Chapter 4

66 30 4
                                    


Incoming Fourth Year student na kami ni Estella sa St. Paul University Ilocos. Isa ito sa mga pribadong unibersidad sa Ilocos Province. Dito na kami nag-aaral simula pagkabata. Kaya ng aming pamilya na pag-aralin kami sa Maynila ngunt pinili nila na rito nalang kami manirahan ng sa gayon ay mabantayan nila ang aming kompanya.

We have a few quite friends here in school. Kinakaibigan lamang nila kami dahil  mayaman ang aming pamilya hindi dahil sa gusto talaga nila kami maging kaibigan. Kaya sanay na kami ni Estella na kami ang magkasama araw araw sa eskwelahan.

Dumiretso kami sa Administration Building upang kuhanin ang mga dokumento na kinakailangan sa enrollment namin.  

Estella confirmed, "Sigurado ako mag-kaklase tayo."

I giggled, "Oh. I'm very sure. Iyon naman ang laging pakiusap nila mommy sa mga head ng school."

"Yes, we both know how powerful are family is especially here in our province. Kahit wala na si Tito Lienzo nirerespeto pa rin nila ang pamilya niyo. Abellana's  name is very influential here." She replied.

Tumango ako bilang pagsasang-ayon sa kanyang sinabi. Tama si Estella wala na si Dad pero nananatili pa rin ang respeto ng mga tao sa amin.

"Yes. You're right, S. Uhm... Let's go? Tutal nakuha na natin lahat ng papeles. We should proceed now para hindi na tayo matagalan." I smiled and hooked my arm to her shoulder.

Tumawa kami at saglit na nagkatitigan.  Dumiretso na kami sa aming building at tuluyan ng nag-enroll.

"Yay, finally. We're enrolled! Where are we going now?" She gushed.

"Uh...I—I don't know." I said.

"Susunduin ako ni Daddy ngayon. Do you want to come with us? We'll just eat lunch then uuwi na rin ako. Si Dad babalik sa opisina." She whispered.

"Okay lang ba? I — I mean baka lakad niyo iyon ni Tito." I tilted my head.

Ngumiti siya sa akin ng nakakunot ang noo, "No, you should come with us. I insist. Tutal wala naman si Tita and Xavier sa bahay niyo. I'm sure wala kang kasama sa bahay kundi ang mga katulong. So you better come with us. No buts I'll text Daddy and I will tell him you'll come with us." She declared and immediately grab her phone to text Tito Anton.

Umupo muna kami sa students park habang hinihintay si Tito Anton. Naglakad papalapit sa amin ang grupo nina Lyle. She's not really our close friend but sometimes we hang out together. May kasama siyang dalawang babae na ngayon ko lang nakita.

"Hi Estella kasama mo pala si Letizia, Hi Blair. How—are you? How's your Mom?" Lyle stuttered and glanced at me.

Sinulyapan ako ni Estella. Nakita ko ang pangamba sa kanyang mga mata.

I nodded and looked at her eyes, "We're fine, Lyle. We're doing great. Thanks for asking, BTW."

"I heard from my Dad that your company is facing bankrupcy right now dahil sa project na pinabayaan at iniwan ng Daddy mo." She growled.

Alam ko ang na mayroong naiwan na isang malaking project si Daddy bago siya namatay. Ang rinig ko sa usapan nila ni Tito Anton na isa itong proyekto ng gobyerno. Gumuho ang building na ginagawa nila at isinisi nila ito sa kompanya namin.

"What do you want Lyle?" Estella looked at her with sharp eyes.

"Tss. Chill, S. I just want to confirm if that is true. Mali na ba ang magtanong ngayon?" She hissed.

"Seems like you're not asking. It looks like you're accusing her. There's a difference between asking and accusing. I hope you know that." Her voice suddenly rise.

Sweet Scent of Success (Horizon Series #1)Where stories live. Discover now