"Ikaw ba si Gabb?" Walang kamuang muang na tanong ni Coleen.











Kahit masakit para sa kaniyang mapagkamalang iba. Tuluyan niya ng sinakyan ang pagkakataon.

"Yes, I'm Gabb." Sagot nito.










Kahit nanlalabo ang paningin agad na yumakap ito sa leeg ni josh at siniil ito ng matinding halik.

Halos hindi makagalaw si josh ng biglang gawin iyon ni Coleen. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil alam niyang hindi talaga para sakanya ang halik na iyon.





"I miss you." Naluluhang sambit ni Coleen.







"C-Coleen." Namanhid ang buong katawan ni Gabb ng madatnan si Coleen.

Kusa ng  bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata.







Nagsimula nanaman pumatak ang ulan mula sa maiitim na ulap na bumabalot sa buong kalangitan.

Wala siyang ibang magawa kundi panoorin ang dalawang matapos sa paghahalikan.








Pangalawang beses na itong nangyari ngunit sa puntong ito doble ang sakit.

Mahigpit itong nakahawak sa manibela habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalawa.






"Sa huli."





"Ang  pangako ay mananatili na lamang isang salita."





"Gusto ko pang lumaban."

"Ayokong sumuko, kahit pagod na pagod na ako."


"Pero ngayon hindi ko na alam kung may karapatan ba akong  ipaglaban ka."

"Lagi kong iniisip kung paano ka na. Pero hindi ko manlang natanong ang sarili ko kung paano na nga ba ako?"





"Paano ka na  pag naiwan ka."




"Paano ka na pag wala na ko."





"Pero ngayon,  Malinaw na wala lang pala talaga ako para sayo."












Muli niyang pinaandar ang makina.
Mabilis  niyang pinaandar ang kotse kahit wala na siyang kasiguraduhan kung saan pa siya pupunta.





Dahil sa madulas na daan muntik na itong mabanga sa motor pero agad nitong naliko ang manibela at muntik na rin bumanga sa poste.


"Putang*na! Lasing ka ba? Malapit ka na makasagasa!" Dali daling bumaba sa motor ang lalake at sinugod ang kotse ni gabb.






"Lumabas ka riyan!" Galit na galit na sigaw nito.








Dahan dahan bumaba ang bintana ng kotse. Halos mawala ang galit ni bruno ng makita ang nakasakay sa kotse.






"G-Gabb?"






Walang emosyon ang mukha ni Gabb ngunit tuloy tuloy ang pag daloy ng luha sa pisngi nito.

Walang imik itong lumabas ng kotse.
Iniwan niya na lang ang kotse doon at naglakad na lamang palayo.








"Gabb anong nangyare?" Alalang tanong ni bruno at hinawakan ang braso nito.







"Stay with me" Where stories live. Discover now