Part 1: Graduation Day

37 2 0
                                    


"Happy Graduation!" Sabay sabay na sigaw ng limang kuwatog na kaibigan ko.

"Thanks pips" Naka ngiting sabi ko "Sasama ba kayo?"

"Aba syempre, hindi pwedeng hindi. This is your special day dahil at last! graduate ka na sa pagiging senior high student!" Masayang sabi ni Lucian kaya natawa ako.

Yes gagraduate na ako ng Senior High at sa pasukan ay College na ako katulad nila! pero mas lamang sila ng isa at dalawang taon. Mas matanda sila sakin eh hihi. Mga uugod ugod na hahahaha joke.

"Makakasama na natin ang prinsesa, hindi na sasakit ulo natin dahil magkakapareho na tayo ng school" Nakangiting sabi ni Nathan kaya napa irap ako.

Oo na, ako na tong pasaway, lagi nila akong napapagalitan dahil sa pagiging pasayaw ko, nandoon na yung tipong susunduin nila ako sa school pero nag aantay sila ng syam syam dahil akala nila nasa loob pa ako pero ang totoo kasama ko ang mga kaibigan kong babae at nag gagala na kung saan saan kaya ang ending pag uwi ko ng bahay kanya kanya silang dada ng kung ano ano.

"Whatever" pairap kong sabi dahil paniguradong bantay sarado na ako sakanila.

"Tama na muna yan at baka malate tong si Ishana kung saan gaganapin ang graduation nya, halina kayo" Sabi ni Daddy kaya naman sumunod na kami.

Wearing my uniform I walk confidently hanggang maka sakay kami sa kotse na gagamitin namin papunta kung saan gaganapin ang graduation naming mga senior high.

I'm with my Dad, with my five kuwatog friends na sina Theriam Mordilivare, ang pinaka bunso sa mga boys at isa ring jolly at the same time ang pinaka mapang asar saming anim.

Lucian Rousseau, ang pinaka manwhore samin, kaliwa't kanan ang babae hindi mo makikitaan yan ng walang babae sa isang araw.

Nathan Lee Beethoven, ang pinaka mabait samin, sobrang sipag sa pag aaral, his parents never pressure him sya lang talaga itong gustong gustong na pepressure.

Jacob Ashton Travaux, Isa ring manwhore pero patago, you know nambababae kapag hindi kami kasama ganon sya hindi katulad ni Lucian na bulgar kung mambabae.

Vaezi Thorcajeos, Ang Isa sa mga sumusulsol sakin kaya favorite ko sya hihi, sya ang pinaka una kong nakilala kaya ganon nalang namin naiintindihan ang isa't isa.

Ang hirap banggitin ng pangalan no? I know right kaya ang tawag ko sakanila ay kuwatog one, two, three, four, and five hihi para mas madali, may mga lahi kasi kaya ganyan ang pangalan at apelyido.

They support me in everything lalo na yung lima, syempre may limitasyon naman and I know my limits kaya hindi rin naging mahirap para sakanila, Sa loob ng tatlong taong pagkakaibigan naming anim masasabi kong kabisado na talaga nila ako at wala na akong kawala. May one time pa nga na nagkaroon ako ng crush na kaklase at ayun sila todo abang sakin sa labas at pati yung crush ko hindi nila pinalampas pero hindi naman nila inano basta ganon, sinabihan lang nila. Napaamin ako nung araw nayon nakakainis lang.

"We're here!" Sabi ni Jacob dahil sya ang driver namin since sya ang pinaka matanda at may license narin naman sya.

"Yown! Ano Ish ready ka na ba?" Naka ngiting sabi ni Vae kaya inirapan ko nalang, obvious ba?

My Hometown | (On Going)Where stories live. Discover now