"Sir, saan dito ang bahay niyo?" Tanong ni grace sa lalaki.

"D'yan." Turo ng lalaki sa malaking bahay sa bandang kaliwa sa deretsyong St. lang.

Pinarada ni Grace ang sasakyan sa garahe ng bahay dahil binuksan agad 'to ng mga gwarya.

Binuksan ni Grace ang pinto ng sasakyan at binuhat ang lalaki. Kumatok siya sa pinto at binuksan naman 'yun ng maid.

"Miss, paki-hatid nalang sa kwarto si Sir." Utos ng maid sa kaniya, nagtaka naman si Grace dahil imbis na kunin ang amo ay pinahatid pa ito sa kan'ya papunta sa kwarto.

Hindi alam ni Grace na sanay na ang katulong ni Ariel sa kan'ya dahil sa loob ng isang buwan iba't ibang babae ang kasama nito at madalas umuwi nang lasing kasama ang iba't ibang babae. Tinuro ng maid kung saan ang kwarto ng lalami kaya dali-dali niya 'to hinatid doon.

Kahit isang buwan pa lang si Grace sa bar ay sanay na siya sa mga taong lasing umuwi minsan tinutulungan niya ang mga ito makasakay nang sasakyan or siya ang maghahatid sa mga ito pauwi. Binibigyan siya ng mga ito ng bayad bilang pasasalamat.

Pagkapasok nila sa kwarto ng lalaki ay binaba ni Grace ito sa kama at maayos niya itong hiniga pero, hindi niya inaasahan na hilahin siya ni Ariel pa tabi sa kan'ya at halikan siya nito sa labi.

"Hoy! Ano ba binitawn mo 'ko!" Sigaw ni Grace, nang hindi makinig ang lalaki ay malakas niya itong sinuntok kaya tumigil 'to pero, hindi siya makaalis sa higpit ng yakap sa kan'ya ng lalaki

"Please... Rae... " Nagmamakaawa ang boses ng lalaki sa kan'ya.

"Hindi ako si Rae..." Inis na sabi ni Grace at pilit pa rin tinatagtag ang pagkakayakap ng lakaki pero hindi niya talaga ito matagtag sa sobrang higpit.
"Please... kahit... ngayon lang 'wag mo 'ko iwan... Rae." Bulong muli ng lalaki sa kan'ya. Naiinis na siya dahil wala naman siyang pakialam sa buhay ng lalaking nasa harap niya.

"Sinabing hindi ako si Rae!" Inis na sigaw ni Grace pero, humigpit lang ang yakap ng lalaki sa kan'ya.

Dahil walang magawa si Grace at pagod na siya ay wala na siyang nagawa kundi pagbigyan 'to dahil sa tingin naman niya wala itong gagawin masama.

Nahihirapan si Grace dahil hindi siya komportable dahil na rin sa nakayakap sa kan'ya pati sa fit jeans at manipis niyang light blue na blouse ay hindi siya sanay matulog ng ganito.

Maya-maya ay nilamon na rin siya ng antok.

Nagising nalang si Grace ng mapansin niyang may nakayakap sa kan'ya kaya dali-dali siyang napadilat nang maramdamn niyang lumuwag ang pagkakayakap ng lalaki ay dali-dali niya inalis iyon at tumayo, nakita ni Grace na mulat ang mata ng lalaki kaya dali-dali niya sinout ang sapatos at kinuha ang bag pero, bago pa siya makaalis ay nakatayo na ang lalaki sa harap niya.

"Who are yoy?" Tanong ng lalaki at tinignan si Grace mula ulo hanggang paa.

"Sir, uwi na po ako." Sabi ni Grace pero hindi siya pinaraan ng lalaki. Sa isip-isip ng binata ay ang kilos at pananamit ng babae ay parang si Rae, si Rae na ex-girlfriend niya pero, namatay dahil sa isang aksidente. Alam niya sa sarili niyang hindi na niya mahal si Rae pero, may gumugulo sa loob niya dahil kahit patay na ito gusto pa rin niya malaman ang sagot sa mga katanungan niya ba't nagawa ni Rae sa kan'ya ang mga gano'n na bagay.

"Ano'ng pangalan mo?" Tanong ulit niya sa babae.

"Grace."

"Bakit ka nandito, Grace?" Tanong ni Ariel.

"Dahil hinatid kita... kagabi." Kinakabahan na sabi ni Grace sa totoo lang gusto niya na umuwi dahil may trabaho pa siya bilang janistress sa isang fast food.

"Ano'ng buong pangalan mo?" Tanong ni Ariel.

"Mary Grace... Mercado."

"Makakaalis kana." Sabi ni Ariel kaya dali-daling umalis si Grace sa kwarto at dali-daling naglakad palabas ng mansion.

Naalala ni Ariel si Rae kay Grace dahil si Rae ay nakilala niya lang kung saan at mahiyain ito, gano'n manamit normal na babae lang kahawig din ni Grace si Rae sa mata at ilong.

Nang makadating si grace sa bahay ay dali-dali siyang naligo wala ang kan'yang tiya at kapatid dahil nasisiguro niyang nasa karenderya na ang mga ito.

Sa susunod na linggo na magsisimula ang klase ni Grace nag-ipon siya ng pera para pang gastos niya kapag siya ay nag-aral na at pangbili ng uniform.

Hindi malimutan ni Grace kung gaano kalambot ang labi ng lalaki pero, dali-dali niya inalis muna 'yun sa kan'yang isip at dali-daling nagpunta sa kan'yang trabaho.

Para sa kan'ya mas mahalaga ang pera kaysa sa lalaki.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now