MAGKAMPIHAN KAYO!

107 7 0
                                    

"MAGKAMPIHAN KAYO!"

Ginoo, ika'y aking seryoso
salita mo'y para sa akin totoo.
Pero bakit mo ako niloko?
Pag ibig  pala para ay isang laro.

Akala ko'y iba ka sa mga ginoong mapanloko.
ngunit ako ngayo'y binigo mo.
Nangako ako sa sarili sa lalaki'y di magpapaloko.
Ngunit iba na pala pag pinaramdam sayo sya 'y seryoso
Pero sa huli'y malalaman mong isang laro lang ang salitang TAYO.

Sabi ninyo'y lahat ng ginoo'y di Parepareho
Ngunit bakit iba ang makikita ng mga mata ko?
O sadyang sa pagibig ay  malas lang siguro ako.

Kung baga sa laro ako yung laging TALO.
Ako inyong laging BINUBURO

Parang sa larong habulan, Hahabulin mo ako tapos pagnahuli mo'y iiwan at tatakbo.

Sa basketball ako yung bola nyo
Na pagaagawan at pagpapasasahan
Bobola bolahin, tapos sa huli pakakawanan din.
Parang sa tumbang lata
At, OO AKO LANG NANAMAN ANG LATA
na laging nais niyong tumumba.

Lagi na lang ako, lagi na lang kami yung talo sa laro ninyo mga ginoo.
Dinadaya nyo ako!
Pinagkakaisahan nyo ako!
Nagkakampihan kayo!



LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now