Ang sarap ma-inlove no? Ako, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ko ang aking "the one". Kapapasa ko lang ng board exam sa nursing, nag decide ako magtrabaho -- OO -- call center nga ito. Nung una, ayaw ako payagan ng aking mga magulang, i-pursue ko daw natapos ko. Sa akin naman, gusto ko lang naman i-try. Oh well, eventually, natanggap ako sa isang malapit na center sa may amin.
Ikatlong linggo, nakilala ko ang isang QA sa aming account, patay na! LOVE AT FIRST SIGHT -- sabi ko sa aking sarili. Ang pangalan nya ay "Uno". Ibang klase yung feeling. Hindi ko maintindihan. Galing lang ako sa isang masaklap na relasyon sa kapwa ko babae at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkagusto ako sa isang lalake. Hanggang ngayon nga, hindi ko maipaliwanag pero ang tindi ng feelings na to. Daig pa ang tumungga ng sampung red horse ng sunod-sunod.
Nagtanong-tanong ako noon, kung si kuya ay "single". At yun na, na heart broken na ako agad. Pero di pa rin nawala yung pakiramdam na yun. Parang dinasalan nya ako sa sampung anito. Gayuma na galing sa Quiapo na wari ay winisik nya sa mukha ko na.. ay ewan ko ba.
Hindi nagtagal, may isang lalaking dumating at naging kami rin eventually. Nagtrabaho din siya sa parehong account namin ni Uno. Kaso nagresign din sya pagkatapos ng ilang buwan dahil natanggap siya sa isang trabaho sa Canada. Naging mahirap. Bago pa lang kami at sinubok na ng LDR (Long Distance Relationship) ang aming pagmamahalan. Bumitaw ako pagkaraan ng ilan pang mga buwan.
Aaminin ko, mas matimbang si Uno. Hindi ko alam kung bakit. Ni hindi nga kami. Ilusyonada na kung iyong tatawagin pero iba talaga e. Kahit tulala ako, mukha nya ang nasa isip ko. Malinaw pa sa 3D at 4D.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong na Pag Move On
RomanceIto ang help guide para sa pusong sawi sa henerasyon ngayon. Sabi nila ay hindi madali pero based on experience, baka makatulong ito sa'yo. Masakit kapag ikaw ay iniwan, pinagpalit at niloko. Madalas ay hindi natin alam ang gagawin at kung minsan a...
