I politely say thank you saka ako pumasok sa kanyang kotse at ng masara niya ay humilig ako sa nakasaradong bintana. Pumasok din si Kuya Hex saka pinaandar ang kotse matapos mailagay niya sa compartment gloves niya ang mga libro ko at ang bag ko sa backseat.

"Medyo masakit lang ang ulo ko. Ang haba kasi ng exams." sagot ko sa tanong niya kanina.

"Let's go home then. You should drink medicine and take a rest." sabi niya.

Sa sobrang sakit ng ulo ko'y hindi ko namalayan na naka tulog ako sa kotse niya. Saka ko lang namalayan na nasa bahay na kami ng karga niya ako at papasok na siya sa kwarto ko.

Maingat niya akong pinahiga sa kama. Lumapit sa'kin si Mommy, looking worried. Wala si Daddy at nasa Manila for business agendas. Lalo na't pati doon sa Fuentabella Corporation ay nagkakagulo. Hinihinala kasi ni Daddy na pakana ni Tito Arius ang pangingidnap sa'kin. Lumala tuloy ang iringan nilang dalawa.

"Medyo mainit ka sweetheart. I'm going to call our family doctor. For now you need to take a medicine at least." Mommy said.

"Thanks, Mom." I smile gently at her.

Lumapit ang isang kasambahay at ibinaba ang tray na may lamang orange juice at gamot. Kinuha ni Kuya Hex ang gamot at tinulongan naman ako ni Mommy bumangon saglit.

I took the medicine and drink it. Matapos ay humiga uli ako. Mommy said she'll call the doctor outside so I can take a rest while Kuya Hex stayed beside me.

"Thank you Kuya." naka pikit kong sabi.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko saka pinisil iyon. "Everything for you, Zaccary."

Tuloyan akong dinalaw ng antok at nakatulog. Pagkagising ko ay iba na ang suot kong damit at si Mommy nalang ang nasa tabi ko.

"Myy..." I call almost in a whisper.

Papungas-pungas si Mommy ng mga mata saka niya dinampi ang kamay niya sa noo ko. "How are you feeling sweetheart?"

"I still feel a bit dizzy." sagot ko.

Pinunasan niya ang noo ko gamit ang bimpo. "I'll call the maid for your food and medicine sweetheart. Stay here for a minute okay? Hex is just outside. I'll call him so may mag bantay sa'yo saglit."

Tumango lang ako at tiningnan si Mommy lumabas ng kwarto. Hindi paman nasasara ang pinto ay pumasok naman si Kuya Hex.

"Kuya..."

"Let me help you." sabi niya at inalalayan akong bumangon.

Sumandal ako sa malambot na unan sa likod ko at tiningnan siya. "What time is it?"

He look at his wristwatch. "It's past ten in the evening. Why?"

"Bakit hindi ka pa umuuwi? It's already late Kuya."

Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga saka niya marahang dinampi ang kanyang kamay sa aking pisngi.

"You're not feeling well. How can I leave you?" malambing niyang sabi.

"Mommy is with me, Kuya. I'll be fine."

He left out a sigh. "Just let me take care of you okay?"

Tumango nalang ako bilang pagsuko. Ganito ka tigas ang ulo ni Kuya Hex. Once he pursues something, he will do it without hesitation and turning back. But once it is against his will, no matter what you say to cheer him up, he won't do it.

Dumating si Mommy kasama ang dalawang kasambahay dala ang gamot at pagkain. I only eat porridge soup before I drink my medicine and fall asleep again.

With All MightWhere stories live. Discover now