EPILOGUE

15K 790 171
                                    

"UY, si tita Ria ba iyon? At tska, at tska kasama niya si...tito Greg!" tili ng mga bata na nasa playground ng Future Hope Foundation pagkahinto nang motorsiklo ni Greg sa tapat ng building na iyon. Angkas angkas siya nito sa likuran nito. Nagkatinginan sila at nagkatawanan.

"Do you think mawawala ang respeto nila sa akin ngayon?" tanong ni Greg na inihilig ang motorsiklo nito upang makababa siya.

Natatawang umibis siya. "Well, I think they will love you like that better that your mister anchor self," pabirong sabi niya rito.

Tumawa ito at umibis din. Sa araw na iyon ay naka simpleng jeans lang kasi ito, puting t-shirt at black leather jacket. He looks like her rugged knight ten years ago. Nagfile ito ng leave sa istasyon at matapos ang mahabang negosasyon ay napagbigyan itong magbakasyon ng isang linggo. Today, they were bound to have a road trip. Ayaw nitong sabihin sa kanya kung saan sila pupunta. She doesn't complain. Anywhere as long as she's with him is fine with her.

Kanina ay dumaan sila sa bahay nila sa Forbes Park. Nasorpresa ang mga magulang niya nang makita sila. At nang pareho silang ngumiti sa mga ito at bumati sa mga ito ay naluha na naman ang mama at papa niya. For once, Greg had a good talk with them. Nagkapatawaran at nagkatawanan sila. Kapag naiisip niya ang huling paguusap ng mga ito ay nangingiti pa rin siya.

"Then, kikidnapin ko muna ang anak niyo. Hindi ko alam kung ibabalik ko pa sa inyo. Is it okay?" pabirong tanong ni Greg sa mga magulang niya.

Tumawa ang papa niya. "Well, ikaw lang ang buhay niyan so you two can do whatever you want. Just don't forget to invite us to your wedding or visit us when you two have time."

"Oh. And don't forget to let us borrow our grandchildren okay?" sabi naman ng mama niya.

Nagkatinginan sila ni Greg, pinisil nito ang kamay niya at malawak na ngumiti.

And so they had their blessing. At ngayon ay dumaan sila ng Future Hope upang sabihin daw nito kay Mrs. Zapanta na "kikidnapin" siya nito ng matagal tagal mula sa trabaho.

"You want to know a little secret princess?" pukaw nito sa kanya.

Tiningnan niya ito. There was a soft smile on his lips. "I put up this foundation because you said you want it. And I did my best to be successful na nasa isip ko ay ang panahong makikita mo ako o ng magulang mo na may narating. Akala ko iyon ay dahil gusto ko lang makaganti, ang makapagpamukha, but when I saw you again I realized that it's because deep in my heart, I want them to accept me, I want them to realize that I am worthy of you.

"Noon una ay hindi ko matanggap kung bakit sa kabila ng mga nangyari ay ikaw pa rin ang naiisip ko sa bawat desisyong ginagawa ko. But now I know, dahil kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko. I tried to resist my feelings because I was in pain. But my pain faded away when I've been with you again. You are my savior princess," masuyong sabi nito.

She softly smiled. Parang gusto na naman niyang maiyak. Hinaplos niya ang mukha nito at dinampian ito ng halik sa mga labi. "No. You are my savior. More than you know. And I love you."

He smiled. He was about to kiss her nang magtilian ang mga batang nanonood pa rin sa kanila. Nagkatawanan sila. "It would be really fun to have children on our own isn't it?" tanong nito sa kanya.

Tinitigan niya ito at nginitian. "Yes."

Sinalubong nito ang tingin niya. Pagkuwa'y pumalatak ito. "Ah, forget it. We're going to get married today. Bahala na si George sa buhay niya kung next year pa siya. Tayo ngayon na!"

She laughed heartily. Oh, she would love that.

WAKAS


a/n: thank you for reading this story! i hope you enjoyed this. Ang version na ito ay never been published. Kaya sobrang saya ko na finally, naipabasa ko na sa iba. Kinimkim ko ito ng ilang taon hahaha. How was it? Anong masasabi ninyo tungkol kina Greg at Ria? :)


TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHTWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu