S.Y. 2014-2015
SILVER'S P.O.V
"Tangina naman Silver! First year college ka na tulog mantika ka pa din! Bumangon ka na nga dyan!" Malakas na sigaw nang kuya kong kupal kahit umagang-umaga pa!
Walang gana akong tumayo saka niligpit ang pinaghigaan ko at lumabas na.
"Anong oras na ba? Eh mas nauna ka pang nanggising kesa sa alarm clock ko?!" Iritadong tanong ko saka nya hinawakan ang bewang nya at bumwelo bago na naman sumigaw.
"Anong oras pasok mo?! Diba Alas siyete?! Alas otcho na! Anong oras mo gustong pumasok?! Alas Nueve?!" Malakas nyang sigaw kaya naman umiling ako saka na umupo at kumain.
"Ang aga-aga maka-sigaw ka parang nasa kabilang bundok kausap mo." Kunot noo kong sagot saka sya umupo sa harap ko.
"Baka nakakalimutan mo, yan ang dahilan kung bakit ka pinaalis sa dati mong school kasi lagi kang late! Kaya nga hiniwalay ka ng bahay nina Mama diba? Para matuto ka!"
"Tsk! Papano naman ako matututo kung kasama kita dito?! Alis na nga!" Sigaw ko saka sya tumawa.
"Papano ba yan, eh pinababantayan ka sakin eh." Kibit balikat nyang sagot saka ngumisi nang malaki.
"Alam mo? Kung hindi lang kita kuya? Matagal na kitang tinapon sa dagat." Sabi ko saka nya ako tinaasan nang kilay. "Wag mong sabihing bakla ka?" Tawa-tawa ko pang sabi saka nya ako binatukan dahilan para mabilaukan ako saka sya tumawa nang malakas! "Tangina mo!" Sigaw ko pa nang nakainom na ako ng tubig.
Inis akong tumayo saka na pumasok sa kwarto ko saka na naligo at magbihis.
Blue long sleeves ang sinuot ko saka black pants at puting Adidas saka na bumaba, naabutan ko naman yung kuya ko na kumakain!
"Wow! Ang galing ah? Sinabi ko bang kumain ka?" Inosenteng tanong ko saka na naman tumaas ang isang kilay nya.
"Akong nagluto kaya may karapatan akong kumain!" Sigaw na naman nya.
Kelan kaya mababasag yung vocal chord nito?
"Sinabi ko bang magluto ka?" Sarkastikong sagot ko saka kumuha ng isang pandesal at binato yun sa akinsaka ako tumawa dahil hindi nya ako natamaan.
"Duling!" Sigaw ko saka na naman sya kumuha ng Isa saka na bumubwelo para ibato yun sa akin pero biglang bumukas ang pinto saka pumasok si Schizo!
"Ate!" Biglang sigaw nya saka binawi ni kuya ang pandesal na sana ay ibabato nya sa akin.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko saka sya yumakap sa akin.
"Sina Mommy saka si Daddy."
Bakit?
"Bakit daw?" Tanong ko saka sya nagkibit-balikat.
"Where here to talk to you." Si Mama.
"Bakit Ma? May problema ba?" Tanong ko saka sya hinalikan sa pisngi, ganun din si Papa.
"Can you come back home? Iyak nang iyak yung kapatid mo, lagi kang hinahanap." Sabi pa ni Mama saka ako tumingin kay Schizo saka nagbalik nang tingin kay Mama.
"Ma? Pwedeng ihatid nyo muna ako? Baka ma-late na ako." Kamot ulo kong sabi sya bumuntong hininga si Papa.
"What's new?" Tanong nya. "Tara na, sa kotse ka na lang namin kakausapin." Sabi pa nya saka ako ngumiti at tumango.
"Kuya, ubusin mo lahat yan ah?" Tawa-tawang sabi ko saka nya ako binato ng orange kaya naman mabilis akong lumabas ng bahay.
"Hindi pa din kayo nagbabagong magkapatid." Sabi ni Mama habang binubuksan ang pintuan ng kotse saka sa sya sumakay dun.
ESTÁS LEYENDO
FALL IN LOVE WITH ME (complete)
De TodoIf your friendship lasts for 7 years, you can't forget each other, then, what about love? Does it feel the same way like a friendship that last for many years? Or just like an old photo, that will fade? There's a myth that says first love never dies...
