basta bilang isang kaibigan.

“Ughh, Luke, una na ako ha. May sched pa nga pala ako ngayon. Naku! Patay na naman ako kay Ms. Terror! Ingat ka ha. Bye!”

“Bye!”

 

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. Paniguradong late na naman ako. Waaah. Pero kasi kapag kasama ko si Luke tumitigil ang oras ko eh. Mahal ko nga ang bestfriend ko.

“Ms. Aileen Lara! I suppose you’re late again.”

“Sorry po, miss.” Hindi naman talaga ako late, sadyang maaga lang siyang dumating. >.<

“Take your seat. Isa pang late, diretso ka na sa prefect.” Weeh? Spell mo muna.

Umupo na ako. That old lady doesn’t deserve my saliva anyway. I think she’s in the early 20’s pero daig pa ang lalaking minemenopause.

“Before I discuss to you our lesson for today, I just want to announce something. Since seniors kayo, magkakaball na naman kayo next week. And your JS prom’s theme is masquerade.”

 

Whoah, this should be exciting! Last year kasi, pangshunga yung ball namin. Ang theme kasi ay vampires. Like who the hell likes vampires? Ughh.

Manong, para!Where stories live. Discover now