"Why do you ask?"

Stav pinned his eyes against me. Their hazel brown color blended well with the shadows of sunrise on his cheeks. Even his dark brown hair was glimmering with pecks of gold. All those details were strangely mesmerizing, enough to drive me uncomfortable under his gaze.

Tinalo ng malalamig niyang mga mata ang init ng pasikat pa lamang na araw. Sa unang pagkakataon, natalo ako sa ilalim ng kaniyang tingin.

"Bakit mo naitanong?" Ulit ko.

"Ako ang unang nagtanong, Zhalia. Don't answer me back with a question."

Nang mahimigan ko ang yabang sa kaniyang boses, umahong muli ang iritasyon ko sa magaspang niyang ugali.

"Wala kang pakiealam kung gusto ko siya o hindi."

Hindi na siya muling nagtanong pagkatapos noon. Ipinagpasalamat ko rin na nagising na si Linn at nabaling na rito ang atensyon niya buong biyahe.

"I don't know, kuya." I rolled my eyes at Zeke. Tama ba namang hanapin sa akin si Stav? As if we're close.

"Ang alam ko nandito lang rin sa Manila ang condo niya. Invite him over."

"Bakit ako?"

"You seem close. Nagpatakas ka nga sa kaniya."

I rolled my eyes. Sa pang-aasar lang pala mauuwi.

"Does he like you?"

Muntik nang lumuwa ang mga mata ko sa seryosong tanong ni Zeke. Matatawa na sana ako kung hindi ko pa nasalubong ang nananatiyang tingin nito. He seemed crucial with the question. Why is everyone asking who likes who? Ginapangan ako ng pandidiri sa akusasyon niya.

"No way. He likes Linn."

Zeke nodded consequently. Kung ikinatuwa niya ba iyon o ano, hindi ko mawari.

"Do you like his sister?" Balik tanong ko.

Medyo nagulat si Zeke roon ngunit agad ring nakabawi.

"I like everyone." Tumayo ito at mabilis akong iniwan sa hapag. Napa-iling na lang ako.

"Landi mo." Bulong ko ngunit hindi na narinig ng magaling kong kapatid.

Bumaling ang mga mata ko sa baso ng malamig na tubig na ngayon ay pinagpapawisan na.

Pinagpapawisan rin ang palad ko kinaumagahan. Panay ang tambol ng dibdib ko habang nakapila kasama ang ilang mga modelo para sa casting call ng Storm. Ang ilan sa kanila ay mga kilala na sa industriya. Ilang oras akong naghintay bago sa wakas ay natawag ang pangalan ko sa loob.

Ang creative director ng Storm, and vice president at isang sikat na photographer ang naroon bilang judges. Bitbit ang portfolio ko ay lumapit ako sa harapan nila at pinasilay ang matingkad at praktisado kong ngiti. Nag-angat ng tingin ang baklang creative director at nginisihan rin ako.

"Zhalia Clementine!" Bati nito.

Umangat ang kilay ko sa pagkabigla ngunit pilit ko iyong ikinubli.

"We're glad you're here!" Masigla ring ngumisi ang vice president.

"I can tell, just by looking at you, your vital statistics are good." The photographer's eyes narrowed in my entire body.

"Of course, she's a Luisiana after all." Humagikhik ang creative director.

"I didn't know that Camila's niece is this pretty."

"I mean, I didn't even know she has a niece before you appeared here! You were in the states, right?"

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Where stories live. Discover now