Ito ay isang munting kwento patungkol sa isang batang babae, isang simpleng babae na may malupit na nakaraan. Nakaraan na pilit niyang kinakalimutan, ngunit pilit din itong bumabalik sakanya. At itatago ko siya sa pangalang Rica.
Si Rica ay labing-anim na taong gulang na ngayon, isang teenager, ngunit iba ang kanyang pagkatao kumpara sa ibang teenager, dulot ng kanyang nakaraang hanggang ngayo’y minumulto parin siya.
Ulila sa ina si Rica, pitong taong gulang pa lamang siya noong ito’y pumanaw, at dito nagsimula na maramdaman ni Rica ang hirap na pinagdadaanan niya. Hindi nag-iisang anak si Rica, mayroon siyang isang ate, at dalawang kuya. Samantala ang ama naman ni Rica ay seaman, at kung manatili ito sa kanilang bahay ay swerte na ang dalawang linggo o isang buwan.
Si Rica ay tulad din ng ibang bata, pumapasok sa eskwelahan, may bestfriend, nag-aaral, may kalaro, at may kinakapatid, kinakapatid na nag-ngangalan na Mikaela at Joshua. Si Mikaela ay parang totoong kapatid na ni Rica, mabait ito at masiyahin tulad ni Rica. Madalas siyang naroon sa bahay nila Mikaela, nag-lalaro, nag-kkwentuhan, nanood ng mga cartoon, at kumakain. Pero may isang bagay na nagaganap doon, isang bagay na sanhi ng poot na nararamdaman ni Rica ngayon, isa sa mga bangungot ng nakaraan ni Rica, at iyon ay ang panghahalay sakanya ng kinakapatid niyang si Joshua, hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat, o limang beses, MARAMI, maging noong nabubuhay pa ang ina ni Rica ay ginagawa na ito ni Joshua sakanya. Ang masaklap doon ay tanging si Rica, Joshua, at Mikaela lamang ang nakaka-alam nito, dahil gustuhin mang magsumbong ni Rica sakanyang pamilya ay hindi niya magawa dahil tinatakot siya ni Joshua. Nahinto lamang ang panghahalay ni Joshua kay Rica noong lumipat na nang tirahan ang pamilya nila Joshua at Mikaela. Isa pa lamang ito sa bangungot ng nakaraan ni Rica. Pangalawa ay yung namatay ang kaniyang ina, nasaksihan niya ang paghihirap ng ina at hanggang sa ito ay mawalan na ng buhay, nasaksihan niya ang sanhi ng galit ng kaniyang ina, kitang kita ni Rica ang mukha ng naging dahilan ng kamatayan ng kaniyang ina, magmula noo’y natutong magtanim ng galit sa puso si Rica, at ngi minsan di niya sinilip sa kabaong ang malamig at walang buhay na katawan ng kaniyang ina, dito natutong masaktan si Rica. Subalit hindi pa dito nagtatapos ang paghihirap sa buhay ni Rica, dahil ang pangatlo ay noong iniwan siya ng mga kapatid niya, pangpisikal at pang-emosyonal. Pangpisikal, dahil ang kaniyang isa kuya na papangalanan kong Henry, ito ay umalis patungong ibang bansa, pero noong nakakasama pa ni Rica si Henry ay masaya ito. Ganoon din sa ate niya na papangalanan kong Peachy, umalis ito sa kanilang bahay dahil nag-away sila nang kapatid nina Rica na papangalanan kong Erick, isinasama ni Peachy sa kaniya, at gusto din ni Rica sumama subalit hindi siya pinayagan nila Erick at Henry. Kitang kita ni Rica kung papaano maging magka-away ang kaniyang mga kapatid, dahil dito ay lubos na nasasaktan si Rica. Samantalang sa sakit na pang-emosyonal ay dahil sa kapatid ni Rica na si Erick, dahil kahit na magkasama sila sa bahay, nakikita’t nakakausap niya ito ay, ngi katiting na pakiramdam na ito’y kaniyang kapatid ay wala siyang maramdaman. Kaya dahil dito, iniwan narin siya ng kaniyang mga kapatid. Ngunit, may iba pang pasakit na dinadala si Rica sa kaniyang puso, at ito ay dahil sa kaniyang hipag na papangalanan kong Didi, madalas pagsalitaan ni Didi si Rica ng masasakit na salita, pagsumbat sa lahat ng nagawa niya para kay Rica at sa pamilya nito, hindi lang sa ganitong paraan nasaktan ni Didi si Rica, dahil noong nasa probinsya sila, nagbabakasyon, naliligo noon si Rica, dahil sa walang lock ang pinto ng CR, ang nilock ni Rica ay ang pintuan ng kwarto, maya maya ay parang naramdaman ni Rica na may kumakatok, kaya ito’y pinakiramdaman ni Rica, at narinig niyang kumakatok si Didi, kaya dali dali niya itong pinagbuksan ng pinto, subalit sa pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa kaniya ang galit na galit niyang hipag, at pinagtututulak si Rica papasok ng banyo, kahit sobrang sama ng loob, ang tanging nagawa na lamang ni Rica ay ang tahimik na umiyak sa loob ng banyo. Magmula ng mamatay ang ina ni Rica ay pinagpapasensyahan niya si Didi sa mga ginagawa nito sa kaniya, ngi minsan hindi niya ito isinumbong dahil iniisip parin ni Rica na si Didi nalang at ang mga pamangkin niya ang mayroon siya, at wala rin namang makikinig sa sasabihin niya, dahil sa pamilya niya, isa lamang siyang bata, normal na bata. Ang pang-limang bangungot ng nakaraan ni Rica ay dahil sa mga walang kakwenta kwentang tao na walang ibang kayang gawin kundi ang hamakin ang pamilya ni Rica, at ang pinakamasakit, ang hamakin ang pamilya niya, ng sarili din nitong mga kadugo. Ito ang mga alaala ng kabataan na mayroon si Rica, sadyang napawi ang masasaya at napalitan ng masasama at masakit. Ang nakaraan na daig pa kahapon lamang nangyari. Subukan mang bumawi ay wala pa ring silbi, dahil para kay Rica, hindi agad kayang pawiin ng maayos na kasalukuyan ang sugat na iniwan ng isang mapait na nakaraan.
Si Rica, tulad ng ibang teenager ay natuto siyang magmahal, magmahal ng sobra, magmahal ng totoo, at magmahal ng walang hinihiling na kapalit, ngunit ito’y kaniyang nilisan sa kadahilanang ang pagmamahalan nila ay hindi kayang pahintulutan ng kahit na sino. Kahit ito’y masakit kailangan niyang itama ang maling desisyong nagawa niya. Si Rica, tulad ng iba’y natutong magbisyo, natutong manigarilyo at uminom, tulad ng ibang estudyante ay nagcutting, tulad ng ibang teenager ay natutong umuwi ng bahay sa di wastong oras, si Rica, dahil sa walang kakwenta kwentang dahilan ay nagawang laslasin ang sariling pulso, si Rica, malayo ang loob sa ama at kapatid, tanging sa kaibigan lamang nagsasabi ng saloobin, kung tutuusin ang buhay ni Rica ay patapon, tinahak na landas ay taliwas sa nararapat. Pero si Rica, isang teenager na pala-ngiti, isang kaibigang makulit, isang estudyanteng may talino, pero sa bawat ngiti na binibitawan ni Rica sa harap ng ibang tao, ay may nakatagong kalungkutan. Sa bawat pangungulit nito sa kaniyang mga kaibigan, ay may nakatagong pangungulila ng pag-intindi’t pag-aaruga. Sa bawat pagpupursiging gawin sa buhay, ay may nakatagong panghihina ng loob para mabuhay. Maraming kaibigan, may isang pamilyang nanghuhusga, pero ngi isa sakanila walang nakakakilala kay Rica ng lubusan.
Si RICA, isang simpleng teenager na may mapait na nakaraan, murang isipa’y maagang namulat sa masakit na katotohanan ng buhay.
