Prologue

85 4 2
                                        

MEDICAL SERIES #1

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

..................................................................

In this decade, many people don't take relationships seriously, while the others are not even interested about it. Or should I say, they choose to be busy about their path or hobbies because they want to avoid being hurt and wrecked.

Ashiana Vionna Claire Valdez is one of the "study first" student. Is she scared to get hurt or she just want to reach her first priority and nothing more? Ashiana is an honor student in her university, she is a part of various organizations. Her first priority is to be a licensed doctor. She doesn't care about relationships unless its her friends'. She can't love nor accept herself and she is hurt, why?

What if someone suddenly enters her life, would she accept him? Or will she continue to take her own path?

Scared of getting hurt and no interest in relationships are two different things. Each person has his/her first priority. We all know that if we can reach or keep our priority, we will. We all need to love ourselves in order to accept other people's love.

I'm here again alone in my room. I'm in a verge of shutting down. Ang hirap ng honor student ka and many people have high expectations of you pagdating sa lahat ng bagay.

I'm experiencing depression, pero walang gaanong nakakaalam. Dahil sabi ko sa sarili ko hindi ko hahayaang malamangan ng damdamin ko ang mga pangarap ko.

Napapagod na akong umintindi ng tao. Napapagod na ako mag kunwaring okay kahit hindi naman. Napapagod na ako sa lahat.

Hindi ba pupwede mag-pahinga? Kahit panandalian manlang?

May tatlong organization akong sinalihan sa university namin dahil nakukuha nila ang atensyon ko ukol sa iba't ibang bagay. Dito ko nalang nilalaan yung oras ko para kahit sa panandaliang panahon ay hindi ko masyong isipin ang mga nararamdaman ko.

Pero ang pamilya ko ay hindi sang-ayon doon simula palang nang mag SHS ko at nagsimulang sumali sa isang organisasyon. Napaka walang kwenta ko raw pagdating ng bahay, pero sa school andami ko raw ginagawa pero hindi ako nagrereklamo.

Sa totoo lang iniintindi ko nalang sila dahil hindi naman nila alam na may dinaramdam ako. Nahihirapan na akong iplease sila sa kahit ano. Ang gusto ni Mommy ay laging perpekto, siya lagi ang masusunod, siya lagi ang may alam, sinusubukan kong ipagtanggol o ipaliwanag ang sarili ko sakanila subalit ang ibubungad nila sakin "wala kang karapatan sumagot-sagot dahil wala ka pang napapatunayan".

Kaya nagsusumikap akong galingan ang pag-aaral ko, para naman dumating na ang panahon na may mapapatunayan na ako, at kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko.

NAKATULALA lang ako habang nag-iisip kung lilipat ba ako ng ibang department dahil nakakapagod sa ER. Although ginusto kong ma-expreience ang department na'to upang mas maging magaling na doktor ako.

Napabalikwas ako sa pag-kakaupo at binalewala ang mga iniisip ng bigla akong tawagin ni Rieselle ang pinaka close kong nurse dito.

"Doktora Ashiii!" May pasyenteee! Mukang malala ang lagay!"

Agad kong inayos ang coat ko at kinuha  ang ballpen at stethoscope ko.

Tumakbo agad ako sa Aisle C kung nasaan ang pasyente. Nagulat ako sa nakita ko, napahawak ang kamay ko sa aking bibig.

"Trisha, SHIT!" saad ko, agad akong nagsabi ng orders sa intern.

Agad ko siyang nilapitan at tinurukan ng gamot upang tumigil at kumalma siya mula sa pangingisay.

Hinawi ko ang buhok niya sa mukha at pinunasan ang pawis sa kanyang noo.

Nilapitan ko si Riesell at tinanong kung nasa labas ba ang family members, at sinabi naman niyang nasa waiting area daw ito.

Tinakbo ko ang waiting area at hingal na hingal na pumunta roon. Nilapitan ko ang dalawang tao na pamilyar saakin.

"Ashiana! Ikaw ba ang doktor ng anak ko?" tanong agad niya saakin ng makita ako.

"Oho, akong nga po" magalang kong sambit.

Niyakap niya ako, at humikbi sa balikat ko. Niyapos ko naman siya pabalik at hinagod ang kanyang likod upang tumahan siya.

Nang kumalma siya ay kumalas siya sa pagkayakap saakin at nagtanong. "Okay lang ba siya? Lumalala nanaman ba iyong sakit niya?"

"Magsasagawa pa po kami ng X-Ray at CT Scans upang alamin kung lumala ba uli ang sakit niya." sabi ko

"Ganoon ba? Malaki ba ang gagastusin doon?" saad niya habang nagpupunas pa ng sariling mga luha.

"Depende ho kung ilan ang kailangang isagawang tests sakanya, pero hahanap po ako ng paraan kung sakaling kapusin kayo, o kailangan ninyo ng masmababang presyo." sambit ko at nginitian siya

"Naku! Salamat ha, ang laki mo na! Mas lalo kang gumanda pero ubod ka parin ng bait." saad niya

Nginitian ko na lamang sila at inayang puntahan na ang anak niya sa bagong lipat na silid.

Magtapos ko silang asikasuhin ay agad akong nagpaalam dahil may trabaho pa ako, bumalik ako sa desk namin upang tingnan ang mga sulat ng observation ng interns kay Trisha.

Lima sila, dalawang babae at tatlo namang lalaki, tinitingnan nila ako ng maigi kung natutuwa ako sa mga pinagsusulat nila.

Ngumisi na lamang ako at nagbasa na. Napatigil ako ng makarinig nang pamilyar na boses. Agad akong napatingin ako sa gawi ng lalaking nagtatanong sa nurse kung nasaan ang room ng kapatid niya.

"Nurse! Nurse! Nasaan po ang kwarto ni Trisha Kath Riconsvales? Kakasugod lang po niya dito sa ER kanina." mariing sabi ng lalaki, hindi ko gaanong dinig kung sino ang pasyenteng tinutukoy niya

"Ah, 168 po ang room sir sa Pasilio D, diretso lang po kayo diyan tapos pagdating dun sa pangalawang room kanan kayo, doon po." ani ng nurse

Dumaan siya saglit malapit sa aking gilid at nagulat ako sa nakita ko.

"Cleope" mahinang bulong ko.




#junkterrorbill
#doktoraclairecpawrites
Please bear with me, it may contain grammatical errors. I'm a newbie writer. Thank you! ❤️

Risk It or Nah?Where stories live. Discover now