"Sorry," sabi niya ulit. Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

"Ayos lang..." Huwag lang sana 'to makarating kay Kuya dahil for sure, magagalit 'yon. "Sa atin nalang po 'to, ha? Hmm?"

Tinitigan niya ang buong mukha ko saka ngumiti. "If that's what you want."

Naputol ang tinginan namin ng may maramdaman kaming pumatak. Sabay kaming tumingin sa langit saka muling tumingin sa isa't-isa.

"Umuulan / It's raining." Natawa kaming dalawa.

Tumayo ako at mabilis na kinuha ang plastic ng barbeque. Nakalimutan ko kanina 'to, ah!

Inabot ko sa kaniya ang isang isaw at muling umupo ss tabi niya.

"Make sure it's delicious, Ms. Reyes if it's not..." Tumingin ako sa kaniya.

"Ano, Sir?" nakangiting tanong ko.

"I'll kiss you."

Ilang beses akong napakurap. Gulat sa sinabi niya. Lumunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Kumain na siya kaya kumain nalang din ako. Sure naman akong masarap ang barbeque pero bakit sa mga oras na 'to hinihiling kong hindi? Jusko, Lara! Iwaksi ang landi!

Ramdam kong nakatingin siya sa'm akin pero nagpapanggap nalang ako busy sa pagkain.

'Yung puso ko lalabas na ata sa sobrang bilis ng tibok! I'm not good at hiding my emotions kaya siguro nahahalata niya ito.

Ikaw ba naman kasi titigan habang nakangiti, sinong hindi magkakaganito?!

Inubos ko na agad ang pagkain ko at sumugod sa malakas na ulan. Masarap maligo dito.

Marami akong masasayang memories kasama ang ulan.

"Ms. Reyes, what are you doing? Come back here!"

Ngumiti lang ako at kumaway sa kaniya.

Tuwing umuulan ng malakas naliligo kami palagi ng pamilya ko. Bantay sarado nga lang ako ni Papa't Kuya dahil makulit din ako lalo na kapag masaya ako. Madalas ding umuulan kapag birthday ko, na blessings daw ang meaning.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang bawat patak ng ulan.

In my life, I am happy. Meron akong pamilyang alam kong mahal ako, at hindi ako papabayaan. May pinsan akong handang makipag-away mapagtanggol lang ako.

I am content with my life.

But sometimes, I can't help but wonder what it would be like if my Grandmother was still alive? Paano kaya kung....

I bit my lower lip when I felt the tears fall.

What if Ren-Ren doesn't leave? Kami na kaya ngayon?

Malalim akong bumuntonghiniga at pinahid ang luha.

"Are you okay?"

Dumilat ako at nakita ko si Sir na nakatayo sa harap ko habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at tumango.

"What are you doing here? Hindi mo ba alam na pwede kang magkasakit?"

Tumawa ako. "Kayo nga rin po, nandito, e. Alam ko pong malungkot kayo pero kalimutan mo muna po 'yun ngayon."

Pinagdikit ko ang mga palad ko at parang tangang sinahod sa ulan. Nang magkaron na ng laman pabiro kong binuhos 'yun sa kaniya.

"Oops, sorry po," natatawa kong saad.

Loving The C.E.O. Where stories live. Discover now