Bago mo simulan ang pagbabasa
NO TO PLAGIARISM!
"ANG LAHAT NG MGA NAKASULAT DITO AY PARTE NG MALIKOT KONG IMAHINASYON. NAKUHA KO ANG IDEYANG ITO MULA SA KANTANG AKING NAPAKINGGAN NA ROCK VERSION NG CARELESS WHISPER BY: SEETHER.
KUNG MAYROON MANG PAGKAKAHALINTULAD NITO SA KUNG ANUMANG KWENTONG INYONG NABASA MULA SA IBANG WRITERS AY PAWANG AKSIDENTE LAMANG.
TAONG 2009 KO ITO SINIMULANG ISULAT (SA NOTEBOOK) AT MARAMI-RAMI NA RING MGA KA-KLASE KO ANG NAKABASA NG FINISHED BOOK NITO.
NOW, IM REMAKING ANG CURRENTLY REVISING MY STORY TO PURSUE MY PASSION IN WRITING DITO SA WATTPAD.
ANG PINAKA AYAW KO SA LAHAT AY ANG PANGGAGAYA O PAGNANAKAW NG MGA IDEYA KAYA ASAHAN NINYONG ANG INYONG MABABASANG KWENTO AY PURONG ORIHINAL.
I SUPPORT MY FELLOW WRITERS, THAT'S WHY I RESPECT THEIR WORKS OF ART. AND PLEASE.. IF YOU'RE PLANNING TO WRITE SOMEDAY, CREATE YOUR OWN STORY, DO NOT COPY SOMEONE'S CREATION. FIND INSPIRATION. WATCH TV, MOVIES OR LISTEN TO MUSIC."
PROLOGUE
-- It isn't what they say to you, It's what they Carelessly Whisper...
"Uy! Narinig niyo na ba ang bagong balita? Paparating na raw ang bagong CEO ng ating kompanya!"
Excited na sabi ni Akira Kansai, 29 years old, Isang Market Research Interviewer ng Marketing Research Department habang hinihingal na nagsasalita dahil mula elevator papasok ng opisina ay kanyang tinakbo upang ibalita ang kanyang narinig sa lower department.
Kanyang tinitigan ang katrabaho na si Sayuri habang ito'y walang imik at abala sa pag-iimpaki ng kanyang mga gamit.
Sumingkit ang kanyang mga mata at ngumiti ng napakapilya bago kinalabit ang tagiliran nito...
"Uyy.... Mukhang may mapo-promote!"
Aniya na may malandi at matinis na boses, nakita niyang napangiti lamang si Sayuri subalit 'yun lang ang kanyang reaksyon, hindi man lang ito lumingon sa kanya.
Tumayo ng matuwid si Akira at naghalukipkpip ng mga kamay bago muling nagsalita,
"Sana'y wag mo kaming makalimutan ha? Kasi diba, future Secretary ka na ni Mr. Izumi ng Izumi Wine----"
"Pa despidida na 'yan!"
Sigaw ni Shinjiro 29 years old, Ang Product Research Analyst ng Marketing Research Department, sabay harap kay Sayuri habang siya'y nakaupo pa rin sa kanyang office chair kaya naantala pa tuloy ang sasabihin ni Akira.
Tinaasan siya ng Kilay ni Akira bago sana ito muling magsasalita subalit may isa pang sumambat kaya kunot-noo itong lumingon sa isa pa nilang kasamahan.
"Opisina lang naman ang lilipatan niya, hindi bansa kaya pwede ba! Magsikilos na kayo't tama na ang daldalan upang maaga tayong matapos sa ating mga ginagawa."
Ani ni Ms. Yunah Abe 38 years old, Director of Market Research. Isang matandang dalaga, mag isang namumuhay sa kanyang apartment kasama ang kanyang apat na Stray cats.
YOU ARE READING
Careless Whispers
General FictionSa pagdating ng Bagong CEO ng kompanyang pinagta-trabahuan ni Sayuri, 'Di niya inaasahang ito rin pala ang magiging dahilan sa pagbalik ng Masalimoot niyang Ala-ala ng Nakaraang matagal na niyang ibinaon noong High school Student pa lamang siya. Ito...
