Chapter 11 - Thinking out

Magsimula sa umpisa
                                    

"So, sa lagay na 'yan hindi pa pala?" pang-aasar pa ni Chief Forteza. Ngumuso nalang si Michigan at tumalikod na. Tumunog na kasi ang microwave na pinaglagyan niya ng ulam kanina. Kinuha niya ang plot holder at kinuha na ro'n ang pagkain. Ipinatong niya ito sa mesa. Pagkatapos ay kinuha ang kain sa rice cooker.

Kumuha siya ng pinggan at mga kubyertos at umupo na. Kaharap niya ang kanyang ama na nakatingin pa rin sa kanya.

"Ay," aniya at tila nabigla. "Nandyan ka pa pala Pa? You wanna eat too?" pag-alok niya matapos lagyan ng ulam ang kanin sa plato niya.

"No thanks, mas kailangan mo ata, e," natatawang sambit ng hepe sa kanyang anak pero kaagad din nagseryoso ang tono ng boses nito. "I'm sorry for bringing you in this kind of situation. Alam ko naguguluhan ka pa. Alam ko ang dami pang tanong sa isip mo. And someday, maybe if you'll find out the reasons why you have to be with them. Maybe, hopefully not but maybe you'll going to loathe me,"

Napakunot noo si Michigan sa sinabi ng kanyang ama. Ni hindi na nga siya nakasubo kahit isang kutsara man lang dahil do'n. Tinitignan niya muna ito. Napakaseryoso. Hindi tulad kanina na nakikipagbiruan pa.

Hinanap niya muna ang kanyang boses bago nagsalita. "Pa, I will never hate you. Okay this is so chessy and I'm not doing this kind of stuff, hella not with you but you Michael Forteza, listen carefully! You are the best dad for me. Eww but yes! Aryt? I love you Pa to the moon and back," nakangiti niyang sambit. "Remember, to the moon and back!"

Hindi na rin napigilan ng hepe na mapangiti sa sinabi ng anak. Kahit papaano gumaan nang kaunti ang matagal na nitong dinadala sa dibdib. Tumayo ito at nilapitan si Michigan.

"I bet, gusto mo ng yakap?" kunwari'y inis na sambit ni Michigan pero tumayo rin siya. "Fine, pagbibigyan kita Pa!"

Niyakap na niya ang ama at tila nawala ang pagod na nararamdaman niya kanina. Having a father like Michael Forteza, she's really indeed lucky.

He's cool and such. At isa pa naisip din ng dalaga 'yong nangyari kanina. Napakaswerte niya kumpara kay Margo. She really needs to appreciate the presence of her parents. Kahit hindi man siya gano'n kashowy sa mga ito at least kahit minsan maramdaman man lang nila na mahalaga pa rin sila sa kanya.

The best gift for a parents' is to feel the love and appreciation of their kids in any possible way.

"Pa, tama na 'tong drama natin. Gutom na ako!" reklamo niya matapos ang yakapan.

"Okay," sagot ng hepe at biglang dinampot ang kape sa mesa. Sumama ang mukha ni Michigan.

"Akin na 'yan e!" singhal niya.

Ningisian lang siya ng kanyang ama na animo'y nang-aasar.

"Actually, sumunod lang naman talaga ako para dito." itinaas nito ang hawak na tasa ng kape kaya't mas lalong sumimangot ang dalaga. "Goodnight kid," anito at tinalikuran na siya.

Nagpapadyak naman si Michigan sa inis. "That old man, naisahan na naman ako! Pero, okay lang love ko pa rin siya."

****

"SO, Michi what's up? Hindi ka na bumalik kahapon matapos kang kidnapin no'ng cute boy, omg. Did you two-" biglang sinamaan ng tingin ni Michigan si Pauline. Nasa loob sila ng classroom at hinihintay na naman ang Prof nila.

"Shut up Pau. Wala kaming ginawang masama, aryt? Nagpatulong lang siya dahil... dahil ano... Uh, nabunggo ko kasi siya tapos natapon 'yong cake na para sa.. k-kapatid niya birthday niya kasi kahapon tapos ayon nagparty-party kami," napakagat labi siya matapos niyang sabihin 'yon sa kaibigan.

"Oh, fine." ani Pauline at ngumuso. "Anyway, anong pangalan niya? He's cute."

Napatingin naman si Michigan sa kanya. "Really? Type mo ba?" mabilis niyang tanong.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon