"diba. Ang ganda ng view, eto talaga yung room na kinuha ko para kahit papaano, malibang tayo sa view. Ngayong gabi, dito nalang muna tayo. Bukas tayo gagala ok."

"john, may tanong ako."

"ano yon?"

"bakit mo ginagawa sakin to? Bakit parang sobrang maeffort mo na tao? I mean, kahit anong gawin kong pagsusungit sayo hindi moko iniiwan. Ano bang nagawa ko sayo?"

"wala, wala kang nagawa sakin. Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko alam bakit ganto ako sayo. Simula kasi nung nagkita tayo iba na yung pakiramdam ko. Parang may something, hindi ko maintindihan yon. Halo halong nararamdaman kumbaga."

"pero etong ginagawa ko sayo na ganto, deserve mo to. Nalayo ka sa stressful city, hindi namann stressful. Pero nakikita ko sayo na hindi madali yung ginagawa mo sa company nyo. Oo, ceo parents mo. Ceo din parents ko. Alam ko din nagtataka ka kung bakit may free time pako sa mga gantong bagay. Actually, pag uwi ko galing office namin. Doon ko tinatapos lahat. Alam mo yon, ayoko nang natatambakan ako. Gusto ko na kasi magawa yung mga bagay na gusto kong gawin. Kagaya nito, diba sobrang relaxing. Walang maingay, walang tahimik. Sakto lang. Kaya, ikaw mag enjoy kana dito. Sabihan mo lang ako kung gusto mo na umuwi agad."

"hayaan mo, bukas gagala lang tayo tas pahinga. Babawi ako sayo." dugtong na saad nito

"wala nalang akong masabi sa ginagawa mo. Sa totoo lang, proud ako sayo. Nagagawa mo pa tong mga gantong bagay para sakin. Sana kapag naintindihan mo nayang nararamdaman mo, sabihin mo agad sakin ha. Kung nasasaktan na kita or baka punong puno na ng sakit yang nararamdaman mo kaya hindi mo maintindihan. Sabihin mo lang, handa akong layuan ka para sa ikakagaan ng pakiramdam mo."

"hindi naman sa ganon kla, malay mo pag talaga itong nararamdaman ko sayo ay pagmamahal. Sana sayo din" seryoso niyang tugon

Nang nasabi niya sa akin yon, dahan dahan niyang hinahawakan ang kamay ko.

"pagmamahal?" tanong ko sakanya at nararamdaman ko na hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko

"kla, i'm sorry if ganto ako. Masyado akong napapalapit sayo, sobrang hirap nang malayo sayo."

"o-ok lang naman, diba nga magkaibigan naman tayo. Pero sa ginagawa mo ngayon, yung paghawak sa kamay ko. Parang may iba kanang nararamdaman. John, please confess it. Habang nandito pa tayo. Ayokong masayang ang moment nato." tugon ko sakanya

"wag muna ngayon, mag enjoy kanalang. I can't confess right now. Tara matulog na tayo. Para maaga aga tayong makagala dito bukas. Sulitin natin yung mga oras na magkasama tayo sa lugar na to, nag eenjoy ganon." aya nito

"sige, hindi kita pipilitin. Tara, medyo pagod din ako eh." sagot ko sakanya at humiga nadin kami

*kinabukasan

8am na akong nagising at naramdam ko na nakayakap sakin si john. Babangon sana ako kaso naka posas pala ako sakanya, ano ba naman kasing kabaliwan ang naisip ng lalaking to. Dahan dahan ko nalang kinuha ang phone ko at nakita ko na puro text nila mama ang unang notification na nakita ko. Habang chinecheck ko yung text sa akin nila mama, naramdaman ko na gising na si john.

"goodmorning!" bati nito at niyakap niya ako bigla

"goodmorning din. May ipapakita ako sayo" tugon ko sakanya at pinakita ko sakanya ang text sa akin nila mama

"diba sabi ko sayo, ako ang bahala sayo pag uwi natin. Hindi naman siguro sila magagalit sayo kasi ako naman yung kasama mo. Bangon na tayo para makapag breakfast na tayo sa baba"

"pwede mo na bang tanggalin to. Enough na yung kagabi tsaka ngayon, parang awa mona." pa awa kong ani sakanya

"sige na nga." tugon nito at tinanggal na niya ang pagkakaposas ng kamay ko sakanya

"hay salamat. Almusal na tayo sa baba, maliligo lang muna ako." paalam ko sakanya at tango nalamang ang naisagot niya

Third's

Pagkababa ng dalawa sa hotel ay agad na silang gumala para masulit ang bawat oras na magkasama sila. Hindi aakalain ni Kla na ganon kasaya ang mangyayari sakanya sa buong araw na magkasama sila ni John.

John's

Halos lahat ng tourist spots dito sa Tagaytay napuntahan namin. Pabalik na kami ng hotel para magpahinga na dahil naenjoy din namin

"salamat john ah, hindi ko aakalain na ganto kasaya yung trip natin ngayon" tugon ni Kla

"wala yon, sabi ko naman sayo diba. Masusulit at maeenjoy natin dito." sagot ko agad

"ano bukas uwi na ba tayo?" tanong ko agad

"oo, ayoko na masyadong pa alalahanin sina mama sakin. Ihatid moko pauwi ah. Sasapakin kita pag hindi moko hinatid."

"oo na." tipid ko nalang na sagot sakanya

Ang ganda talaga niya, mas lalo na kapag nakikita ko siyang masaya. Eto ang araw na hinding hindi ko makakalimutan, mas lalo na kasama ko siya.

---------------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now