CHAPTER 13 - BIRTHDAY SURPRISE

42 22 2
                                    

CHAPTER 13:

•|BIRTHDAY SURPRISE|•

Catelin's PoV

Nang maging ayos ako dumiretso na kami ni lance sa room

Pinipilit nya ako na umuwi na lang daw at magpahinga pero di ako pumayag kase last subject na din naman kaya papasok na rin ako

"Myghad bat sila magkasama?"

"Sila na ba?"

"Huhuhu sad to say but bagay sila."

Kaliwa't kanan ang nga bulungan lalo na ng pumasok kami sa room

"Hoy sis! Bat kayo magkasama? Yan ah yieeee." Pang-aasar ni Camille

Si Shane? Tahimik lang sya

Naiintindihan ko naman sya e, gusto nya si lance pero, pero ako ang gusto nya

Pumasok na ang lecturer namin at nagpa-test

'buti na lang pala pumasok ako'

"20 question lang ito, sagutan nyo ng tahimik at kaylangang walang bura! Pwede namang may bura pero kaylangan nyo ng correction maliwanag?"

"Yesss miss!" Sagot naming lahat

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasagot ng may nabura akong sagot

'sh*t bawal pala ang bura'

"Camille may correction ka?" Tanong ko kay camille pero umiling sya at bumalik sa pagsasagot

"I-ikaw lance?" Tanong ko pero umiling din sya

"Ako! May correction ako" pagpiprisinta ni Shane

Binuksan nya ang bag nya at lumantad ang pink na jacket nya at nang mahanap ito ay binigay sa akin

"Salamat."

**

Nang matapos kami ay nagkanya-kanya na kaming umuwi

Nang makauwi ako ay dumiretso na ako sa kwarto ko, nagpaalam ako kila mommy dahil busog pa naman ako

Naglinis muna ako ng katawan bago ako tuluyang pumunta sa kama ko

Sa isang araw na yung birthday ni Camille, bukas mag-aayos kami sa bahay nila dane dahil balak namin syang isurpresa

*Kinabukasan*

Tanghali na ng nagising ako kaya mabilis akong kumilos

Naligo na agad ako at nagbihis at bumaba

"Oh aalis ka na? Kumain ka muna." Si mommy

"Hindi na po mi, tanghali na po kasi baka iniintay na ako ni Shane."

"Ganon ba? Sige, basta kumain ka ha?" Tanong nya at tumango ako

Dumiretso ako sa kotse ko at nag drive papunta kila Shane

Sasabay daw sya sakin e, nasira daw kase yung kotse nya at pinapagawa pa

"Sisss! Bat antagal mo?" Si Shane na naghihintay na sa labas ng gate nila

"Pasensya na, tinanghali kase ng gising, tara na baka tayo na lang iniintay nila." Sabi ko na agad nyang sinunod

Nang makarating kami sa bahay nila dane at tama nga kami nandon na si dane, josh at lance

"Bat ngayon lang kayo? Kanina pa namin kayo iniintay." Si Josh

"S-sorry." Kaming dalawa ni Shane at napatingin ako kay lance

Nakatingin sya sa akin? Kingina nakakailang

Pero kinikilig ka?

Oo ay jusko naman pati mga bulati sa utak ko nakikisali pa erase erase

Nagsimula na kami, bumili na yung boys nung nakaraan ng mga gagamitin namin kaya ngayon iaayos na lang namin

Nandito kami sa isang room ng bahay nila dane at aayusan namin iyon at bukas naman lulutuin ang mga pagkain

Naglagay yung mga boys ng kurtina at sinabit sa pader tas nung happy birthday tas kami na daw maglagay ng design kase alam nyo naman mas maeffort ang mga babae pagdating sa mga ganto

May gupit gupit na naman na mga pangdesign, ilalagay na lang daw talaga

Pero masyadong mataas yung iba para di ko maabot at masabitan ng iba pero pinipilit ko pa rin hanggang sa may humawak non at sya ang naglagay ng design

"Next time kasi, magpatangkad ka na."

Bulong ni lance sa may tenga ko

Yung puso mo catelin!!! I can't breathe!!! Bat kasi kaylangan nyang gawin to sa harap ni? Shane?

Ng maalala ko si Shane ay agad akong lumayo sa kanya at inayos ang iba pang dapat ayusin

Maya-maya napansin kong ang tahimik ng room

Dalawa na lang kami ni lance!!!

F*ck bat di ko napansin at nakatingin pa sya sa akin at unti unting lumapit

"Bat ba masyado kang masipag? Di mo man lang napansin na dalawa na lang tayo dito? Or kaya naman... Gusto mo din." Sabi nya at ngingiti ngiti opa

"Ha! Asa!" Sigaw ko dito at aastang tatalikod sa kanya pero agad nya akong hinawakan sa kamay at sinandal sa pader at kinorner ng dalawa nyang kamay

"Iniiwasan mo ba ako?" Diretso nyang tanong

"H-ha?" Nasagot ko na lang

Tsk catelin umayos ka nga!

"Bat ganyan ka sa future husband mo?"

Jakqhdskkwwbaiisnwnanhajakdnmakamdmmsmanajdhhsjs

Speechless akessss!

Parang bigla akong namula don sa sinabing yon ni lance

'bat ba sya ganyan? Lance naman ihh'

"You're blushing." Sya habang natawa pa

Lupa kainin mo ako ngayon na!!!

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya sa sobrang kahihiyan!!!

Pero naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa baba ko at pinatingin sa kanya

Bat ganon? Parang may kislap yung mata nya

Jusko naman catelin nababaliw ka na ba? Anong kislap kislap sinasabi mo dyan?

Di ko alam pero para sa akin ang ganda ng mata nya

Ngayon ko kang din masyadong nakita ang mukha nya ng malapitan

Brown eyes, mahabang pilikmata, medyo makapal na kilay, matangos ang ilong at medyo makapal at mapupulang labi

"Catelin."

"H-ha?" Tsk catelin kahit kaylan ka talaga

Narinig ko ang mahina nyang tawa bago tumingin sa akin ng deretso

"I love you."

————————————————

-maehtybee-
Don't forget to vote, comment and follow

Hope y'all like it❤️❤️
*Hugs*

I'm Inlove With My Bestfriend's Crush Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu