I never really thought about what would happen to me in my 19 years of existence. I thought i had everything. I have the wealth from my parents, my amazing girl friends who always support me, and... Alex.
My best friend.
Just by thinking of him, my heart instantly thumped and started beating abnormally fast. Madalas ng nangyayari to hindi lang sa tuwing naiisip ko ang matalik kong kaibigan, kundi pati na rin kapag magkakasama kami.
I honestly don't know what's happening to me now. Sa sampung taon namin na magkaibigan, halos magkapatid na ang turing namin sa isa't isa. Hindi naman ako naa-attract sa kanya dati. Not until a few months ago when all of a sudden dumaan sa matinding puberty si Alex at nag iba ang kaniyang itsura. From being the nerdy kid noong grade school at highschool namin, parang bigla nalang itong naging mala adonis na lalaki.
Naputol ang aking pag-iisip at paghahanga sa aking best friend nung narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Anak bumaba ka na rito at andito na sila Alex." si Mommy ang nagsalita.
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa kinaupuan ko at tinali ang aking mahabang buhok bago pinihit ang door knob at lumabas sa aking kwarto.
Palakas ng palakas ang kabog ng aking puso habang pababa ng hagdan. Si Alex at ang kaniyang pamilya ay nakasanayan na namin na makasalo tuwing agahan kaya hindi na dapat bago sakin to.
Pero bakit ngayon, ganito ang nararamdaman ko?
Hope, tumigil ka nga.
Pagkababa ko ng hagdan, nakita kong nakaupo sa hapag kainan ang Mama at Papa ni Alex na kaharap sila Mama at Papa. Si Alex naman ay nakatalikod sa kanya at may bakanteng upuan sa tabi niya.
Hindi ko pinahalata na naaapektuhan ako sa lalaking to. Hindi niya pwedeng malaman.
Pasimple ko siyang binatukan at pabirong sinakal habang tumatawa. Si Alex naman ay lumukot ang mukha at ginulo lang ang aking buhok.
Self kumalma ka.
"Good morning Hopia." simpleng bati ni Alex sakin na halos pinakabog ulit ang dibdib ko.
"Morning Dork. Kain na tayo"
Habang nagsasaluhan, katabi ko si Alex at paminsan minsan ay pinagmamasdan ko siya habang tahimik kaming kumakain. Hays, napaka gwapo ng best friend ko.
"Hope iha, kamusta naman kayo sa school niyo? Maayos naman ba?" napabaling ang ina ni Alex na si Tita Lucy.
"Opo tita maayos naman po. Mukhang habulin po itong si Alex sa campus namin. Madaming lumalapit na babae sa kanya." pabiro lang sana yung pagkasabi ko nun, pero may konting sakit na dumaan sa puso ko nung narinig kong mahinang tumawa si Alex at nagsalita.
"Hanggang tingin lang naman sila. Si Frances lang naman ang tintibok nitong puso ko."
Frances.
Ang babaeng nililigawan ni Alex.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko kayang aminin kay Alex ang palihim kong nararamdaman dahil may nag mamay-ari na sa puso nito.
Mapakla lang akong tumawa at bumaling kay Alex, "Sus! Asa ka namang sasagutin ka nun. Ilang buwan ka ng nanliligaw dun ah?" tinago ko ang kirot na nararamdaman ko at pinakita ko sa kanya na ayos lang ako.
"Mag antay ka lang Hopia, mapapasakin rin yun" abot ngiting tugon ni Alex
Wala na akong gana sumagot at nanahimik nalang habang pa unti unti paring nilalamon ng sakit ang puso ko.
Dapat nasanay na ko dito e. Dapat di na ko umaasa. Magkaibigan kami. Magkaibigan lang kami.
But there's a part of me, kahit konti lang, na umaasa na hindi lang kami hanggang dito ni Alex. Umaasa pa rin ako na mas higit pa kami sa magkaibigan lang.
Hay nako Hope, kaya Hope ang pangalan mo kasi napakalaki mong Hopia.
~~
Author's Note:
End of chapter 1 :) first time ko pong mag sulat kaya pasensya na kung di masyadong maganda. Hope u like it guys! Sana maging successful itong story na to :)
| HGWriting | 🦋
YOU ARE READING
Silently Falling | Best Friend Series #1 (Taglish)
RomanceA best friend is someone who you can trust with secrets, fears and relationship advices. That is what Hope Martina and Alexander Elijah Fuego's relationship been for 10 years. Best friends. Who would have known that the word 'best friend' can make H...
