Chapter 1 :

435 10 0
                                    

(Edited) 01-28

*16 years after*

Asuna 's POV

" Lady Asuna! Nasan na po kau?!" - Butler Derick

Hayy! Bakit ba kasi kailangan pa ng celebration na yan eh! How I wish simple na lamang kaming pamilya pero hanggang pangarap ko nalang yun.

Dahan dahan akong tumayo sa punong kinatatayuan ko ngayon, sa puno ako madalas mag tago dahil walang makakapagisip na ang prinsesang tulad ko ay aakyat ng isang mataas na puno.

Iginala ko ang mga tingin ko sa bawat sulok ng palasyo, kasalukuyan silang nakakalat sa paligid dahil sa pag hahanap sakin.

"Hanapin niyo ang prinsesa bilis!" naririnig kong sabi ng butler ko sa mga maids namin. Humagikgik na lamang ako at mas umakyat pataas pa sa puno. Nang mapantayan ko na ang taas ng harang nang palasyo, agad na kong tumalon at kumaripas ng takbo.

Im Asuna Chrystalaine Crestfall. 16 years old. Isa akong princesa sa Alfeim World. Isang kakaibang lugar, wherein demons, fairies, guardians,and gods can be seen. Ibang iba ito sa HUMAN WORLD ang mundo ng mga inosenteng laman lupa na tinatawag na "tao" . Kung titingnan parang katulad rin namin sila mga tao din sa world na ito pero ang pinag kaiba lang ay may powers SILA dito. Bat sila lang? Obvious nmn dba? Masakit isipin na sila lang as in sila ! Wala akong powers huhuhu...

Matagal ko ng tinatanong sa sarili ko kung bakit wala akong powers? May incredible power ang dad ko which is the king of the Crestfall, Crestfall isa sa mga lugar sa Alfeim World. Meron kasing north, east , west , south at center ang world namin. May kanya kanyang namumunong hari at reyna doon at ang apilido nila ang pangalan ng lugar kagaya namin. Ang dad ko lang ang may powers dahil ang mom ko ay isang human. Akalain nyo un? Isang human ang napakasalan ng dad ko? Hindi ko alm kung bakit pero di ko na nagawang tanungin dahil tanggap namn ng lahat ang mom ko.

Bumalik sa realidad ang utak ko ng maramdaman kong may humihila ng damit ko.

Isang bata ang umiiyak na kumapit na mga binti ko. Tumingin tingin muna ako sa paligid kung sinong nakakakilala sa bata pero wala namang pumapansin sa amin.

" bata nawawala ka ba?" Tanung ko sa bata. Lalo lang siyang umiyak.

"Mama!mama!" Paulit paulit niyang sabi

Bumuntong hininga na lamang ako at sinama na siya na paglalakad. Gusto ko sanang mamili ulit sa nga tindahan dito sa labas ng palasyo pero mukhang d ko na magagawa hayyy..

Idiniretso ko na ang bata sa mga lugar kung nasaan ang mga kawal ng aming bayan.

Kumunot ang noo ko sa nakita ko pag pasok. Mga tulog ang mga ito at ang iba nman ay umiinom. Mukhang napansin naman ng isa ang presenya ko pero itinaas lamang niya ang kanyang paa at tamad akong tiningnan.

"Ano nanamang problema mo?" Sumama ang tingin ko sakanya dahil sa walang ka resperespeto ang kaniyang pananalita.

" Nawawala ang batang ito, gusto ko lang magtanong kung may naghahanap sa kanya" binalewala ko nlng ang inasal ng kawal dahil kung titingnan ang itsura ko nakasimpleng ayos at hindi makikitaan na galing sa marangyang pamilya.

"Wala e iwan mo nalang siya dito" marahan kong ibinigay ang bata ngunit umiyak ito ay kumapit lang lalo sa akin

Tiningnan ko ang bata at napag desisyunan na isama na lamang sya sakin.

Kasama kong ang bata sa pamimili. Binilhan ko sya ng makakain na naging dahilan ng pag tahan nya.

Tuwang tuwa ako dahil binibilhan ko din siya. Napakacute nyang bata. Pagkatapos nmin mamili may narinig akong umiiyak na nanay. Napansin kong napatigil ang kasama kong bata bumili
Napabuntong hininga na lamang ako.

My Royal Princess (Editing)Where stories live. Discover now