Dead End

3 1 0
                                        


Nakatunganga ako, hindi alintana ang gurong nagtuturo sa unahan, nang bigla ko siyang nasilayan.

"Good Afternoon, Mr. De Luna! Hatid ko lang itong transferee," ani Ms. Fuentes.

Clean-cut, plantsadong uniporme, bag nakatamtaman lamang ang laki, height mo tama lang sa body built mo, lakad mo na diretso- madarama ang seryoso mong aura, at higit sa lahat, ang mabango niyang amoy. Amoy baby. Baby ko.

"Is this seat taken?" napakaganda ng boses niya, lalaking lalaki.

"Hello, excuse me?" Shet, tulala ata ako.

"Ay oo, may nakaupo dyan, excuse lang kasi lalaban sa competition," kaswal kong tugon upang mapawi ang pagkapahiya.

"Salamat," wala na nga siyang nagawa kundi humanap ng ibang mauupuan.

"Jani, ayusin mo na 'yung costume mo, magsisimula na ang play," tarantang taranta ako ng mga oras na ito, sapagkat anumang minuto ay magsisimula na ang play.

Sumilip ako sa labas, at tila nakadagdag ng kaba ang dami ng audiences. Shet, bawal ako magkamali.

"Ready?" shet, bwiset ka naman Ms. Fuentes, lalo akong kinakabahan sa'yo eh. Tumango ako bilang sagot.

Unang apak ko sa stage, ikaw agad ang nakita ko. Pumapalakpak ka pa nga, akala mo nama'y jowa kita. Chares!

I-dineliber ko ang mga linya, punong-puno ng emosyon, kahit amoy masamang panahon na ang kapares ko sa pag-arte. Bakit ba kasi ang init ng costume niya?

"Cinderella: The Play, performed by Grade 7- Rizal, let us give them a round of applause," closing chorva ni Ms. Fuentes.

Ayon, nakita kita, napalakpak ulit, tila naaliw sa pag-arte ko? Tunay ba?

"Uy, sino kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" Nanlaki mata ko nung nilapitan mo ako nung enrollment day natin, at talagang mag-grade 8 na tayo.

"Kasama ko si Mama, nasa loob. Ikaw, sino kasama mo?" Mahinhin kong tanong, kahit di naman talaga ako mahinhin.

"Si Mama rin. Sana magkaklase ulit tayo 'no? Kasama sila Lowel?" Nabingi ata ako, pero tama ba na hiniling mo na maging classmate ulit ako?

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon, at dala ko ang kilig hanggang sa magsimula ang klase.

"I am Reesha Dominguez, and I am from South Cotabato. It's just happened that my father's work is here, so we have to make lipat too," pakilala ng bagong estudyante na kaklase natin. Kumirot 'yung puso ko kasi 'yung tingin mo, napako sa kaniya.

"Thank you, Reesha. You may take the seat beside Marky. Marky, be good to your new seat-mate ha?" Utos ni Ms. Joy. Hala, eh lilipat dapat ako don mamaya. Ikaw kasi Nikka, ang bagal bagal mo, naunahan ka tuloy! :(

Buong araw na 'yon, tahimik lang ako, nagtataka nga si Trix kung bakit ako ganoon eh.

"Hindi porket Ber months na ay palagi na kayong absent. Say present if you're here ha! Sebastian, Marky?" Sungit talaga nito ni Sir Bautista.

"Sir, absent po. May lagnat po," nag-panic ako ng biglang gumalaw ang bibig ko. Napatingin tuloy sa akin lahat.

"Hmm, bakit mo naman alam?" Ibinaba ni Sir Bautista ang ballpen, at tumingin sa akin.

"Ah-eh," nag-aalangan kong sagot.

"Bakit ka namumula? Crush mo si Marky ano?" Luh, si sir chismoso. Napuno tuloy ang classroom ng asaran. Itinago ko na lamang ang mukha ko sa librong hawak ko, at hiniling na maglaho, ngayon din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dead EndWhere stories live. Discover now