Hemos actualizado nuestras Pautas de Contenido.
Consulta las pautas más recientes para seguir compartiendo historias de forma segura.

PANIMULA

38 3 0
                                        

Ika-walo ng Agosto, taong 2017 ang petsa ng aming unang pagkikita. Ngayong buwan ang anibersaryo ng aming unang panonood ng sine magkasama – ng aking dating kasintahan. Simula noong araw na 'yon, ako ay nagsulat ng mga tula na binalak kong paabutin ng isang daan para tumugma sa aming unang pelikulang pinanood na 'Isang Daang Tula Para Kay Stella' at ibibigay ko sana ito sa aming unang taon, ngunit hindi kami umabot sa punto na 'yon. Kalauna'y kami rin ay nagtapos at walang ni isang tula ang nakarating sa kaniya.

At matapos ang apat na taon, muli kong nahanap itong mga tula na isinulat ko noon para sa kaniya, ngunit siyam na lang sa mga ito ang natirá at ang aking nakita. Kayá nais ko silang ibahagi sa inyo ngayon, bilang pagpapalaya sa aking sarili, bilang pagpapalaya nitong mga salita, at bilang tuluyang pagkalimot sa nakaraan. Tatapusin ko na ang pelikula.

"Sa sinehan tayo unang nagkita,
sa sinehan ko rin tatapusin ang ating istorya."

Pinamagatan ko ang serye ng mga tula na ito na 'Anibersaryo' bilang pagkilala sa naudlot naming anibersaryo.

Maraming salamat sa pagsama sa akin sa pagtatapos ng istorya na 'to. Ito ho ang Anibersaryo.

Paalala: Ang mga tulang ito ay aking mga sariling-gawa at sulat. Ang paggamit o pagkuha nito nang walang pahintulot sa akin ay hindi maaari at matatawag na pladyarismo. 'Wag ugaliin ang pagnanakaw. Patuloy tayong lumikha.

ANIBERSARYOHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora