CHAPTER 16

131 25 0
                                    

Jaz Pov.

Nakita ko ang isang batang babae at isang batang lalaki na masayang naglalaro. Parang wala silang paki sa kanilang paligid. Sa aking palagay ay nasa 9 anyos pa ito. Bakit parang familiar sa akin ang babae? Parang ako ito ha? Bakit ko nakikita sila? Woy! Baka may kambal ako sa ibang mundo?

" zelle I have something to tell you"
Wow English na English ang batang lalaki ha? Ang pogi niya at familiar din ito sa akin pero hindi ko alam kong saan ko ito nakita pati din ang boses nito ay familiar din sa akin.

" Ano yun leo? Wag ka kasing English nang English! Alam mo namang ayaw ko sa English. Ang liit lang nang binigay na grade sa teacher ko sa English. Tapos English nang English ka diyan." Haha natawa talaga ako doon sa babae dahil parang ako lang ayaw ko sa English.  Ang kyut din nilang tignan parang ako nong bata pa ako. Pero bakit parang malungkot ang batang lalaki? Para na kasi itong iiyak.

" Yeah mag tatagalog na.. hende na kame tetera deto" ay grabe si batang lalaki halatang hindi masyadong marunong mag tagalog pero ang kyut niya habang pilit na nagtatagalog.

" Ay? Sabi mo hindi mo ako iiwan? Aalis ba kayo?" Nakasimangot na sabi nong batang babae. Ay? Ang kyut talaga.

" Pero babalik naman ako. Diba usto ko ekaw lang" ayt? Ang landi nila ha kibata bata palang pero ganyan na! Tapos ako dito walang jowa!

" Ay promise mo yan ha! Babalik ka.." pero biglang umiyak yung batang babae naging emotional ito ngayon, ayon oh! May tumutulo pang sipon. Joke

" May ebebegay ako sayo zelle" sabay kuha nito sa bulsa niya nang necklace. Heart necklace. Wow! Familiar sa akin yung necklace parang nakita ko ito kung saan.

" Wow! Ibibigay mo sa akin?" Excited nitong sabi. At tumango naman ang batang lalaki tapos nilagay ito sa leeg nang batang babae. Familiar talaga ito.

" Ayon! You're so beautiful zelle. "

" Wow! Ang ganda nito!! Sabi ko sayo wag kang mag English kasi bagsak ako sa subject na yan." Sabay hampas sa batang lalaki pero mahina lang.

" Yeah yeah sorry" para talaga itong binata kong magsalita.

" Yeyt!! Salamat nito ha. Iingatan ko ito hanggang sa bumalik ka! At wag ka mag English nang English pag balik mo ha!" Ang sungit naman nitong batang to.

" Pandak kana nga tapos ang sungit mo pa. Ano ka chanak?" Wow! Haha natawa ako don.

" Lumayas ka! Hindi ako chanak no. Dyosa ako dyosaaaa"

Bigla nalang nawawala ang dalawang bata at ang lugar para akong umiikot at hanggang sa wala na akong nakikita.

" Yeah.. almost 2 days.. " napamulat ako nang mata dahil sa narinig ko. Alam ko na siya yun ang hindi ko lang ma gets ay yung 2 days. Wait.. what?! 2 days akong patay. Este tulog?

" Ey.. " napatingin naman silang lahat sa akin. Wow complete sila ha? Nandito din ang aking kapatid na chanak, ang aking papa at mama pati nadin ang mama ni Glenn. Ano to family bonding? Hekhok joke lang. Pero may napansin ako kay Glenn na naka Uniform? Gush! Galing ba siyang school?

" Green beans galing ka sa school? Gabi naman kaya oh hindi ka nagbihis?" Natatawa kong sabi sa kaniya pero para atang wala lang sa kaniya at ang nakakagulat ay bigla niya akong niyakap! As in yakap na mahigpit! Awh so sweet ma baby.

" Thank you Lord.. ey I miss you" gush! Bakit kinikilig ako? Bigla niya lang naman akong hinalikan! Gush! Hindi ba siya nahiya sa parents namin? Ako yung namumula dito sa kilig at hiya.

" Si kuya Glenn kasi ate chanak mula kahapon hindi nagbibihis. Tignan mo oh!" Nagsalita naman yung chanak kong kapatid, kaya napatawa naman ako pero ang seryoso na naman nang mukha niya.

" Yeah. "

" Kaya pala ang baho" asar ko sa kaniya pero promise ang bango niya parin! Unfair ha? Bakit hindi siya mabaho? Kahit nga ako hindi maligo nang isang araw mabaho na! Joke lang dapat hindi natin e down ang ating sarili. Pero seryoso ang bago niya parin.

" Tsk. " Wow inirapan lang ako ha? Kala mo babae na may period.

" Ay anak iwan muna namin kayo ha? Talking muna kayo diyan. Lynn tara labas muna tayo" sabi ni mama at ayon lumabas silang lahat tapos kaming Glenn nalang nandito. Ang awkward besh!

" Hm.." sasabihin ko ba?

" Baby.. " hekhok! Ayan naman baby baby niya. Kenekeleg eke besh!

" Bakit ang lampa mo?" Wow? Kala ko pa naman magiging sweet ito sa akin pero bakit nilalait ako nito?

" Hindi ha yung sahig ang lampa" totoo naman pero minsan na parang madalas ay ang lampa ko talaga. Napatingin naman ito sa akin na parang kakain nang tao dahil ang sungit kong makatingin ito sa akin.

" Tsk. Be careful next time okay? Hindi sa lahat nang panahon nasa tabi mo ako." Hindi ko alam kong kikiligin ako or masasaktan dahil alam ko na may panahon din na siya ay mawawala sa akin.

Don't expect the unexpected because what you expect will hurt you more. Pero hindi talaga natin maiiwasan na mag expect kong ano na talaga dahil sa mga binibigay nitong mutibo sa atin.

" Ah thanks hehe" pero pwede naman atang magpakatanga diba? Hindi naman yun masama kung kaya mo pa. Alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako kayang mahalin kaya go with the flow nalang ako nito kung anong mangyayari sa susunod.

Ngayon ay nakalabas na kami nang hospital at ang Sabi ni Doc ay dapat daw ako magpahinga at wag maging lampa di joke lang HAHAHA.

Ayun na nga nasa kwarto na ako ngayon at magpapahinga na sana kaso pumasok si mama sa kwarto. Ano kayang kailangan nito sa akin?

" Hi Ma!" Bati ko sa kaniya habang papalapit ito sa akin.

" Anak may sasabihin ako sayo" bakit parang kinakabahan ako?

" Ano yun ma?"

" Napagisipan namin nang papa mo kung pwede ba ay pagka gr12 mo lilipat tayo sa Canada" ha?! Hindi ko alam kong matutuwa ako or ano ba pero parang hindi talaga ako natutuwa.

" Bakit ma? Okay naman dito"

" Alam kong Mahal mo si Glenn mula pagkabata" ha? Anong pagkabata? Alam ni mama na mahal ko si Glenn? Pero hindi ko gets yung bata thing na yan. Bigla nalang sumakit ang ulo ko!! Shyt!!

" Aaa!!!!" Sigaw ko dahil sa subrang sakit nang ulo ko.

" Nak.. nak.. " para ding na rattle si mama at hindi alam kong anong gagawin.

Shyt! Ang sakit talaga para itong bibiyak dahil sa subrang sakit. Bigla na lamang may lumabas na alaala ba or ewan na katulad nang napaginipan ko!!

" Ma!!!!! " Sigaw ko dahil ang sakit talaga nang ulo ko.

Batang babae

Batang lalaki

Necklace

Letche!! Ang sakit nang ulo ko!! Napaluhod ako sa sahig at hawak ang aking ulo.

" Nak.. ito.. inumin mo.." Alam ko na umiiyak na si mama at kinuha ko ang gamot na laging binibigay ni mama nong bata pa ako. Hindi ko alam kong bakit ako nagkakanito, para bang lahat nang nakikita ko ay parang nangyari na ito sa akin pero wala naman akong naalala na naranasan ko yun. Hayst bahala na.

" Matulog kana nak.. shh" pagtahan nito sa akin at ilang minuto ay dinalaw na ako nang antok..

________________

LOVE WITHOUT LABEL (Orchid Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now