Natigilan si Mommy sa sinabi ko. Noon kasi halos ipagtulakan niya ako kay Aika pero nang dumating si Daddy. Bigla na rin nag bago si Mommy. Naging sunod-sunuran na lang siya.

"Dahil akala ko titigilan ka na ng Daddy mo pero hindi pala kaya kung ako sa'yo sundin mo na lang siya."

Tinitigan ko si Mommy. "Ano'ng gusto n'yo  pakasalan ko ang babaing hindi ko naman mahal?" 

"Ano'ng gusto mo Ryuuji, mapahamak si Aika dahil sa'yo?"

Natigilan ako. Bata pa lang kami alam ko na si Shantal ang gusto ni Daddy para sa'kin kaya naman si Shantal tinatak sa isip niya na ako ang para sa kanya. Habang lumalaki ako nagre-relbede ako sa Daddy ko. Hanggang sa nakilala ko si Aika, siya ang nagbigay ng kulay ng buhay ko. Pero ngayon bigla na lang mapuputol ang relasyon namin dahil kay Shantal.

"Matulog ka na dahil may engagement party kayo bukas," lumabas si Mommy sa kuwarto ko. 

"I want to see her," lumabas ako ng silid upang puntahan si Aika. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pinto hinarang na ako ng dalawang lalaki. 

"Sir, hindi kayo puwedeng lumabas."sabi nito.

Kayang-kaya ko silang dalawa kung makikipagsuntukan ako. Ngunit baka sa gagawin ko saktan ni Daddy si Aika. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa silid ko.

Kinaumagahan abala na ang lahat ng tao sa mansyon dahil dito gaganapin ang engagement party namin ni Shantal. Sapilitan akong pinapunta sa salon upang magpagupit pagkatapos ay nagkaroon kami ng  engagement photo fictorial. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Kinagabihan ay isa-isang dumating ang mga bisita nila Daddy. 

"Ryuuji!" tawag sa'kin ni Fujima at Dan. 

Lumapit sila sa'kin pagkatapos ay nag-usap kaming tatlo. Pumunta kami sa loob ng silid ko.

"Kaya pala hindi ka pumasok dahil nandito na ang Daddy mo," ani Fujima.

Natahimik ako. "Kumusta si Aika?"

"Nag-aalala siya sa'yo akala niya kung napahamak ka,"

Nalungkot ako sa narinig ko. Parang nakikinita ko ang itsura ni Aika  kapag malungkot siya. Mas lalo ko siyang gustong makita.

"I miss her," 

"Paano kayong dalawa?"tanong ni Dan.

"Kung makikipagbalikan ako kay Aika, baka mapahamak siya."

"Ano'ng gagawin mo? Iiwan mo na siya?" tanong ni Fujima.

"Hindi ko kaya," sagot ko. Iniisip ko pa lang na hihiwalayan ko si Aika parang mababaliw na ako. 

"Paano si Aika?" tanong ni Dan 

"Huwag n'yo na lang sabihin kay Aika ang totoong dahilan, magkunwari kayong walang alam." pakiusap ko sa kanila.

"Makakaasa kang hindi namin sasabihin," ani Dan.

Natigil ang pag-uusap namin nang makarinig kami ng katok mula sa may pintuan tumayo ako at binuksan ko iyon.

"Hinahanap ka ng mga bisita sa baba, Baby boy," sinilip niya ang loob at ngumisi. Pumasok ito sa loob at lumapit sa mga kaibigan ko. "Nagpaplano ba kayo kung paano hindi matutuloy ang kasal namin? Kung ako sa inyo itigil n'yo na lang, kung ayaw n'yong mapahawak si Aika." Ilang segundo pa niyang tinitigan sina Fujima at Dan pagkatapos lumabas ng silid.

"Let's go, Baby boy," sabi pa nito.

Nagkibit-balikat si Fujima at Dan pagkatapo ay sinaid ang ininom na alak.

"Ryuuji!" tawag ni Daddy.

Agad naman akong lumapit dito. "Why?"

"Come here, ipapakilala kita sa amigo ko," inakbayan pa ako ni Daddy.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon