p r o l o g u e

2 0 0
                                        

Disclaimer: This story work of fiction,names,places,events,may the products too.

read at your own risk!

______________________________________________

"anong pag-uusapan natin?" tanong nya habang nakatingin sa papalubog na araw.
Nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha.
Kaya malabong hindi ako magkagusto sa kanya dahil sa kaamohan ng mukha nito.

Iniwas ko ang tingin ko ng bigla syang lumingon sakin. Itinoon ko nalang din ang tingin ko sa papalubog na araw alas 5 na ng hapon kaya lumilitaw na din ang maliit na buwan.

"Pirmahan moto" sabi ko at inabot ang white folder. His brows raised while looking at the white folder. Nakayuko akong humarap sa kanya nakataas pa din ang kaliwang kilay nya

"Ano yan?" tila yelong tanong nito
inangat ko ang paningin ko para makita ang reaksyon nya. Walang ekspresyon ang mukha nito mukhang alam na nya kung ano ang laman ng folder na to.

"a-annulment p-paper" pilit kong nilalabanan ang namamaos kong boses. Labag man sa aking kalooban ang gawin ito pero kinakailangan para matigil na ang pagkurot ng puso ko. Mahal ko sya,oo mahal na mahal pero alam ko namang hinding hindi magkapareho ang nararamdaman namin.
Gusto kong umiyak sa harap at magmamakaawa ulit sa harapan nya para mahalin ako pabalik,pero pagod na'ko.

Ilang minuto din ang nakalipas na katahimikan lamang ang namutawi sa aming dalawa. Tila may isang matulis na bagay ang sumaksak sa dibdib ko dahilan ng pagkirot nito nang kunin nya ang folder at binuklat.
Confirmed! wala nga syang nararamdaman para sakin. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
na ano? Mahalin ako ng isang DRAKE MONTEVERDE? imposible!

My tears sneak in my eyes nang kunin nya ang ballpen na nakaipit sa folder.
Iniwas ko ang tingin ko at muling tumingin sa papalubog na araw ayokong tumingin sa kanya! ayokong tingnan syang pinipirmahan ang papel na magpapawalang bisa sa kasal namin.

Walang pasabing umalis sya sa tabi ko at nilagay ang folder sa maliit na kahoy na mesa sa harap namin.Mapait akong ngumiti at kinuha ang folder.

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko sa nakita. Halonghalo ang nararamdaman ko sa mga oras na to sabik,saya,kaba at naguguluhan. Tumulo na talaga ang luha kong kanina pang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko.
hindi pirma ang sinulat nya kundi dalawang malaking ekis at may nakasulat na
"WHY WOULD I?"

-------------------------
🍫

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden LoveStories to obsess over. Discover now