*Kinabukasan

Dito nako nakatulog sa bahay nila kasi wala din naman yung parents niya. Nag out of the country yung parents niya, na habang siya nag pa iwan pa para lang magkaroon siya ng freedom.

Bumangon nako sa kama niya at bumaba na din ako. Mag reready na sana ako para makauwi kaso bigla nyang hinawakan ang braso ko at napigilan niya agad ako.

"hoy, akala ko nakahiga kapa!?" tanong ko agad

"bumangon na din ako kabangon mo. Saan ka pupunta? Bakit mo kinukuha yung mga gamit mo?" tanong din nito

"uuwi nako." tipid kong tugon

"uuwi kanalang basta basta? Ano yon? Iiwan moko?"

"hi-hindi te–"

"papasama sana ako. Gusto ko sanang makausap si John."

"aamin kana sa nararamdaman mo?"

"oo. Hindi ko na kasi kayang itago to."

"ang alin kla?" tanong ng isang lalaki na galing harap ng bahay nila

"john!?" gulat na tawag ko sakanya

"hi. Kla, pano nya nalaman name ko?" tanong nito

"a-ano, lagi ka kasi nyang namemention sakin. Ah, aakyat muna ako. Mag usap muna kayo ha."

Bigla bigla siyang sumusulpot. Pero ang awkward din kasi baka anong masabi sakanya ni kla, kaya umakyat na din agad ako para makapag usap sila ng masinsinan.

Kla's

Pinipigilan kong umuwi si Kiara kasi wala akong kasama dito sa bahay. Gusto ko na din talagang umamin kay John, kaso nagulat ako bigla siyang nag salita sa likod ni Kiara kanina.

"j-john." utal kong tawag

"a-anong ginagawa mo dito?" dugtong na ani ko

"itatanong ko lang sana sayo kung saan nagpunta yung parents mo. Kasama din kasi nila yung parents ko."

"actually hindi ko din alam."

"tsaka ano pala yung aaminin mo?"

"ha? A-ano w-wala yon. May aaminin sana ako kay kiara kaso–"

"pag kakarinig ko sakin ka may aaminin."

"ha-hala, si Kiara kasi na ano. Na sabi yung name mo kasi ano–"

"kumain kana ba? Tara kain tayo" palusot kong aya sakanya

"hindi pa actually pero ok lang, aalis–"

"hindi, kain kana dito. Sabayan mo na kami. Tutal, wala naman yung parents natin. Ok lang sakin"

"sure ka?" tanong nito

"oo. Ano kaba." tugon ko at hinila ki siya pumunta nang kusina

"eto, sakto kakatapos lang magluto nung kasambahay namin."

"tara, kumain na tayo." ani nito at hinawakan ang kamay ko papalapit sakanya

"h-ha–"

"bakit?"

"wa-wala, pwede mo na bang bitawan yung kamay ko?" tanong ko agad

"sorry, sorry."

Shet, bat ganto. Sobrang awkward, mas lalo na nung hinawakan niya yung kamay ko. Shocks, bat parang nag iba yung nararamdaman ko nung hinawakan niya yung kamay ko. Iba talaga tong nararamdaman ko. Sobrang gulo na, ang hirap iexplain.

John's

Pumunta ako ngayon dito sa bahay nila para itanong kung saan nagpunta yung parents niya, kasi magkasama lang din naman nag out of the country yung parents niya, pati parents ko. Pag kapasok ko sa loob ng bahay nila, narinig ko na nag uusap sila ng kaibigan niya. Narinig ko din na may aaminin siya sakin. Pero parang nagpalusot siya.

Sabay na kaming kumaing tatlo. Sinabay na nila ako, nakakahiya namang humindi sakanila. Mas lalo na kay kla.

"uhm, kla. About don sa narinig ko kanina, i'm sorry."

"ok lang, hindi ko din naman expect na pupunta ka dito. Hindi mo manlang ako tinext or tinawagan."

"nahihiya kasi akong tawagan ka, nahihiya akong istorbohin ka. Kayo ng kaibigan mo."

"ano kaba john, ok lang naman. Sakto lang din yung pag punta mo dito. Buti nalang nagising na siya agad. Kasi alam mo ba kagabi–" putol na sinasabi ni Kiara dahil biglang napatingin sakanya ng masama si kla

"uminom kaba kagabi?" tanong ko agad sakanya

"ha? Hindi ah. Matagal na yung last na pag inom ko non, hindi ko na inulit." palusot na tugon nito

"sabihin mo na, wag kang mag alala. Hindi naman ako magagalit, I'm just nothing in your life. Hindi mo naman ako boyfriend or ano." sagot ko sakanya

"wag kang magsalita ng ganyan, pasalamat kanalang kasi naging kaibigan pa kita." ani nito

"ay te, may kukunin pala muna ako sa kwarto mo" paalam ni Kiara

"a-ano, si-sige. Bilisan mo ah" nauutal na tugon nito

"sorry ha."

"ok lang, aalis na din ako maya maya."

"ha, aalis kana ba nyan?" tanong agad nito

"oo." tipid kong sagot

"may sasabihin kaba talaga?" tanong ko agad

"actually, meron talaga. Hindi ko alam kung kaya ko."

"ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko agad

------------------------------------

Arrange Marriage On viuen les histories. Descobreix ara