SIMULA

23 2 0
                                        







"Omg hala ok lang ba siya?"


"Grabe nakakahiya"


"Nakakaawa nga eh"


"Ang sama naman ata ni Kelden? Nagawa niya yon?"


"Oo nga, sa harap pa talaga ng maraming tao"


"Tulungan niyo!"


Napapikit ako sa kung ano-anong salitang naring ko mula sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon.


Naramdaman kong may tumulong sa aking makatayo mula sa pag kakaupo ko sa sahig. Si Dab, na naaawang nakatingin sa kalagayan ko ngayon.


Nang makatayo ay tiningnan ko si Kelden. Tiningnan niya ako pabalik at mas nanlamig ako sa titig niya.


Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata nang mapagtanto ko ang nangyari.


Naaawa ako sa sarili ko.


Hindi ko kinaya ang lamig ng titig niya kaya't tumakbo ako papalayo. Malayo sakanya. Sa taong mahal ko. Sa taong ang gusto lang ay saktan ako.


Dumiretso ako sa may cr at nagkulong sa pinaka-dulong cubicle. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa magsawa ako't maramdaman ko ang sobrang pagmamaga ng mata ko.


Lumabas ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Napaka mesirable. Hindi ko makilala ang sarili ko.


Muli na namang tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan.


Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay nasabi ko ang mga katagang dapat ay matagal ko nang ginawa.


"Kelden Cypher Alezandro, balang araw pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo at mararanasan mo ang lahat ng sakit na naranasan ko mula sayo. Isinusumpa kong ito ang huling beses na masasaktan mo ko at huling beses na may luhang dadaloy sa mukha ko mula sayo."





(Author)
 

First story, hindi seryoso trip trip lang kaya please huwag niyo (chacka kala mo talaga may readers) na pansinin yung gramatical errors.

Sudden loveWhere stories live. Discover now