Muli ay narinig nito ang mga payo at mga treatments na kailangang pagdaanan ni Atarah para sa kaligtasan nilang mag-ina. At bago pa man makalabas sa kwartong iyon ang doctor, nauna ng umalis si Treyton.

Nang lumiko ito sa kaliwang hallway, ang siya namang paglitaw ng mga magulang ni Atarah. Halatang nagmamadali ang mga ito, nag-aalala. Subalit tumigil ang mga ito nang makita siya.

"My daughter had suffered enough. This would be the first and the last time I will tell you this Treyton," Atarah's father stated in a warning tone. Ang asawa nito ay kaagad na hinawakan ang kanyang braso nang bahagyang huminto ang mga ito sa harapan mismo ni Treyton.

"Leave my daughter alone." Mariin nitong dagdag habang nakatingin ng diretso sa mata ng lalaki.

Treyton gritted his teeth. Gusto nitong matawa dahil sa sinabi sa kanya ng matanda. Oo nga't pumunta siya rito dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng bata. Oo nga't sinisi rin niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari kahit na narinig nito mula sa doctor na normal lamang ang gano'n subalit hindi nito mapigilan ang galit na namumuo sa kanyang dibdib.

After using him, why does he have to hear those fucking words?

"Don't worry Sir. This would be the last time I will see her." He replied blankly. Bago pa man ito makarinig ng tugon mula sa mag-asawa, agad na niyang tinalikuran ang mga ito.

Ano pa bang rason para kitain ko si Atarah? I guess they were done using me.

Simula nung araw na iyon, itinuon ni Treyton ang kanyang oras sa kanilang kompanya. Ang pagiging seryoso nito sa loob ng kompanya nila ay tila dumoble. Maging ang sekretarya nito ay natatakot na sa kanya. Everyone could easily tell how he eventually changed.

"They are already waiting in the meeting room Sir." Nakatungo na saad ni Aleah nang pumasok ito sa opisina ng lalaki. Tinapunan lamang siya ni Treyton ng saglit na tingin bago ito tumayo at nagtungo sa may meeting room.

As Treyton entered the room, he greeted the board members then sat on his chair. Sumunod naman sa kanya ang pagdating ng kanyang ama. Si Mr. Benjamin Florides lamang ang wala, isa sa mga board members pero napagpasyahan na ng mga itong simulan ang meeting.

After everyone settled themselves, they started discussing the previous minutes. Done reviewing the previous minutes of the meeting, Treyton stood up and went in front for his report presentation.

"How can you assure us that you can lead the company?" Mr. Siaga suddenly asked before he could click the projector remote control for the PowerPoint presentation he prepared.

Tinignan ni Treyton ang kinapupuwestuhan ni Mr. Siaga at tinitigan niya itong mabuti.

"Honesty," Mr. Siaga stated. "We know that honesty and integrity are essential part of being a leader Mr. Alfiore. Being honest, it is the gateway for trust and inspiration among your people." He once added causing for Treyton to get confused. Ang iba nitong kasamahan ay nakatingin lamang sa kanila.

Ang ama naman nito ay tahimik lamang na nakaupo sa kanyang pwesto, pinapakinggan lamang ang nangyayari habang abala ang mga mata nito sa isang dokyumenting hawak-hawak niya.

"Pardon me, Mr. Siaga?" Treyton asked in confusion. Hindi nito alam kung ano ba talaga ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya.

"Now that the future of Alfiore Corporation lies in you, I think it is necessary for you to be honest with us. I mean, you know, how can you lead the company if you're already hiding something from us?" Nakangisi nitong saad. Treyton couldn't help but to furrow his brows a bit.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now