Shaira Santos
Isang linggo na ang nakakalipas mula nun nawala ang lockdown dito sa batangas. Sa loob ng dalawang buwan nakalabas narin ako.
Bat naman kasi nag ka covid pa,edi sana tuloy ang pasok ngayon, graduating na sana ako!. Pero balita ko naman unti unti nang nawawala ang covid kaya baka mag kapasok na ulit.
Papunta ako ngayon sa bayan para kumuha ng padala ni kuya shairo. Ngayon nakabalik na siya sa trabaho,linggo linggo na naman ako kukuha ng pera sa cebuana para sa badget namin nina mama at papa.
Nag lalakad ako papasok ng cebuana,nang maisipan kong dumaan muna sa simbahan para mag dasal. Nang makatapos na ay dali dali na akong pumunta ng palawan dahil mamimili pa ako sa convenience store.
"bubby?" biglang sabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa tumawag sakin,
"uyy bubby, " masayang bati ko kay denice na best friend ko. Kitang kita saming mga mata na masaya kaming nag kita . Sa loob kasi ng 3 buwan ngayon lang uli kami nag kitang dalawa.
"wow ha ang putiii puti mo na, na misss kita bubby" nakangusong sabi nito habang nakaakbay sakin.
"ikaw nga lalo kang gumanda oh, tignan mo yang mukha mo,napaka kinis o. Btw i miss youu tooo bubbyyy" masayang tugon ko at binigyan sya ng mahigpit na yakap.
"teka san ka nga pala?"
"kukuha ako ng padala ni kuya, ikaw san ka??"
"bumili lang kami ni mommy ng grocery"
"ahh ganun ba,ikamusta mo nalang ako kay tita ha,o sya sige bubby babye na ha ,baka mahaba pa ang pila sa cebuana mahuli pa ko."
"sige babye ingat"
"ingat din".
Tuluyan na nga kaming nag kahiwalay ni denice. Si denice ay matalik na kaibigan ko, since kinder bestfriend ko na sya. Never kaming nag away o nag tampuhan nyan. Masyado ba kaming perfect na mag kaibigan. Lucky to have her!
Nang makakuha ako ng pera na pinadala ni kuya ay agad akong pumunta ng convenience store para mamili ng kailangan namin sa bahay. Habang nag lalakad ako ay tumawag si papa sakin.
"o pa bakit po??" magalang na sagot ko sa cp.
"nak matatagalan akong sunduin ka ha,nasira kasi oner natin kaya gagawin ko pa. Dyan ka nalang muna ha,"sabi ni papa.
"ah sige po pa,ingat po. Ay papa yun pera nga po pala nak---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may dumanggi sakin lalaki na muntik ko nang ikalaglag sa hagdan na papasok ng convenience store. Mabuti nalang.....
Waittt sino tong lalaking to?.
Mabuti nalang nasalo ako ng lalaking ito na ngayon ay nakahawak sa aking bewang. Matagal kaming nagkatitigan.
Halos hindi ako kumisap dahil pinag mamasdan ko ang napaka gwapo nyang mukha.
Ang ilong nyang napakatangos,ang labi niya na sobrang pula,ang kilay niyang makapal at ang mata niya na nakakabighani.
Maya maya ay bigla nalang nya akong iniayos. Nilimot niya ang cp ko na nahulog kanina nun nadanggi ako ng lalaking nag mamadali.
"okay kalang ba miss??" maginoong tanong ng lalaking sumalo sakin.
"miss?"
"miss"
Natauhan naman ako nun kinalog nya ang balikat ko, natulala pala ako sa sobrang gwapo nya. Sinampal sampal ko ang sarili ko bago nag salita.
"ayos lang ako, salamat pala" nahihiyang sabi ko.
Bigla nalang syang umalis,habol habol naman ang tingin ko sa kaniya. Feeling ko nalove at first sight ako sa kaniya.
YOU ARE READING
My Heart Is Belong To Him
General FictionAno nga ba ang kahulugan ng pag mamahal sa ngayon??? Ang pag bibigay ba ng tsokolate at rosas??ang pag sabi ba araw araw ng i love you?? O ang pag sasakripisyo mo para sa taong mahal mo??. Para sakin maraming kahulugan ang pag mamahal, pero higit ko...
