DISCLAIMER : THIS IS WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, BUSINESS, SONGS, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USE IN A FICTIONUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD OR ACTUAL EVENTS ARE PURELY COINCEDENTAL.
Read at your own risk. Grammatical and typographical errors ahead.
"For fuck sake hindi parin ba kayo tapos? Wala namang nangyayari! Umuwi nalang tayo! My beauty sleep ugh.." Napailing naman ako sa maarteng saad ni Zoey.
"Ang arte mo! Edi sana hindi kana sumama!" Umiirap na sagot ni Fritzy.
"Girls stop, Ang ingay ingay nyo" Sabat naman ni Marco at tumayo na, may dinukot sya sa kanyang bulsa nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung anong binunot nya, yosi.
Tumayo din ako at agad na kinuha ang yosi sa kanya at pinutol iyon, Inis syang tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin "Magyoyosi ka? Hanggang dito ba naman?" Sigaw ko at tiningnan din siya ng masama.
"So what? Mind your own damn business Jiah." seryosong sabi nya at masama parin ang tingin.
"Guys, andito na sila!" Tili ni Zoey at may tinuturo. Tiningnan ko naman ang tinuturo nya, ang tatlo pa naming mga kaibigan na sina Yanyan, Jonas at Limuel.
Napakunot naman ako ng noo ng makitang seryoso ang mukha ni Yanyan at may hawak syang kahon na malapad. Ano yon?
"Ouch!" Sigaw ni Zoey at nakita ko namang tinampal ni Yanyan ang kamay ni Zoey na kaninang nagtuturo.
"Huwag kang nagtututuro dito." Seryosong saad ni yanyan at pumwesto na doon sa loob.
-
Umupo naman si Yanyan sa gitna at nilagay ang kahon na malapad, pinabilugan naman namin iyong kaya nasa gitna ito.
Tiningnan ko ang kahon na malapad, may mga alphabet doon at may yes or no. Bigla ko namang naalala ang mga ganyan dahil nakikita ko na ito sa mga horror movies.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ko ng maalala ko kung anong tawag doon.
Quija Board, Ang bagay na maaring magamit para makipagusap sa mga taong namayapa na....sabi nila.
"The fuck is that?" Naiiratang saad ni Fritzy. Napatingin naman ako kay Yanyan ng bigla nya ligpitin ang Quija board.
"What's wrong, Yanny? Gamitin na natin yan na uh.. kung ano man yan, kesa mamatay tayo dito sa boredom" Sabi ni Zoey at sumandal kay Marco, agad naman akong napaiwas ng tingin. Nahuli ko namang nakatingin si Limuel na para bang tinitingnan ang reaksyon ko.
Ngintian ko naman sya at napatawa ng parang nagulat pa sya sa pag ngiti ko. Napailing naman sya at naka yukong nagkamot sa batok. Cute.
"Bilisan nyo na, 2:35 pm na mag 3 na" biglang pagsasalita ni Marco kaya napatintin ako sakanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin.
Sungit.
Nandito kasi talaga kami ngayon sa sementeryo, napagusapan kasi naming magkakaibigan na magghost hunting pero mukhang nagbago ang isip nila dahil don sa dala ni Yanyan.
"ANONG GINAGAWA NYO?!" Napatayo naman kami ng biglang may sumigaw sa likod namin.
Isang matandang babae.
"Oh, Lola? Ikaw nanaman" Biglang sabi ni Jonas at parang natatawa pa.
"Ikaw nanaman? Nagkita naba kayo nyan?" Sabi ni Marco at itinuro pa si Lola, bigla naman ulit tinampal ni Yanyan ang nakaturong daliri ni Marco at yumuko.
Problema non?
"Hindi ba't binalaan kona kayo sa bagay na iyan? Bakit napakatigas parin ng mga ulo nyo?!" Nanaliksik na matang aniya at pinasadahan ng tingin sila yanyan, jonas at Limuel.
Tulong....
Napatingin naman ako sa paligid ng biglang may bumulong, lumakas ang hangin at nagsitayuan ang balahibo ko.
"E lola, napakaimposible naman po kasi ng sinasabi nyo. At tsaka teka-- eto po pala yung bote" Sabi pa ni Jonas at may binigay na bote sa matanda.
May dala pala syang bote? Bakit hindi ko napansin yon. "BAKIT NYO BINUKSAN ITO?!" Sumisigaw na ani ni Lola.
"Uh? Sorry 'La, bawal po ba iopen yan? Ginamit ko po kasi kanina para uminom ng water don't worry lola! hinugasan ko naman yan" Biglang singit ni Zoey at bahagyang nililipad pa ang buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin.
Tulong...
Kinabahan na talaga ako ng may bumulong ulit ayokong tumimgin sa likod ko kaya umusad ako at pumagitna kila Jonas at Limuel.
Pagangat ko ng tingin 'kay lola ay biglang napako ang tingin ko sa gilid sa likod nya sa may kalayuan.
Isang batang babae.
"BAKIT NYO PINAKEALAMAN ITO?!" Kung kanina'y galit sya, ngayon ay galit na galit na.
Hindi ko parin matanggal ang tingin ko sa batang babae na palapit ng palapit, kada pikit ko ay isang dangkal ang kaniyang hakbang.Hanggang sa nasa harap kona ito.
Nakita ko namang tumingin si Lola sa akin ng may naawang tingin "Ikaw, ikaw ang napili nya" sabi nya kaya napatingin naman ako sa bata at bigla itong nagangat ng tingin.
Mula sa maamo at maaliwalas nyang mukha ay ngumiti siya sa akin, ngunit unti unting nagkaroon ng galos ang mga mukha nya hanggang sa magmukha itong nakakadiri unti unti ding nawala ang kanyang ngiti.
"Hi I'm Anna, Laro tayo?" Sabi nya at bigla akong nagulat ng may hawak syang kutsilyo at itinarak ito sa noo ko.
"AAAAAAAAAAA!!"
_________
"Hi Anna! I miss you, tabihan moko matulog mamaya ha?"
Ngumiti naman ito.
"Tatabi ako sa pagtulog mo mamaya"
____________________
