"B-But if you don't wanna then it's okay." aniya.

"Ahh.. No, no, I'm fine. Sure you can take me out on a date tonight." ngiti ko. "Where will we go?"

Napaawang ang bibig niya. Hindi siguro siya makakapaniwala na umoo ako.

"A-Ahh.. Sa movie. I mean, sa sine. Yeah, sa sinehan. Manood tayo ng movie?" tanong niya.

"Sure." ngumiti ako. "But I have to go now. May hinahanap lang talaga ako eh. See you!" sabi ko.

"I-I'll text you later then! Thanks Athalia!" Narinig kong sinabi niya at kumaway na lang ako. Nakatalikod na ako at nagpatuloy sa paghahanap kay Eleven. "Yes! Success bro!" narinig kong nagtawanan sina Ronald hanggang sa lumiko na ako.

Oo may gusto ako kay Mishael, pero hindi naman pwedeng hindi ako magbigay ng chance sa others. Atsaka tanggap ko namang malabo talagang magkaroon ako ng pag-asa kay Mishael. And last time I checked, single parin ako. Ang if I'm single, that means I can date whoever I want. Diba?

Oo, NBSB pa po ako. Nakakahiya na NBSB parin ako sa edad kong ito. But it's seriously not my fault! Seriously!

Mula pa kasi noon ay napaka-overprotective na ng mga kuya ko sakin. Lalong lalo na si Kuya Jahziel. Kahit maraming lalake na ang nabalitaan kong may gusto sa akin, they would all cripple once my Kuya Jahzi finds out. Kaya technically, boys are afraid to court me because I'm too overprotected.

And another reason kung bakit NBSB pa din ako hanggang ngayon? Si Eleven.

Tanggap ko naman na overprotective si Kuya Jahzi sa akin. Pero si Eleven? Ugh! He's always there to make sure that I'm still and always-will-be SINGLE. At naiinis ako dahil wala naman siyang sapat na rason para maging overprotective din sa akin!

Naaalala ko pa nga nung highschool, may nagtangkang bigyan ako ng flowers sa valentines, pero sinuntok niya! Oo, sinuntok ni Eleven ang isang inosenteng lalakeng nagkacrush lang sakin.. For no apparent reason of course! Gusto lang ata niyang maging matandang dalaga lang talaga ako eh! Tch!

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ng isang senior sa akin nang sumisilip ako sa isa sa mga classroom na pinapasukan ni Eleven. Nagbabakasakali akong nandito siya.

"Si Eleven po?" Tanong ko.

"Ah Eleven! Nakita ko siya kanina sa basketball court. PE nila kanina eh. Subukan mo dun sa changing rooms ng mga lalake." Ngiti sakin sa senior na lalake.

Tumango na lang ako at tumakbo na naman ako kaagad patungo dun sa changing rooms malapit sa basketball court. Aish! Kanina pa ako takbo ng takbo!

Pwede ko naman kakarate-hin na lang si Eleven mamaya sa bahay pero mas gusto ko dito na lang gumanti sa kanya sa school dahil alam ko namang magagabihan na naman siya mamaya pag-uwi at magdadala na naman ng babae sa bahay! -__-

"Excuse me? Si Eleven po?" Tanong ko sa isang lalake na kalalabas lang sa changing room.

"Ah nasa loob." sagot ng lalake.

"Wala na bang ibang lalake sa loob? Siya na lang talaga?" Tanong ko.

Kumunot ang noo ko nang ngumisi lang yung lalakeng kausap ko at umalis na sa harapan ko. Weird.

Kung yun ang ngisi niya ay paniguradong may milagro na naman atang ginagawa ang lalakeng yun sa loob!

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pinto ng boy's changing room. Hindi ko pa nakikita ang nakakainis na pagmumukha ni Eleven dahil maraming nakatalay na locker sa loob.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon