kinabukasan pagkatapos ng binyag ay umuwi din siya agad.. umiyak siya ng umiyak habang nagtatakang nakayakap sa kanya ang kanyang mommy.. maging si buboy at si Ate Karen ay nagtaka sa ginawa ni taba.. Kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam niya dahil nakauwi na siya sa tunay niyang tahanan at malayo sa alaala ng nakaraang puno ng panghihinayang..
Kailangan niyang malibang.. ito ang dahilan kung bakit ayaw sana niyang pumunta sa binyag ng anak ni Darwin.. alam niyang madidepress nanaman siya.. sakto naman at tumunog ang telepono at magandang balita ang dala dala..
Tinangap na ng University na inaaply-an niya ang kanyang Resume.. pansamantala siyang papalit sa prof. na nag file ng maternity leave.. kalagitnaan na ng sem kaya naman di magiging madali ang gagawin nit taba.. pero mas ok na iyon sa kanya dahil kahit paano malilibang siya.. ito naman talaga ang kailangan nya ngayon.. ang MALIBANG
Unang araw ng kanyang klase ay nalate pa si taba.. nagkanda ligaw ligaw siya sa kakahanap ng classroom na papasukan niya para sa klase.... at ng pumasok siya sa loob ay parang hangin lang siya kung ituring ng mga estudyante..
" Good Morning Class.. ako ang papalit kay Mrs. Jimenez sa Psychology subject ninyo.. " nakangiting sabi ni taba sa mga estudyante.. natigilan naman sa walang patid na dakdak ang mga ito at tahimik na umupo ..
Magpapakilala na sana si taba ng biglang may pumasok na isang matangkad na lalaki na nakaheadset pa.. mukang mahihirapan siya sa klase na ito dahil mukang mga pasaway ang mga kolokoy.. ang hirap kasi sa pagtuturo sa kolehiyo ay ang Age Gap.. feeling ng iba madaling masindak ang kanilang mga prof. dahil di naman nagkakalayo ang mga edad nila..
Napahinto sa pasusulat sa board si taba at sinundan ng tingin ang lalaking basta na lang pumasok sa room ng hindi man lang bumabati sa kanya.. naka bonnet pa ang lalaki habang humuhuni-huni pa.. pagkaupo nito ay agad na napanganga ito.. takang napakunot noo naman si taba.. bakit parang pamilyar ang muka ng lalaki.?
Itong pasaway na lalaki naman ay parang nakakita ng multo.. tinangal nito ang shades na soot at kinusot kusot pa ang mata.. hinagis nito sa kung saan ang bonnet at headset na sinalo naman ng katabi nito.. nakanganga parin ang lalaki na parang gulat na gulat ..
" Michael.. pasukan ng langaw yang bunganga mo..!" tukso ng mga kaklase nito sa kanya.. nanatili namang nakatitig ang lalaki kay taba..
" Mam ano po ba yung buo ninyong pangalan..?" tanong ng isang estudyante na nakapag pabalik ng diwa ni taba na tulala habang nakatingin sa lalaki na nakatingin din sa kanya..
Umubo ng bahagya si taba para alisin ang tila nakabara sa kanyang lalamunan..tumalikod siya at mabilis na sinulat ang kanyang pangalan.. " nice to meet you guys.. " nakangiting sabi ni taba matapos magpakilala.. at ng lingunin nya ang lalaki ay bahagya siyang natigilan dahil sa paraan nito ng tingin sa kanya..
" kamusta ang unang araw sa klase..? " tanong ni buboy kay taba.. napalingon si taba kay buboy na abala sa pagttype sa loptop.. may hawak hawak na libro ang kapatid na sa tantya ni taba ay gumagawa ng thesis ang pasaway nyang kapatid..
" ok lang naman .. mukang mabilis na puputi ang buhok ko sa mga iyon.. mga pasaway eh.." sagot niya sa kapatid habang abala sa pagsusulat ng Lecture na ituturo nya kinabukasan..
" Huwag ka masyado mahigpit.. mga kolehiyo naman na sila eh.. kapag pasaway sa grades mo tirahin.. " nakangising sabi ni buboy.. sabay pa silang nagkatawanan ng kapatid..
" Nga pala.. ano bang balita kay bitoy..? " tanong ni taba sa kapatid.. nagkibit balikat naman ang kapatid niya
" simula ng pumasok kami sa college hindi na kami masyado nagkakasama.. idagdag mo pa yung kalokohan nun.. gusto daw niya mag dorm. wala na kami kumunikasyon.. ni hindi ko na nga alam kung saang university siya pumasok.. napariwara na ata iyon ate.." baliwalang sagot ni buboy kay taba..
Napabuntong hininga si taba.. at muling pinagpatuloy ang pag susulat...
YOU ARE READING
Cute Face Chubby waist [Completed]
RomanceMs. Taray on board.. Ang akala ng lahat porket mataba ay friendly na agad.. Pwes.. ibahin nyo ako..!! Kung ayaw nyo sa akin .. edi mas ayaw ko sa inyo.!!! I dont live for your entertainment.!! Pero deep inside.. i really hope to be treated well...
![Cute Face Chubby waist [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/26984466-64-k556159.jpg)