Bwisit!! Bwisit! Bwisit!! Nakakahiya!!

"Pag-ingatan mo yang panty mo, you'll need it in case you want to save your virginity from me." bulong niya at naramdaman ko siyang nakangisi sa leeg ko. Tumaas ang lahat ng balahibo ko! W-What the hell?! Anong sabi niya?

Hindi ko na namalayan na umalis na pala siya dahil sa sobrang gulat ng pangyayari. Nakanganga lang ako at parang naging estatyuwa kasi hindi pa ako nakakagalaw pagkatapos niyang bumulong sa akin ng mga nakakakilabot na mga salitang yon.

"OMG." bumalik ako sa wisyo ko at nakita kong nanlalaki ang mga nina Rickzyn, Rui, at Zara sa akin.

Kinuha ni Zara ang panty kong nakalagay sa lamesa at walanghiya! Itinaas niya pa ito at pinagmasdan pa habang nakangiwi. "M-May nangyari sa inyo ni Fafa Eleven?!"

"A-Akin na nga yan!" Agad kong kinuha ang panty ko mula sa kanyang mga kamay at nilagay ko kaagad sa bag ko.

Napayuko ako nang nakita kong ang dami na palang nakatingin sakin. At pag sinabi kong maraming nakatingin sakin, as in yung lahat ng tao sa cafeteria! Nakatingin sakin yung mga babae na parang kakainin na nila ako!! Nagbulung bulungan pa yung iba at may iba paring mukhang gulat na gulat nang dahil sa nakita nilang ginawa ni Eleven sa akin.

Letse! Leste talaga ang lalakeng yun! Ugh!

"Ath.. May nangyari sa inyo ni.. ni Eleven?!" tinakpan ni Rickzyn ang kanyang bibig at kitang kita ko sa mga mata niya na nagugulat siya.

"W-Wha? No! Hindi--" magsasalita pa sana ako pero sumingit pa si Rui.

"K-Kaya pala ayaw mo sa kanya? Kinuha na niya sayo ang virginity m--"

"NO!!" agad kong sinigaw at napatingin ang lahat sa akin.

"Virgin pa ako! Virgin!" sigaw ko ulit.

At ngayon ko pa namalayan na sinigaw ko pala yan habang tahimik ang lahat sa cafeteria.

*gulp

Shit. Napapikit ako sa sobrang kahihiyan sa ginawa ko. L-Letse! Lupa, pwede mo na akong lunukin ngayon mismo. Please?

May mga natatawa na sa loob ng cafeteria at sa bawat segundo ay nadadagdagan ang mga tawa nila.

"Uhh.." Naging estatyuwa ulit ako sa kinatatayuan ko.

Payuko na sana ako para itago ang mukha ko sa sobrang hiya. Pero biglang..

Nahagip ng mga mata ko ang isang lalake na nakatayo sa malapit sa dispenser at umiinom ng tubig. Oh no.. H-Hindi pwede! Cannot be! Hindi 'to maari!

Si... Si Mishael!

Oh no. Lord! Lord bakit nandito posiya?! Please.. please po wag niyo pong sabihin na narinig niya yung sinigaw ko!!??

Malamig ang tingin sa akin ni Mishael habang kinukuha niya ang kanyang tubig. Pagkatapos niyang uminom ay tumingin pa siya ulit sa akin ng saglit bago nilapag ang baso sa gilid ng dispenser. Napaawang ang bibig ko nang nakita ko siyang umiling iling bago tumalikod at umalis narin sa cafeteria.

Waaaah! Lord.. Jusko po! Bakit timing pa talaga na nandito po si Mishael?? Bakit kailangan pa niyang masaksihan itong kabobahan ko!? Bakit??

Nakakahiya! Nakakahiya!!

Eh kasi naman! Long time crush ko yun si Mishael! Si Mishael Stratford! Ang pinaka-mysteryoso, tahimik at drop-dead gwapong lalake na nakilala ko sa buong buhay ko!

"Athalia.. tara na, parang napahiya mo na naman ata sarili mo." hinawakan ako ni Rickzyn sa braso at hinila na niya ako palabas ng cafeteria. Sumunod narin sina Rui at Zara. Pareho kaming apat na nakayuko habang naglalakad palabas kasi lahat sila sinundan kami ng tingin!! Nagtatawanan parin yung karamihan sa mga lalake at yung mga babae nandidiri pa sa akin!

"Hoy gaga! Hindi mo naman kailangan ipagsigaw pa yon! Oh ayan tuloy! Ginagawa ka nang joke dun sa cafeteria!" nang nakalayo kami ay agad na pinagalitan ako ni Rickzyn.

"E-Eh kasi Rickz hindi kayo nakikinig sa akin eh. Wala nga sabing nangyari sa amin ng Eleven na yun!"

"Pero besh pwede namang binulong mo na lang yun sa amin. Sumigaw ka pa talaga. You're insane talaga minsan. Kulang ang common sa sense mo besh." Napailing iling si Zara sa akin.

"Naku okay lang yun! Makakalimutan rin yun ng mga tao pagkalipas ng mga araw! Atsaka hindi naman yun nakita ng crush mo diba? Okay lang yan Athalia." tinapik ako ni Rui sa balikat.

"Eh yun nga eh!" Nalulungkot kong sinabi.

"Anong yun nga?" Tanong ni Rui.

"Yun nga eh! Nakita ni Mishael! Nandun siya! Nakita ni Mishael ang katangahang ginawa ko!" Napadabog dabog ako sa kinatatayuan ko habang nakatakip ang kamay ko sa buong mukha ko.

Pero habang padabog dabog na naglalakad lakad in circles, biglang may natapakan ako. May natapakan akong paa!

"Ay sorry!" Pagtingin ko sa natapakan ko...

R.I.P. Athalia Hanani Rectazo.

Si Mishael!!

Pareho kaming apat na natahimik at nakatingin kay Mishael na mukhang nainis sa ginawa ko.

He looked at me. Gusto ko namang tingnan niya ako pero hindi tulad ng ganito!!

"I hate clumsy people." tipid niyang sinabi. A-ang lamig ng boses niya.

Nalaglag ang panga ko at hindi ko na nalamayang umalis na pala siya. Naglakad na palayo. Hindi ko na siya sinundan ng tingin dahil na-headshot na ako sa sinabi niya sa akin.

Nag-twitch ang mga mata ko at agad na napalitan ng angry face ang dati kong shocked face.

"A-Athalia?" Nilapitan ako ni Rickzyn, mukhang natatakot na siya sa mukha ko.

"Magbabayad siya.. Magbabayad siya." sinasabi ko habang nakakuyom na ang mga kamay at nanliliit ang mga mata.

Iniimagine ko na kung paano ko babasagin ang mukha ng pesteng Eleven na yun mamaya!! Humanda siya sakin!!

"Magbabayad siya!!!" Malakas kong sinabi at napaartas sina Rickzyn ng bahagya sa akin.

"Besh, nasisiraan ka na ba ng bait?" -zara

"Naglilider na siguro yan sa sarili niyang kulto." -rui

"Guys! Manahimik nga kayo!" Saway ni Rickzyn sa kanila.

Hindi ko na sila pinakinggan pa. Masyado na akong kinakain ng galit ko. Galit ko kay Eleven!!

Yung letseng Eleven Hezron Adanza III na yun!!

Magbabayad siyaaa!!

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now