TWO

19 1 0
                                    



"ang init!" reklamong sigaw ni elline na sa tabi ko lang, sinamaan naman sya ni iza ng tingin na katabi naman si prellvin na kanina pa walang pakealam sa paligid, magkakaharap kaming apat kaya nga kanina pa ang sama ng tingin ni Iza samin dahil ang ingay ingay na naming dalawa ni elline.

Kasalukuyan kaming nasa jeep papunta sa favourite Milktea shop namin, medyo malayo kasi yun sa university na pinapasokan namin, medyo pagod pa kami sa pag-commute dahil kinuha pa namin si prellvin sa school nya, sya lang kasi yung umiba samin, mas maganda kasi yung school na pinasukan nya sa pagtuturo ng Engineering.

Dinadayo namin yung shop kasi pwedeng pagtambayan atsaka pwede ka pang magtagal duon, madalas kami dun kapag walang klase o di kaya ay vacant naming apat.

"malapit na tayo line" sagot naman ni prellvin,

Saming apat yung pinaka-matino ay si Prellvin, matino dahil minsan hindi nya nage-gets yung mga pinag-sasabi naming tatlo, sya rin yung pinaka bata samin. Sya yung pinaka grade-conscious saming apat, and that's the best thing about her, sya kasi yung nagre-remind samin kung may project kami o wala kahit na iba-iba yung Courses naming apat.

Si elline naman sa aming magkaka-ibigan yung low-key, low-key sa pagiging maldita, sa pagiging sassy, sa pagiging madaldal at sa pasimpleng pagfi-fling, sya yung mas madaming lalaki pero kahit isa walang may naka-tuloyan, sa kanya ako kumukuha ng mga sources sa mga lalaki, ang galing nya kayang mag-investigate minsan nga alam nya pa yung blood type eh. Nakakatakot na nga eh.hahaha

Ako naman, yung Mother hen ng grupo, don't get me wrong hindi ako yung pinaka-matanda wala kasi kaming mapapala kay Iza.Ako naman yung Taga, taga bit-bit ng gamit nilang tatlo, taga-rason kina tita kung saan pupunta,at ang bahay namin lagi yung tambayan nila, ayos lang naman kay mama kaya laging feeling nila bahay nila yung bahay namin

At panghuli si Iza, pang-huli kasi sya yung pinaka-matanda samin sunod lang ako hahaha. Saming apat sya yung hindi mo gustong maka-sagutan kasi hindi mo na namamalayan nabara kana pala nya, Hindi sya madalas na mag share samin ng kung ano-ano, mas madalas kami yung pina-pakinggan nya tapos dun sya magsasalita,tahimik lang sya at pina-pabayaan kami sa mga ginagawa namin kung magkakasama kami, pero minsan sya na yung naninita samin mas madalas kasi sya yung pasimuno ng kalokohan magaling kasi syang mag-plano, detalyado. Hahaha

Naramdaman kong huminto yung jeep kaya napatingin ako sa labas, malapit na pala kami sa Shop, lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakita ko silang nag-tinginan, nakita ko namang natawa si iza.

Di kasi namin alam kong sino yung mag-sasabi sa jeep driver ng para .Lumingon sakin si Iza at tinanguan ako, napahinga naman ako malalim

Bukod sa pagiging mother hen ko ako rin yung Spokeperson naming Apat, Sanay nako dun mula pa nong Junior High naming hanggang ngayon ako parin yung pinag-sasalita nila kapag ayaw nilang magsalita.

Nang mapansin kong malapit na kami sa Shop ay nag-ready nako para sumigaw ng para habang yung tatlo naman ay nakatingin lang sakin.

"para po!"

Bumaba agad kaming apat atsaka pumasok sa shop, dumeretso kami sa usual na spot namin, naglabas naman agad ng pera sina Iza at Elline. napangiti kaming dalawa ni prellvin,iba talaga pag madaming pera eh.

Nakita naman kami ni Iza kaya sumama yung timpla ng itsura nya pero agad ding natawa.

Iniabot nya sakin yung two hundred pesos

Sabi ko nga ako yung o-order

Tumayo ako atsaka hinila si prellvin na kakaabot palang ng pera ni elline.

B.S SERIES #1 BRUISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon